Saturday, May 16, 2015

Mensahe para sa mga Anak na Suwail

Ilagay natin sa panahon ngayon sabi ng Mahal na Ama, tingnan mo ang mga magulang sa ngayon lahat hinahanda para sa anak, lahat nagsisikap para sa anak ibinibigay. Sino ba sa atin ang nakaalam na magpasalamat sa magulang? pag-gising mo sa umaga may pagkain ka na, ganyan din ang Diyos na Ama.

Andyan na ang pagkain, kahit hirap na hirap na ang magulang mo pinapapasok pa kayo sa school. Yung mga mayayaman naman kung tulog ang mga bata pag-gising nila ready na ang mga damit, ready na ang mga pagkain. May sasakyan, lahat may katulong ang ganda ng mga bahay, ang ganda ng mga sasakyan.

Pero anong ginagawa pa sa mga magulang? sinusuway pa! pag hindi sila nasunod! DISOBEDIENCE ang unang kasalanan ng mga tao, PAGSUWAY! Kaya ganun din daw ang tao ngayon at tao noon sabi ng Mahal na Ama ganun pa rin, pagsuway hindi pagsunod. Kaya nga dapat itong GENESIS ang unang basahin pagpasok ng taon, parang RENEWAL ba.

May kwento si Bro. Jet, iyong Nanay umiiyak noong unang minisyonan nila sa General Santos City. Iyong anak nya, siguro gawain ng mga ibang kaparehong nanay. Na kahit Mahirap lang sila, na kahit taga census lang sya tapos iyong anak nya kahit wala daw silang kuryente kahit lampara lang ay tinuturoan nya para maging matalino.

Sa katalinohan ng anak nya, parang 2nd college pa lang sya ngayon nakuha sya sa isang malaking kumpanya. Malaki ang sweldo, schoolar pa sya, may allowance pa sya kada araw pero NEVER syang NAGSHARE sa magulang at ang damot nya! Kung may pagkain sya, sa kanya lang. Pagkumukuha ang mga kapatid nya, inaaway nya.

Tapos para walang kaagaw sa gusto nyang panoorin, bumili sya ng sarili nyang tv, Flatscreen, nilagay nya sa kwarto nya. Siguro mga 18-19 yrs old ang edad nya. Tapos nabagsak ang cellphone nya, pagkatapos noong araw may bago na syang Iphone. Ganun sya, tapos kung anong sabihin ng magulang nya hindi nya sinusunod.

Noong Christmas sabi nya, "Maghanda tayo ngayong Christmas or New Year!" eh ayaw ng Nanay nya. Kasi hindi naman iyon ang totong birthday ni Jesus Christ, negosyo lang yan, gastos lang yan kaya matulog na tayo ng maaga sabi ng nanay.

Pero hindi nagpapigil iyong anak, lumabas sya, bumili sya ng Donut iyong bagong donut na JQ ba yun basta yun sa GenSan. So yun ang binili nya, tapos siyempre iyong dalawang maliliit nyang kapatid na lalake saka babae ay takam na takam at gusto ng tikman. Ay wala, sabi nya "Mamaya ng madaling alas dose", ayaw nya talaga hintayin pang mag-alas dose dahil sa Donut lang?

So ganun tapos ang kinukwento ni Brother Jet sabi "Hayaan mo na lang Tita, sabi ng Ama, ako ang mga anak ko hanggang High School lang, marunong ng magbasa at magsulat at bumalik sa dati ang mga kabataan."

Bakit kung Schoolar ka, napakataas ang pinag-aralan mo, matalino ka, marami kang award at marami kang medalya. nakakasiguro ka ba na makaka-akyat ka sa langit? Hindi...Itong batang ito sobrang damot sa magulang.

Ang tanong ay paano nya pinalaki ang anak nya? Dahil ang anak ay babalik at babalik sa magulang.

Si Jesukristo di ba Anak na sya ng Diyos, pero dumaan sya sa magulang. So sisihin nya ang sarili nya bakit di nya masweto ang anak nya. Bakit di nya sampalin yan? Bakit di nya palayasin? ikaw ang dapat masunod ganun lang kasimple kasi ikaw ang magulang di ba? sinusuway ka eh.

