Ang dasal nagiging kulang yan kung hindi mo sasamahan ng gawa. Pag ang puno sabihin mo na putolin mo pero hindi mo kinukuha ang palakol at hindi mo pinalakol hindi matutumba ang puno. Sabihin mo bukas putolin ko yang puno, tapos kinabukasan sabihin mo bukas mo na naman putolin hanggang inabot ka na ng taon ay hindi mo pa rin nagawa. So andyan pa rin yan, ibig sabihin ay samahan mo ng gawa. Ang gawin mo ay kunin mo ang palakol, puntahan mo iyong puno saka palakulin mo, at yan iyon tinatawag na pananampalataya.
Dahil yung pananampalataya na walang pananalig ay patay yan at walan kabulohan. Ganito yan, nagdadasal ka pero hindi ka nagsisisi ng mga kasalanan mo, at kung nagsisisi ka man ay hindi mo ginagampanan ang ginagawa ni Jesus.
Anong ginagawa ni Jesus? Ginagamit nya ang sarili nya para iyong salita ng Ama ay makarating sa ibang tao. Ginagawa nyang sample ang sarili nya para gayahin ng ibang tao. Kaya kung nagdasal ka lang at hindi ka nagsisisi at hindi mo ginagawa ang ginagawa ni Jesus ay walang kabulohan. At kung nagdarasal ka lang, nagsisisi ka, pero sa bahay ka lang at hindi mo share sa ibang tao ay useless pa rin kasi hindi ka nakakatulong sa ibang tao dahil puro sarili mo lang.
Tapos ito tandaan nyo na sinabi ni Jesus, hindi sya naparito sa lupa dahil sa kanyang sarili kundi naparito sya dahil sa Ama dahil si Jesus ay sugo ng Ama. At sinasabi nya sa mga apostol kasi noon hawakan nya iyong may sakit ay gumaling at sabi ng apostol “napakabuti nyo guro” kasi ang tawag sa kanya noon ay guro at hindi panginoon.
Anong sagot ni Jesus sa sinabi ng apostol nya na napakabuti nyo guro? “Hindi ako mabuti, walang mabuti dahil iisa lang ang mabuti at yun ang AMA lamang”.
Tapos ito hinawakan nya ang may sakit at gumaling, sabi ng may sakit ay “salamat po sainyo maestro dahil pinagaling nyo po ako.” Anong sagot ni Jesus? “Wag kang magpasalamat sa akin, magpasalamat sa ating Amang nasa langit. Dahil Sya ang nagpagaling sayo, Sya ang pinaka makapangyarihan sa lahat. Kaya pinagaling ka Nya dahil sa iyong Paniniwala, Pananampalataya at Pananalig. Ako, hiniling lamang kita sa Kanya”
So lahat ng kapanyarihan na dumadaloy kay Jesus ay galing sa Ama. Kaya sa panahon natin ngayon sana hindi kay Jesus manalangin, manalangin tayo sa AMA. Tapos kung anong buhay ni Jesus ay sundin mo, kung anong mga sinabi ni Jesus ay sundin natin.
Kasi useless na tinatawag mo si Jesus, pero may kasalanan ka, may sama ka ng loob, nagagalit ka lagi, may mga taong hindi mo mapatawad ay useless iyong pagtawag m okay Jesus.
Anong sinabi ni Jesus? “Aalis ako pero hindi ko kayo iiwan” bakit? Dahil sabi ng mga Apostol kahit wala na si Jesus sa puso nila ay parang nandyan dahil isinasabuhay nila ang buhay ni Jesus. Pero kung hindi mo isabuhay ang buhay ni Jesus, walang kwenta. Kahit masimba ka tapos paguwi mo ay nagagalit ka, may kagalit ka, may kimkim ka, may sama ng loob ka, nagmumura ka, ay wala saiyo si Jesus. Ano ang nasa iyo? Yun ay ang masamang mga paguugali.
