Saturday, November 26, 2016

Mensahe para sa mga Nagmamadaling Mag-asawa

Ang kasal at ang binyag kung sa katoliko ay may mga seremonya, dito sa Almighty ang kasal ay wala na sa simbahan. Kundi ang mag-asawa ay nirerequired na sa civil kayo magpakasal, kung hindi sa judge or sa mayor.

Sunod ang sinasabi dito na mas magandang pakasalan mo ay kilala mo. Ang pakakasalan mo dapat minamahal mo at sunod iyong pakakasalan mo dapat ipinapakilala mo sa pamilya mo.

Kaya mas maganda bago kayo ikakasal, ang bawat pamilya ay magkaintindihan at hindi iyong kayong dalawa lang na kinasal ang nagkaintindihan.

Or halimbawa pinakasalan mo dahil sa mayaman, or matanda na. Or pinakasalan mo dahil maganda. So dapat pakasalan mo hindi sa laman/katawan na tinatawag. Kundi pinakasalan mo dahil nakita mo na may maganda sa kanya.

Ano yung mga maganda? Maganda ba dahil sya ay may pera? sya nakatapos? Sya may propedad? or pinakasalan mo sya ng dahil sa sumusunod sya sa Diyos. Kasi kahit gaano pa kaganda kung hindi sumusunod sa Diyos walang kwenta, kasi baka sya pa magdala sayo sa impyerno. Kung ikaw naman babae, anohin mo naman ang lalake na gwapo, professional, may propedad, pero hindi pa umabot ang pagsasamahan nyo ng 1 year ay wala ka ng bagang! So tama?

Ikaw babae kung asawahin mo ay lalake na mapera, may hitsura, professional pero sa sobran nyang pagmamahal sayo ay hindi makalapat ang paa mo sa lupa kasi lagi ka nyang ibitin sa bahay nyo.

So anong rason nagpakasal ang babae sa lalake? Anong rason? Kung Diyosnon ang babae at kumikilala sa Diyos ang babae, anong rason at mag-aasawa sya? Anong purpose bakit kailangang mag-asawa ang lalake at babae? Ano? Anong sinabi ng Diyos kay Adan at Eva? Anong sinabi ng Diyos? Di ba go to the world and multiply? So tama.

So kailangang mag-asawa ang lalake at babae para ang sanlibutan ay magpatuloy. Tama? Kasi kung wala ng tao ang sanlibutan, nagpapatuloy pa ba ang sanlibutan? Bakit wala na? Kasi ginawa ang sanlibutan para sa mga tao. Ngayon kung ang sanlibutan ay wala ng tao, may kwenta pa ba ang sanlibutan? Di ba wala na?

So ang unang purpose kung bakit nag-aasawa ang lalake at babae ay para magpatuloy ang buhay sa sanlibutan. Magpatuloy ang kagustohan ng Diyos na ang sanlibutan ay mamuhay ang tao.

Ngayon ito ang tanong? Pag ikaw ay babae at mag-asawa ka sa isang lalake na hindi sumusunod sa Diyos, magiging maayos ba ang relasyon mo sa kanya? Ang sagot ay Hindi!

Ngayon ikaw babae, at ang iyong asawang lalake ay hindi kumikilala sa Diyos at nagkaanak kayong dalawa. Nasunod nyo ang kagustohan ng Diyos na may magpatuloy sa sanlibutan.

Pero ang tanong, dahil hindi maka Diyos ang asawa mo, ang tanong iyang mga anak nyo balang araw ay magiging maka Diyos or hindi? Ang sagot diba Hindi? So kung marami kang anak at puro demonyo, may kwenta ba ang pagiging magulang mo? May kwenta or wala? Wala! Bakit? Anong sabi ng magulang? Anong laging sinasabi? Walang kwentang mga bata to! Tama? Kung pasaway ang mga anak nya at lumalaban sa kanya anog sabi nya? “Naku! Mabuti pa dati inipit ka na lang ng dalawang hita” Tama?

So kung ikaw ay nakakakilala ka na sa Diyos na Ama, ano ang gusto mo na maging sa mga anak mo balang araw? Demonyo or maka Diyos? So maka Diyos di ba? Ngayon kung ang mata mo ay binulag ng kagwapohan, ng pera, kahit sino mang lalakeat hindi sya sumunod sa Diyos. Darating ang araw na ikaw na nanay na kumikilala sa Diyos na Ama, masunod kaya ang gusto mo na ang kabataan mo balang araw ay magsunod sa Diyos? Masunod or hindi? Hindi masusunod kasi ang partner mo demonyo. Tama?