Ang Mahal na Diyos oh, sinuway sya ni Adan at ni Eva, ang ginawa ng Diyos Ama ay pinalayas Nya sa paraiso, ganun lang. Nagbungkal sila ng lupa, nagpakahirap sila para may makain sila. So hindi ka pwedeng maupo at maghintay lang, kailangan nilang magtrabaho simula noong magalit at sinumpa ng Diyos sina Adan at Eva.

Dahil sa anong kasalanan? PAGSUWAY or DISOBEDIENCE!

Di ba yun din ang mga kasalanan ng mga anghel? kasi si Lucifer gusto nya ring parang maging diyos din sya. Ganun din si Eva niloko sya ng ahas , para akala nya maging diyos din sya.

So ganun ngayon, galit na galit ang Ama. Ilan kaya ngayon ang mga mahihirap at mayayamang mga bata ang rumerespeto at sumusonod sa mga magulang? So sabi ng Ama, "Yang mga magulang mo kasama mo yan sa araw-araw, nakita mo ang paghihirap mula noong maliit ka pa noong baby ka tapos ganyan pa ang igaganti nyo?"

Lahat tayo dumaan sa mga magulang natin kaya lumaki tayo ng ganito. Pero bakit ngayon bakit mga suwail at halos murahin mo na ang mga magulang mo? hindi mo na nirerespeto at higit sa lahat ang Diyos na Ama hindi mo na rin nirespeto.

Sabi ng Diyos Ama "kada umaga ba pag-gising nyo nagpapasalamat kayo sa akin?" at hindi Sya natutuwa. So akala natin para tayong puno ng igos na parang sinasabi na ganito "Ay ako okay na ako, wala akong kaagrabyadong tao, basa lang ako ng basa ng bible at sumasama pa ako sa pulong ay lagpas langit na ako", nagkakamali ka dahil hindi natutuwa ang Diyos Ama dyan.

Ang gusto Nya buong buhay ay sambahin Sya! Paano natin sasambahin? Sa pamamagitan ng pag-gawa ng mabuti sa kapwa! Doon Sya natutuwa at hindi doon sa Simba ng simba, novena ng novena, basa ka ng basa ng bibliya pero wala ka man lang nahimok na tao kahit isa lang na pagdating ng araw ay makauwi sa kanya sa langit. Yun parati ang kinakatuwa nya.

Ang sabi pa ng Diyos Ama, kadamihan daw sa atin ay nagsasawa na! Nagsawa na pakikinig ng kanyang mga salita, ikinakahiya na palaganapin ang kanyang mga salita marami daw sa atin ang ganun. Hindi mo pwede ikaila kasi nakikita nya. Pagniyaya ka ng ibang tao tungkol sa mga salita ng Diyos ang dami mong mga excuses, di ka nauubosan ng rason.

Ngayon, ilang taon mo ng nakilala ang Diyos na Ama, halimbawa ako nakilala ko ang Diyos na Ama 29 yrs old ako, eh kung mamatay ako ng mga 90 yrs old ako . Ilan akong taon na nagpalaganap sa Ama? mga 61 yrs akong nagpalaganap sa Ama. Yung mga bata mas mahaba ang chance nyo kasi kayo mga bata pa.

Kaya kung ngayon pa lang ay nagsasawa ka na at nahihiya ka sa pagpalaganap sa ngalan Nya. At kung mamatay ka at pagdating mo sa langit ay baka magsawa at ikahiya ka rin doon ng Ama. Kasi ang mga Anghel sa langit ay walang sawa at tuloy-tuloy ang pagsamba sa Ama.

Eh dito pa lang sa lupa nagsasawa ka na, baka pagpunta mo doon sa langit ay sabihin sayo ng Ama "hindi kita pwede patirahin dito sa langit kasi nagsawa ka na sa pagpuri sa akin" baka ibagsak ka ng Diyos Ama sa impyerno.

Kaya kung dito pa lang daw sa lupa ay nagsasawa na tayo sa pagpuri sa kanya sa pakikinig at pagpalaganap ng Kanyang mga Salita sa ibang tao.

Anong pagpuri ang hinihingi ng Mahal na Ama? ito ay ang "Paggawa ng mabuti sa kapwa ng may kasamang himok na mapakilala mo ang Diyos Ama na magbago sila para pagdating ng araw ay maka-akyat sa langit." Yun! ang papuri na kailangan Nya!