Tapos hihingi ka ng patawad sasabihin mo ganito “Diyos na Ama patawarin nyo po ako Panginoon” at kung marinig mo ang tinig ng Diyos na Ama ay ganito ang sasabihin Nya “Anak matagal ko na kayong pinatawad, kayo mismo na mga tao ang hindi nagpapatawad mismo sa sarili nyo. Bakit? Dahil patuloy pa rin kayo sa paggawa ng kasalanan”
Sino ngayon ang hindi nagpapatawad sa atin? Ang Diyos na Ama or ang mga sarili natin? Tayong mga tao ang hindi nagpapatawad sa sarili natin, bakit? Lagi tayong gumagawa ng mali, masama ang mga paguugali kaya sa atin pa rin. Pero tanggalin mo yan, alisin mo yan, di ba pinatawad mo na mismo ang sarili mo? Dahil inalis mo mismo sa sarili mo ang masasama.
Kaya nga sinabi ni Jesus na “lumapit sa akin ang lahat ng nabibigatan” anong ibig sabihin nyan? Tingnan mo ang buhay ni Jesus at sundin mo para lahat ng mabibigat sayo ay maalis.
Pero sa panahon natin ngayon, anong ginagawa ng tao? Punta doon sa simbahan at nagsusumbong “Diyos na Ama, Panginoon, inaaway ako ng kapatid ko” kung baga ginawa mo pang sumbungan ang Diyos na Ama. Tapos paguwi mo ay wala! Hindi mo pa rin mapatawad ang kapatid mo. Kaya ano ang dapat gawin? Yun ay ang Magpatawad.
Anong sinabi ni Jesus? Iyong taong inaapi, ang taong minamaliit, ang taong hinihiya, ang taong sinasaktan, ang taong pinagmamalupitan, pinagdadamutan ay mapalad! Mapalad kung hindi ka gaganti ng kahit katiting na sama ng loob sa tao na yan. At yung ginawa sayo lahat ng tao na yan na hindi maganda ay ialay mo sa Diyos na Ama.
Dahil sabi ni Jesus “Anak sila ng Diyos, Anak tayo ng Diyos” yung taong gumagawa ng kasalanan ay hindi nya nauunawaan kung ano iyong ibig sabihin ng sinabi ni Jesus na “Magpatawad”. Pero ikaw kahit inaapi ka na, hindi ka nagpaapekto sa pang-aapi sayo ng ibang tao, hindi man lang gumaganti kahit sa isip at sama ng loob ay hindi ka gumaganti. Ibig sabihin ay nasa iyo ang Diyos, bakit? Dahil ang nasa iyo ay pagpapakumbaba at pagpapatawad. Dahil kung hindi ka nagpapakumbaba at hindi ka nagpapatawad ay wala saiyo ang Diyos.
Saiyong palagay, ilang tao ang may gumawa sayo ng masama at sumama ang loob mo? Isa? Dalawa? Tatlo? Sampu? Isandaan? Sa panahon ni Jesukristo, ilan tao ang hindi gumawa sa kanya ng maganda? Di ba napakarami? Ngayon, may binanggit ba si Jesus na iisa na sinabi na “hindi kita napapatawad or hindi kita patatawarin or ang sakit ng ginawa mo sa akin.” Wala di ba? Kahit iyong taong tumusok ng puso nya habang nakapako sya sa krus ay sinabihan nya ban a “hindi kita mapapatawad?” Hindi nya sinabi. Pero anong sinabi ni Jesus? “Ama, patawarin nyo po sila dahil hindi nila alam ang kanilang ginagawa” ganun.
Ngayon, wala bang katapatan si Jesus sa langit? Kaya nga binigay sa kanya iyong kanang truno sa langit. Ngayon ito ang pinakamatindi, kung si Jesus ang Diyos, bakit sinabi nya na ganito noong sya ay muling nabuhay doon sa may libingan noong pumasok doon si Marta at hindi nakita ang bangkay ng Panginoon. Tapos noong bumaling sya doon sa tapat ng pinto ay may nakita syang mama na nakatayo at tinanong nya “kayo po ba ang taga bantay dito? Nakita nyo po ba kung sino ang nagnakaw ng bangkay ng Panginoon?” ang sabi ng taga bantay “Wala”. Tapos maya-mayang kunti ay napandin ni Marta na naaalis na iyong liwanag at yung tao na kinakausap nya ay iyon mismo si Jesus. At yun ay nilapitan nya si Marta at hahawakan sana sya sa kamay dahil nagalak si Marta dahil buhay ang Panginoon. Pero anong sabi ni Jesus? “Wag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakabalik sa aking Ama sa langit”. Ibig sabihin ay hindi pa Sya nakauwi sa langit kasi di ba after 40 days noong sya ay muling nabuhay ay umangat si Jesus.