Kahit gaano ka pa ka maka Diyos kung ang kasama mo sa bahay ay demonyo, Ikaw na maka Diyos ang talo kasi sa kasalanan nya ay maparusahan ka. Tama? Sample: Maka Diyos ka tapos asawa mo demonyo, laging lasing at inaabotan pa ng umaga sa inoman. Sino ang laging puyat kakahintay? Di ba ikaw! Pero maka Diyos ka! Ngayon ikaw ang naghihirap dahil ang iyong asawa ay ano? maka demonyo!

Ngayon dahil ikaw ay babae na mahilig sa gwapo, wala kang kaalam-alam na binulag ng demonyo ang iyong mata. Na hindi mo tiningnan ang laman ng kanyang puso, at ang tiningnan mo ay ang kanyang kagwapohan at ang kanyang pera.

Wala kang kaalam-alam na iyan pala ang pain ng demonyo sayo para ang iyong malaking paniniwala sa Diyos ay magiba. Tama?

Kaya kahit gaano ka pa ka matuwid or ka maka Diyos kung ang kasama mo sa bahay nyo ay masama, baka sa sunod na mga araw ay baka patulan mo ang kanyang pagiging masama. Tama? Kung patulan mo ang pagiging masama nya, ang iyong pagiging maka Diyos ay mawala or hindi? Di ba mawala ang pagka maka Diyos mo.

So para hindi mawala ang pagka maka Diyos mo, ay wag kang mag-asawa ng lalakeng masama. Tama? Ano ang iyong dapat hanapin? Di bale ng matanda basta maka Diyos pwede ba? Edad mo 20 at wala na sigurong maka Diyos na edad 20 kasi ang maka Diyos ngayon ay 80 na.

So ano ang dapat gawin? Ang dapat mong gawin ay maghintay ka ng tamang panahon. Kasi may itinadhana ang Diyos para saiyo.

Di ba sinasabi na ang lawak-lawak ng disyerto at nilibot na ang lahat ng disyerto at tuyo ang mga sapa. Ngayon may nakita syang tubig? Wala! Anong ginawa nya? Nilibot nya ang lahat na disyerto at may nakita ba syang sapa na may tubig? Wala!

Pero dumating ang araw na nanalangin lang sya at umulan at nagkatubig ang mga sapa. Hinanap nya ba ang tubig or dumating lang? Di ba dumating lang! Pero ng maghanap sya ng mga sapa may nakita bas yang tubig? Wala! So ganyan sa pag-aasawa, wag kang magmadali dahil may itinadhana na ang Diyos para sayo. Ngayon kung magmadali ka, ano ang iyong masumpungan? Ano kaya ang masumpungan mo?

Example si Dave ang edad nya 17 yrs old, kung mga edad 45 yrs old kaya sya mag-asawa ay wala ng babae ang sanlibutan? Kaya bakit ka mag-asawa sa edad na 25? Eh sa edad na 45 may babae pa naman ang sanlibutan. At kung maghintay ka sa edad na 45, maubos ba ang babae sa sanlibutan? Hindi di ba? Oh di hintayin mo lang ang 45 :)

Kung ikaw babae at mag-aasawa ka sa edad na 30 at 20 yrs old ka pa lang ngayon pagdating ba ng edad mon a 30 ay maubos ang lalake? Hindi noh? So kailangan ay magtrabaho ka at gumawa ka ng mabuti para sa iyong sarili at sa pamilya mo. Kasi kung mag-aasawa ka at waka ka pa naman naipundar, ano ang mararanasan mo? Gutom or kahirapan sa buhay! Ngayon nag-asawa ka pero ang pamilya mo mahirap lang at noong hindi ka pa nag-aasawa ay wala ka pang trabaho at hindi ka makatulong sa pamilya mo.

At ngayon nag-asawa ka pero wala ka namang trabaho at wala ding trabaho ang asawa mo, makatulong ka ba sa pamilya mo? Di ba hindi! At kung pumunta ka sa bahay ng mga magulang mo anong sasabihin kaya ng nanay at tatay mo? “Siguro maghingi na naman ito ng tulong” Tama?

Kaya nga ang isang bata na mahirap lang at hindi nakapag-aral at walang trabaho at nag-asawa, maganda ba ang kanyang kahihinatnan? Di ba hindi! Lalo na kung ang asawa nya ay wala ring trabaho.

Ngayong kung pumunta ka sa bahay ng iyong mga magulang at malayo pa lang kayo ay alam na pakay mo. Anong sabi ng mga magulang mo? “Maghingi na naman siguro ito ng tulong, wala na naman sila sigurong bigas”

Imbes na ang mga magulang mo ay umaasa na sabi ng mga magulang mo “itong mga anak natin paglumaki at sila naman ang makapundar at tayo naman ay makapagpahinga at tulongan naman tayo ng mga anak natin”

Pero anong laging iniiyak ng mga magulang? “Naku walang silbi itong mga anak natin, kami nga itong mga magulang nila na mahirap na at kami pa ang kanilang kukuhanan” tama? So ikaw na anak yan ang sabihin sayo ng mga magulang mo ay matuwa ka kaya? Hindi noh? So kung yan ang sabihin sayo ng mga magulang mo ay baka sumama pa ang loob mo at baka dumating ang araw na lumayo pa ang inyong relasyon.