Hindi iyong basa ka ng basa ng Bibliya at ang dami mong nalaman sabi mo pa wala akong pakialam dyan sa mga kapitbahay namin basta ako malinis na ako sigurado na ako sa langit" wag kang makasiguro dahil titingnan talaga ng Diyos Ama ang ginawa mo sa kapwa mo kung paano mo sya pinakilala. Pinasalamatan mo na Sya, nakahimok ka pa ng kapwa mo na magbago dahil sayo. Yun talaga ang pinipili Nya.

Kaya tingnan natin ang mga sarili natin, baka dito pa lang sa lupa nagsasawa na tayo sa pagpupuri sa Diyos Ama, eh paano doon sa langit eh forever doon nagkakantahan at nagpupuri para sa Ama. Ang papuri at pagkanta nyo sa Ama sa langit ay walang tigil, tuloy-tuloy.

So dito pa lang sa lupa, nakikita na ng Diyos Ama kaya sabi ng Ama "Anak, sabihan mo sila kaya kunti lang ang nakaka-akyat sa langit, kasi ang mga tao nagsasawa."

Mas gusto ng tao iyong buhay na ganito "Okay lang gumawa ng kasalanan, magsimba ka lang tapos magkumpisal ka tapos magcommunion, wala na! wala ka na ulit kasalanan". Kahit magkasala ka na naman ulit okay lang kasi pupunta ka na naman ng simbahan, magkumpisal ka na naman ulit at magcommunion.

Sabi ng Diyos Ama, "Sinong niloloko Nyo? iyong sinuka nyo, kinain nyo ulit". Kaya kung titingnan daw natin, kawawa ang Diyos na Ama.

Mantakin mo noong panahon na iyon, akala talaga noon nina Adan at ni Eva na iyong matanda doon sa paraiso ay kasama lang nila na nauna lang sa kanila doon na kasama nila.

Wala silang kaalam-alam na iyon pala ang Diyos na Ama, na gumawa sa kanila na buong buhay nila ang sarap-sarap ng buhay nila, nandoon na lahat. Pahila-hilata lang sila, pakanta-kanta, papasyal-pasyal lang sila, pakain-kain lang sila tapos andoon ang matanda nakikita lang nila at nakakasalamuha lang nila. Ang sarap ng buhay nila doon sa paraiso.

Kaya anong nangyari sa buhay ni Eva? di ba ang ibig sabihin ng "Eve" ay living creatures mga human being. Si Adan naman parang father of mankind, ganun sya. Anong nangyari sa buhay nila? IMBYERNA! wala na! First battered woman si Eva, bugbog sarado lagi sya kay Adan!

Dahil sabi ni Adan, "Kung hindi dahil sayo, ang sarap ng buhay natin doon sa paraiso at di ako nagpakapagod at nagpakahirap na magbungkal ng lupa para lang may makain tayo." ganun ang buhay nila.

Di ba tayo ganun pa rin ang buhay? ang buhay ng mag-asawa, ganun. So anong nakikita nila Cain at Abel? di ba galit din? Kung si Abel kinalulugdan sya ng Ama kasi nakikita Nya ang kabutihan. Ganun din si Noah, yun ang mga pinili ng Diyos Ama pero nagkasala pa rin si Noah di ba? Nagpakalasing sya pagkatapos na humupa ang baha kasi nagtanim sya ng mga ubas/grapes, iyong alak naglasing sya kaya naghubad sya kaya sinumpa sila ng Mahal na Ama . Disobedience pa rin! Kasi sabi talaga wag magpakalasing, wag maginom ng alak, kahit wine kasi nawawala ka sa sarili mo.

Ganun! iyon ang hamon ng Ama sa atin, itong GENESIS akala mo ordinaryong kwento lang pero sabi ng Ama dapat ito pala ang laging binabasa kada umpisa ng taon.

Nasayang! walang nagbabasa nitong GENESIS sabi ng Mahal na Ama, walang nagbabasa kahit ano mang simbahan. Kaya dapat tayo daw nagrerecall tayo ng mag kasalanan natin, para linisin ang mga sarili natin. Titingnan natin kung ano pa ba ang mga mali sa atin, ano pa ba ang dapat baguhin sa atin.