At anong sinabi nya sa kanyang mga Apostol? “Mauuna lang ako doon sa kaharian ng ating Ama” Tapos anong sinabi? “Si Jesus ay naluklok sa kanang truno ng Diyos na Ama”. So kung may kanang truno, ay merong gitnang truno. Ngayon sino ang nakaupo sa gitnang truno? Di ba ang Diyos na Ama?...So ang ibig sabihin ay iba si Jesus at ang Ama. Kaya si Jesus ay pinadala ng Diyos na Ama, si Jesus hindi nanggaling sa langit, hindi nanggaling sa ulap kundi nanggaling mismo sa sinapupunan ng isang ina.
Pansinin mo ang mga tao, pupunta ng simbahan at mananalangin at kapag tinanong mo kung sino ang Diyos ang sagot ay si Jesus. At tingnan mo kung isinasabuhay nila ang buhay ni Jesus, isinasabuhay ba? Hindi di ba? Dahil yan iyong sinasabi ni Jesus na maraming tumatawag, maraming bumibigkas na “Diyos ko, Diyos ko, Panginoon, Panginoon”. Pero sabi ni Jesus ay nanggagaling lang sa bibig at hindi galing sa puso.
Bakit? Ang daming nagsisimba pero paguwi ng bahay ay may pagbabago ba sa mga paguugali? Wala! At habang lumuluhod kada hapon na nagdadasal, pero nagpapatawad ba? Tumigil ba sa pagbubunganga? Natigil ba sa pagsusugal? Natigil ba sa bisyo? Ganun at ganun pa rin.
Ang katawan natin, ang espiritu ay hindi atin ito at hiram lang natin ito at anytime ay pwedeng kunin ng Diyos na Ama at kahit yang katawan mo ay pwede kang mamatay bukas kung kalooban nya kahit natutulog ka lang. Kaya Nya bawiin ang espiritu mo.
For the record, ang Panginoong Jesukristo ay namatay Friday the 13th, kaya malas daw iyong Friday the 13th dahil ang araw na pinatay si Jesus. Kaya hindi malas ang Friday the 13th.
Noong araw binibigkas ni Jesus na “wala akong sinasabi sainyo na hindi galing sa Ama” katulad din nitong mga mensahe na ito , lahat ng nakasulat dito ay galing sa Diyos na Ama dahil ito ang gusto nyang iparating sa mga tao.
At hindi ko rin ito ginagawa dati dahil dati ako ay wala akong kahilig-hilig sa Salita ng Diyos, noong araw ay nagmumura ako, umiinom at lahat ng bisyo ay nasa akin pati sugal. At mula ng magpakita sa akin ang liwanag na iyon, parang naalis lahat ng iyon sa isip ko ang dating ako. At hindi ko na kayang banggitin ang mga hindi magagandang salita at yan ang PABABAGO.
Noong araw ay nagsisimba din kami, nagsisimba din ako pero may pagbabago? Wala.
Sa panahon natin ngayon kung ikaw ay nagkasakit, maraming problema at pagsubok sa buhay ay paraan yan ng Diyos na Ama na tinatawag ka na Nya. Yang sakit mo ay pagtawag na sayo ng Diyos na Ama kaya ka nakaranas ng ganyan.
Bago nakilala ng ibang kasamahan namin ang Diyos na Ama ay tinawag din sila, nagkaroon sila ng problema at nakulong pa. At ng makalabas at makapag pyansa at nawalan pa ng trabaho at talagang naranasan nila ang sobrang hirap. Nagluto sila ng turon, yung mga ulam, banana-q at nilalako. Tapos nagkakasakit pa ang kanilang mga anak at nahohospital pa. Talagang sobrang hirap tapos iyong puhunan pa ay galing sa lending yung 5’6.