Pero sino ba talaga ang may obligasyon na tulungan ang mga magulang? Kaninong obligasyon? Obligasyon ng kabataan. Kasi kayong mga kabataan noong maliit pa kayo ay pinalaki kayo ng inyong mga magulang. At pagdumating ang araw na matanda na ang mga magulang nyo, kayo naman na mga kabataan ang magbalik ng tulong sa kanila.

Pero sa panahon ngayon anong nangyayari? Sino ang bumibili ng gatas ng apo nya? Ang lolo at ang lola! Tama? Oh di ba? So dapat sino ang magprovide nyan? Dapat hindi ang lolo at lola, dapat kayo na mag-asawa ang magprovide nyan dahil yan ay inyo ng mga anak. Tama?

Dapat ang mga magulang na matanda na at mahina na, kayo na mga anak na malalakas pa ang tumulong sa kung anong wala sa kanila. Bakit? Dahil iyan ay bilang ganti nyo sa inyong mga magulang sa pagpalaki sa inyo. Tama?

So naintindihan nyo na ang rason na laging sinasabi na “wag muna kayo mag-asawa, balikan nyo muna ang mga magulang nyo na tulungan nyo naman sila sa kanilang mga kahirapan.” Dahil noong mga bata pa tayo ay pinagsikapan nila tayo sa pagpakain at pagpalaki.

Pero sa panahon ngayon, ano ang ginagawa ng mga kabataan ngayon? Eskwela tapos pagkagraduate at kapag nakapagtrabaho at may sweldo na ay mag-asawa. So pag may income na ay pagdamotan pa ang mga magulang na kung totoosin ay sila naman ang nagpaaral sa kanila. So ng makapagtrabaho na at magkasweldo na ay mayayabang pa sa harap ng kanilang mga magulang. May cellphone lang na bago at hinahawakan ng nanay nya ay ayaw pahawakan sa nanay nya kasi baka daw magasgasan. Tapos ito pa nagpaturo lang nanay nya kung paano gumamit dahil hindi marunong sasabihan pa na “si nanay talaga grabe pagka bobo!” Tama?

Pero kung iyong balikan, saan ka ba galing? Ki nanay mo di ba? Dahil sino ba ang nagdala sayo ng siyam (9) na buwan? Saan nanggaling ang parte ng katawan mo? Sa nanay mo or tatay mo? Ki nanay mo galing di ba kasi saan ka ba nabuo? Ki nanay mo pa rin! Yung sperm cells nga maliit lang iyon at iyong itlog ng babae ay malaki iyon. So saan ka halos galing? Saan galing halos lahat ng parte ng katawan mo? Sa nanay mo ikaw halos lahat nanggaling!

Tapos kung sagot-sagotin mo si nanay mo ay parang walang buto! Tapos kung magsalita ka pa sa mga magulang mo ganito “ay wag nyo na akong turoan kasi nakakaintindi na ako at malaki na ako” Tama?

So ano ang purpose ng pag-aasawa? Ano ang purpose? Ikaw lalake ano ang purpose mo at mag-asawa ka? At sa nagbabasa nito na nagbabalak na or gusto ng mag-asawa ano ang purpose mo at mag-asawa ka na?

Kung mag-asawa ka lang naman at pagkalipas ng ilang araw ay iiyak ka lang naman, ipagpatuloy mo or hindi? Kung mag-asawa ka lang naman at pagkalipas ng ilang araw ay magbigay lang ng problema sayo, ipagpatuloy mo or hindi? Hindi na lang! so Tama?

So mas magandang single ka na lang at kung may problema ka ay ikaw lang ang may problema. Kasi kung may asawa ka na at mga anak, kung may problema ka ay hindi mo lang problema kundi problema din ng iyong asawa at mga anak. So kung hindi mo pa kaya magpuyat sa isang sanggol, wag ka na muna mag-asawa or magpa-asawa.

So ang pag-aasawa ay madali or mahirap? Ang pag-aasawa ay madali lang pero ang pagharap sa iyong mga obligasyon bilang asawa ay nakakapagod. Kaya dapat ang pag-aasawa ay pagisipan mong mabuti.