At higit sa lahat, kung noon mantakin mo kung gaano Sya kawawa, tingnan nyo kung paano nya ginawa ang sanlibutan? Unang araw, pangalawang araw, pangatlong araw, pangapat na araw, panglimang araw, panganim na araw lahat yan at noong pagdating ni Adan at ni Eva andyan na lahat ang mag prustas at mga hayop kasama nila.

Pero may nagpasalamat ba sa Ama? Sa panahon ni Adan at ni Eva may nagpasalamat ba? Yung paggawa nila ng tower ng Babylon na nagkagulo-gulo sila may nagpasalamat ba sa kanila? Gusto pa nga nilang abutin pa ang langit! Ganun kamakasalanan ang mga tao, sobrang ambisyon talaga at gusto pa nilang pantayan ang Diyos.

Ano ngayon ang sa atin? ano ang mga ginagawa ng mga scientist? ng mge genius na yan? di ba gawa ng spaceship, katulad ng America sinabi pa nakapunta na daw sa moon iyon pala dito lang sa kanilang nakatago na lugar sa america. Hindi totoo iyon! fake iyong Apollo 11 mission! Lahat nafafake nila, kalokohan yun. Kailangang magsinungaling para mapasikat ang sarili, pasikat lang lahat puro material at physical walang spiritual.

Kaya sabi ng Ama, para mapatunayan talaga natin na sa totoo lang noong New Year sabi ni Brother Jet na bumaba iyong mga anghel na nagdarasal na para silang kasing taas ng dalawang puno ng niyog na nakayuko at nagdarasal at pinadinig kay Brother Jet kung ano ang dasal nila.

At ang pinagdarasal nila ay ang tao, na sana wag pang sirain ng Mahal na Ama ang mundo at bigyan pa ng pagkakataon ang mga tao ng panahon na magbago at makilala Sya at marami din tayong mahikayat na magbago rin at makabalik sa Kanya.

Yung mga liwanag na iyon ng mga New Year saan nakatoon? sa lahat ng bahay ng mga naniniwala sa Diyos Ama, kasi iilan lang tayo na mga naniniwala sa Diyos na Ama. Kita mo? noong unang panahon pa nasasaktan ang Ama, kay Adan, kay Eva hanggang sa kapanahonan na ni Noah na hindi Sya kinikilala, hindi Sya pinapasalamatan.

Mas lalo sa panahon ngayon na madami na ang tao! Magpakatotoo tayo, kung hindi pa natin kilala ang Ama, sino ba sa atin ang pagkagising ay nagpapasalamat sa Ama? na binabati mo Sya na Salamat Mahal na Ama, Mahal ka Namin Mahal na Ama, Salamat sa mga Grasya na tatanggapin namin ngayong araw at iyong buhay ko ngayon na nagising pa ako ngayong araw at buhay pa ako, Salamat. Salamat kasi may nakakain pa kami sa araw-araw, Salamat dahil safe kami sa mga byahe namin sa araw-araw.

Sino pa ba sa atin ang gumagawa nyan? halos wala na kasi asang-asa tayo sa mga sarili natin, sikat tayo, kaya natin di ba? Ang mga mayayaman halos lahat ng lang pinoprovide sa mga anak nila, tapos sinusuway pa sila ng mga anak nila, hindi sinusunod. Kapareho ng ibinigay ko na kwento, so bakit babalik ulit? Paano mo pinalaki ang anak mo? babalik ulit sayo yan. Kasi si Jesukristo nga di ba? pinadaan pa sa mga magulang at sa mahirap pa na paraan.

So ganun, challenge ito sa atin ngayon na ngay0ng nandito na tayo sa Diyos Ama, kinalimutan na natin ang ating dating mga sarili na makasalanan, iyong dating intrigira tayo, tsismosa tayo, marami tayong bisyo, lahat ng mga masama. Alam naman natin ang mga masama di ba? at saka sa mabuti. Saka tigilan na natin iyong sobrang asa tayo sa mga sarili natin.

Pagnasa Diyos Ama na kasi tayo, sinusunod na natin ang God's Will, kung ano ang mga kalooban ng Mahal na Diyos Ama, yun ang sundin natin. So kung may nangyari sa atin na hindi natin gusto ay wag mong questionin dahil hindi mo alam iyon ang nakakabuti sayo. Isipin mo lagi may purpose ang Diyos na Ama, God's Will ang katustohan Nya.

0 comments :

Post a Comment