Sa panahon ni Jesus ay merong isang babae na lumapit sa kanya at ang sabi ay may sakit ang kanyang anak at sinabi noong kanyang isang apostol na puntahan nila doon. Pero anong sabi ng babae? “Kahit sabihin mo lang Panginoon na magaling na ang aking Anak ay talagang gagaling sya.”
Anong sabi ni Jesus? “sige umuwi ka at magaling na sya” kaya umuwi iyong babae at pagdating noong babae doon mismo sa bahay nila ay magaling na ang kaniyang anak. Ngayon tinanong nya kung anong oras ba gumaling? So kwenta nila at sabi mga dalawang oras na nawala ang kanyang lagnat at bumalik na ang kanyang ulirat. Kaya kwenenta noong babae kung saan sya galing sa lugar ni Jesus at noong umuwi sya ay dalawang oras.
Ngayon tanungin kita kung sino ang nagpagaling doon sa babae, si Jesus or ang Diyos na Ama? Di ba ang Diyos na Ama. Bakit hindi pumapalpak iyong mga sinasabi ni Jesus? Dahil nasa kanya ang Ama.
Sa amin wala kaming mga tinatawag na tithes or love offering, or money involved. Dahil anong sinabi ni Jesus na ialay natin sa Ama? Di ba yung sarili natin? At ano ba iyong nasa sarili natin na ayaw ng Diyos sa atin? Yung mga kasalanan! Ano ang ialay natin sa Diyos? Yung ating mga kasalanan.
Dapat paguwi natin sa bahay ay dapat hindi na natin dala ang ating mga kasalanan. Kung sa bahay ay nagmumura ka, dapat pagdating mo sa simbahan ay iwanan mo na ang pagmumura mo. Kasi kung sa bahay nagmumura ka at sa simbahan hindi ka nagmumura kasi simbahan kasi nandoon iyong pastor, iyong ministro, iyong pari at paguwi natin saan tayo nagmumura? Sa bahay! Ngayon meron bang nabago sa atin? Wala! May kwenta ang pagsisimba mo kung walang nabago sayo? Walang kwenta di ba? At nasasayang lang iyong panahon natin.
Kahit hindi ka nagsisimba kung hindi ka na nagmumura, kung wala ka ng bisyo, wala ka ng sama ng loob sa kapwa at kung minsan may panahon ka kahit sa ibang tao lang ay sabihin mo na magbago sila at bigyan mo ng mga Salita ng Diyos.
Yung mga Apostoles ni Jesus nanatili ba sila sa bahay nila? Nanatili ba sila sa kanilang mga negosyo or mga pinagkaka-abalahan? Katulad noong isang apostol na sinabi nya na “marami kasi kaming hayop”. Anong sinabi ni Jesus? “Iwanan mo yang mga hayop na yan at sumama ka sa akin” Tapos ano pa ang sinabi ng isang apostol? “matanda na kasi ang aking mga magulang at kailangan nila ako.” Anong sinabi ni Jesus? “Sumama ka sa akin, kung mahal mo ang mga Magulang mo”
Bakit ano ba ang makukuha ng mga apostol kay Jesus? Kayamanan ba or iyong kaligtasan?
Paano ba ang tamang paghingi ng kasalanan sa Diyos na Ama? Ganito ba? “Diyos na Ama hinihingi nap o namin ng tawad an gaming mga kasalanan sa isip, sa salita at sa gawa, ganyan ba dapat? Mali yan! Dahil dapat pala kapag humihingi ka ng tawad sa mga kasalanan mo ay dapat isa-isahin mo para pumasok sa isip mo isa-isa ang mga kasalanan mo.
Tulad ng mga matatanda ngayon, anong binabanggit? “Ama patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan, at ang mga nakasala sa akin ay pinapatawad ko na rin sa isip sa salita at sa gawa. Salamat Panginoon at napatawad ko na sila” maya-mayang kunti ay nagmumura na naman.