Kung nakilala mo na ang Diyos, ang aasawahin mo ay nakakilala din ba sa Diyos or hindi? Nakakilala di ba? Para isa lang kayo ng paniniwala. Ngayon kung nakilala mo na ang Diyos na Ama at ang aasawahin mo ay hindi pa nakakilala sa Diyos na Ama, maganda ba or hindi maganda ang magiging pagsasama nyo? So kung ang aasawahin mo ay hindi pa kumikilala sa Diyos na Ama at gusto mo syang maging asawa ay isama mo kapilya ng The Holy and Sacred Almighty God Our Father at pasimba mo sya kung makapagpatuloy. Tama?

Ipatesting mo sa kanya ang iyong paniniwala na kung may sakit sya ay wag iinom ng gamut. At kung kaya na nyang gawin at matanggap nya ang iyong paniniwala, ibig sabihin ay tanggap ka nya. Pero kung ang iyong paniniwala ay hindi nya kayang tanggapin, wag mo na lang ituloy ang inyong pag-aasawa.

Bakit? Dahil ang intension nya sayo ay spiritual or katawan lang? Di ba katawan lang! Pag ikaw babae wag kang magpatol sa lalake na ang habol lang ay katawan lang. Bakit? Kung ngayon attractive ka pa, maganda ka pa, sexy ka pa at dumating ang araw ay malaspag ka. Iiwan ka nya or hindi? Di ba bayaan ka nya. At bakit ka nya iiwan? Dahil katawan lang naman ang habol nya sayo.

Pero kung ang lalake na pinipili mo maka Diyos, anong rason na inasawa ka nya? Iyon ay dahil sa gusto ka nya na ikaw ay makasama sa buhay nya at maging partner balang araw at magpalaki sa mga anak nyo na magkilala din sa Diyos. Ang isang maka Diyos ba na gusto mag-asawa ang tinitingnan ba ay matangos ang ilong? ang tinitingnan nya ba ay maganda ang katawan? ang tinitingnan nya ba ang buhok? ang tinitingnan nya ba ay professional? Or ang tinitingnan nya ay ang magandang espiritu ng isang tao? Di baa ng tinitingnan nya ay ang magandang espiritu ng isang tao.

Dahil sa spiritual mo sya tinitingnan, kahit dumating ang araw na tuboan na sya ng goiter, iiwan nya ba or hindi? Di ba hindi nya iiwan kasi ang minahal mo sa kanya ang kanyang mabuting spiritu.

So kung ikaw lalake at hindi tinitingnan ng babae na macho ka, mataas ka, maputi ka, may trabaho ka at ang pinipili ng babae ay may magandang spiritu. At dumating ang araw ay malumpo ka at hindi ka makalakad, iiwan ka ba ng babae or hindi? Hindi ka nya iiwan kasi pinakasalan ka nya dahil sa may maganda kang spiritu. Tama?

Kaya pansinin nyo ang nangyayari sa batang babae at matandang may pera, pag naubos ang pera ng matandang may pera di ba bayaan. Bakit? Dahil yan ang minahal nya sa matandang may pera. So kung maubos na ang pera di ba iiwanan? Dahil ano ba ng nagtulak sa isang batang babae na pakasalan ang matandang may pera? ang magandang espiritu ng mapera or ang kwarta? Kwarta di ba?

Kaya ang pagpakasal ay hindi dapat gawin na parang napakadali lang, dahil baka balang araw ay maabot nyo ang siko nyo kakakagat. Tama? Dahil ang kasal ay may kasulatan, makakawala ka ba or hindi? At may mga lalake pa na nagsasabi na “hanggat buhay pa ako kalbaryo ang iyong buhay”. At sabi pa ng lalake na “mahal na mahal kita at hindi ko papaapakin ang paa mo sa lupa dahil bitayin kita sa bahay”

Ikaw babae, may kwenta pa ba ang iyong Ponds? Ang pina-Ponds mo gabi-gabi may kabulohan pa ba? Ang iyong magagandang mga damit may kabulohan pa ba? Kung ang mga bagang mo durog na? Tama?

Oh di ba? Pero kung ang makuha mo na lalake ay maka Diyos at kumikilala sa Diyos, sasaktan ka kaya? Hindi ka nya sasaktan. Bakit? Dahil matakot sya sa Diyos.

Pero kung ang makuha mo na lalake ay asal demonyo, sasaktan ka ba or hindi? Sasaktan ka! Dahil ang demonyo ba kumikilala sa Diyos or hindi? Hindi kumikilala sa Diyos ang demonyo.

Kaya sa ating mga kabataan, sa mga dalaga natin at mga gusto mag-asawa, pagisipan nyong mabuti itong mga sinabi bago pumasok sa sitwasyon na mag-asawa at magpa-asawa. Dahil isang mali mo lang, ay dadanasin mo sa buong buhay mo. Tama?

0 comments :

Post a Comment