Ngayon hindi nya namamalayan na iyong pagmumura nya ay kasalanan dahil hindi nya hinihingi ng kapatawaran. Pero kung magdasal ka ay ikumpisal mo sa Diyos na Ama ganito “Diyos na Ama patawarin mo po ako kasi itong bunganga ko talagang hindi ko mapigilan na nagmumura. Tapos pagkaumaga ay magagalit ka sana at magmumura ka sana ay biglang naalala mo na nakumpisal mo na pala iyong pagmumura mo na wag ko na sanang ulitin. Ganun dapat!
At isa pa katulad pa nito nagdasal ka sa Diyos na Ama at sabi mo pa “Diyos na Ama, bukas hindi na ako maninigarilyo” Dapat wag mo ng paabutin ng bukas! dahil dapat kapag kinumpisal mo na sa Diyos na Ama ay hindi mo na uulitin. Kahit merong mag-abot sayo dyan ng sigarilyo ay hindi mo na tatanggapin dahil nga sa nakumpisal mo na.
Dahil ganito ang sabi ng Diyos na Ama “Yung tao ay walang isang salita, kundi ang tao ay sinungaling” Dahil kahit kanya ng ikinumpisal ay kanya pang gagawin. Kung ano ang naikumpisal na nating kasalanan ay wag na nating gawin.
At ito pa baka magtaka kayo at pumapasok sa isip nyo na “hindi naman ako gaanong masama, ako pa iyong ginawan ng masama, bakit ako pa iyong pinarusahan at nagkaroon pa ng sakit? Diyos ko bakit ako?” naiisip nyo yan? Ngayon kung sabihin ko sayo na mapalad ka, mapalad ka dahil sa sakit mo. Bakit anong sabi ni Jesus? Sa mga taong mahal ng Diyos, tatawagin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng sakit, problema, kahirapan at kapahamakan dyan ka tatawagin ng Diyos.
Bakit mapalad? Yung taong walang sakit ay tumatawag ba sa Diyos? Ang isang taong maraming pera, maraming pagkain, maraming kagamitan ay tumatawag sa Diyos? Pero kung ang isang taong nagipit at hindi na sya pahiramin ng kapitbahay, hindi nya matakbuhan ang mga kapatid nya, hindi rin makalapit sa mga kamag-anak, hindi na rin makadulog sa gobyerno dahil lagi na lang sya doon. Ngayon sino ngayon ang lalapitan nya? Ang Diyos! Kaya nga kawawa ang Diyos na Ama, bakit? Yung may sakit na tao kapag naikot na nya lahat ng hospital, manggagamot, albularyo at parang wala na syang maisip na puntahan. Ano na lang ang iisipin noong may sakit? “ipapasa Diyos ko na lang” di ba laging huli? Nagiging last priority ang Diyos!
Pero ano ang sinabi ni Jesus? Sa buhay ng mga tao, isaalang-alang nyo lagi na lagi nyong unahin sino? Di ba ang Diyos! Ngayon ano pa ang sabi ni Jesus? Saan ba dapat tayo sumandal? Sa kapitbahay? Sa kapatid? Sa magulang? Or sa Diyos? Saan tayo sasandal? Syempre sa Diyos!
Sa buhay natin ngayon saan tayo nakasandal? Kundi sa ating kakayahan! Sa ating pera! Saan tayo dapat umasa? Sa Diyos! Ngayon anong nangyayari ngayon? Uubusin muna ng tao ang kanyang lakas, uubusin muna ng tao ang kanyang kakayahan, ang kanyang katalinohan, ang pera, ang kanyang condition. At kapag hindi na sya gumagaling, saan ang huling takbohan ng tao? Anong sabihin nila? Ipasa Diyos ko na lang ito.
Anong sabi ng isang doctor sa may sakit? na talagang malala na? Iuwi nyo na lang itong pasyente nyo at ipasa Diyos nyo na lang. Oh kita mo? Laging huli talaga ang Diyos! Bakit laging huli ang Diyos? Anong sabi ni Jesus sa atin? “Sino ang uunahin natin sa buhay natin? Sya! Ang Diyos na Ama. At anong sabi pa ni Jesus pagkagising na pagka-gising mo sa umaga anong gagawin mo? Magpasalamat sa Diyos na Ama dahil humihinga pa tayo.
Pero anong nawala sa atin? Ang Diyos na Ama ang nawala sa atin at sinong inuna natin? Sarili natin! Yung kakayahan natin, yung katalinohan natin!
Ngayon bigyan ko kayo ng paghahambing, ilang taon ka na sa kasalukuyan mong relihiyon? At mula ng pumasok ka dyan sa relihiyon mo ay umiinom ka ba ng gamot or nagpapadoctor? Kung Oo ang sagot mo ibig sabihin ay last priority mo rin ang Diyos! Bakit? Dahil sa gamot at hospital ka rin nakasandal at hindi sa pamamagitan ng dasal at pananalig mo sa Kanya. Ngayon kung tatanungin mo ako kung umiinom ako ng gamot, ay hindi ako umiinom ng gamot. Yan ang milagro!
Ang sakit mo pag inalagaan mo ay hindi yan aalis sayo pag yung sakit mo ay lagi mong pinapansin. Wag mong pansinin ang sakit mo dahil kapag hindi mo pinandin ay aalis yan!
Ng pumunta sina Jesus sa isang lugar tapos may okasyon tapos pinakain sila at si Jesus ay nagdasal, at pagkatapos na nadasalan ang pagkain ay inalok ni Jesus si Pedro na kumuha na ng pagkain. Pero si Pedro ngayon ay hindi kumain ng mga ulam, kaya sabi ni Jesus ay “bakit di mo kinakain yan?” at ang sabi ni Pedo ay “kasi po pinagbabawal po iyang pagkain na iyan”. Ano yung pagkain na iyon na sinasabi ni Pedro na ipinagbabawal? Yun ay nagkatay ng baboy, sunod yung mga seafoods na mga shell, yun ang inihain noon. Kasi sa panahon ni Moises ay bawal yan or ipinagbawal yan at meron pa ngayong mga sekta na sinusunod pa rin iyan.
Ang sinabi ni Jesus ganito “lahat ng pagkain na pumapasok sa bibig natin mula sa lalamunan, patungo dito sa tiyan at pagtapos ng ilang mga oras or araw ay lalabas sa puwet.” Ngayon paano ka magkakasala nyan? Hindi ka magkakasala dyan. Pero ano ang sabi ni Jesus? “abangan mo, bantayan mo ang nanggagaling sa puso mo na lumalabas sa bibig mo, yun ang kasalanan at yun ang ipagbawal. ” Yan iyong mga masasamag salita at doon tayo magkakasala sa Diyos. Pero sa pagkaing pumapasok ay walang mali.
Tingnan mo ang ibang sekta, sinusunod ba ang sinasabi ni Jesus? Wala! Bakit? Dahil itinuturing pa rin nila na may bawal na pagkain. Walang bawal na pagkain at saka hindi nakakapagbigay ng sakit, at magkakasakit ka lang kung hindi ka kakain. Ang ipinagbabawal ay iyong paggawa ng kasalanan.
May mga nakilala ako na hindi kumakain ng baboy or dinugoan pero nagmumura, hindi kumakain ng dinugoan pero nagsusugal. Tingnan mo yang tao nay an, sinusunod nya ang nasa Bible na wag kainin ang dugo kasi nasa Bible yan pero nagmumura at nagsusugal. Sa palagay na nila ay malinis na sila kasi hindi sila kumakain ng dugo na ipinagbabawal, pero iyong pagmumura, paglalasing, paninigarilyo ay ginagawa nila.
Tanungin kita, sino kaya ang patatawarin ng Diyos? Sino kaya ang paaakyatin ng Diyos sa langit? Yung kumain ng dinugoan at hindi naman nagmumura, hindi naglalasing, hindi nagsusugal at hindi nambabae or yung hindi kumain ng dinugoan at lahat ng mga bisyo ay nasa kanya?
0 comments :
Post a Comment