Saturday, May 23, 2015

Ang magiging Epekto ng Chemical Fertilizer sa mga Tao pag ito ay Hindi nahinto

Nabasa nyo ba sa BIBLE na sinabi na lahat ng nandito sa Sanlibutan ay mauubos? Naniniwala ba kayo dyan? Yung "Tubig" pagdating ng araw ay mauubos. Naniniwala kayo dyan? Sino sainyo ang hindi naniniwala dyan? Yung tubig na malinis na naiinom pagdating ng araw ay mauubos yan. Yung tubig na nandyan ay iyong tubig na hindi na naiinom. Tulad dito sa Maynila, sige daw kung meron pang tubig na maiinom na malinis.

Dyan sa SQUATER, kung kaya mong uminom sa poso dyan. Dahil puro septic tank, puro basura na iyong mga ilog, puro imbornal. Ngayon sa Middle East yang salitang yan ay patutunayan na lahat ng nandito sa mundo ay nauubos. Sa MIDDLE EAST may tubig na maiinom? Wala! kaya nga sila naghahakot ng tubig, kaya nga sila bumibili ng tubig.

Pero noong Araw, anong lugar yang MIDDLE EAST? Yan iyong Eden noong araw, yan yung Paraiso. PERO BAKIT NAGKA-GANYAN? Dahil ang Salita ng Diyos ay natutupad at nangyayari.

Itong sa atin ngayon, sa atin kakayanang pantao ang gamitin ng Gobyerno ng tao. So ang sagot sa Problema ay mag-Import tayo ng bigas sa ibang bansa. Sa ngayon okay yan, pero hanggang kailan tayo magimport ng bigas?

At pagdating ng araw, baka sabihin ng bansang ito na kinukunan natin ng bigas ay "ganito na ang price ng bigas namin" may magagawa tayo? wala tayong magagawa at susunod lang tayo. Bakit? dahil ang bigas ay pangangailangan natin at hindi yan damit or hindi yan ano kundi basic needs talaga, Pagkain yan at mas mainam ng walang ulam basta may bigas lang, may kanin lang.

So yan iyong hindi napapansin ng Gobyerno natin, na hindi na tinitingnan. Padami ng padami na iyong tao, padami ng padami na iyong mga bunganga na kumakain, yung mga "Rice Field" ay binabawasan pa. Sinong bumabawas? Gobyerno din!

Sinong nag Aprove ng mga housing? sila din! Ngayon, meron tayong ahensya ng Gobyerno na sana magtutok sa mga Magsasaka. Anong ginagawa ng Department of Agriculture at saka DENR, ay tinutulungan ba iyong mga magsasaka? wala rin at hinahayaan lang! Bakit? sino ba iyong nagpasok ng mga CHEMICAL sa atin, yung FARMERS ba or iyong Gobyerno? Gobyerno di ba? Bakit sinong nag-Aprove? Gobyerno pa rin! oh kita mo?

Kaya nga walang pakialam ang Gobyerno kasi sila din ang nag-udyok, sila iyong pumayag para masira mismo ang mga palayan mismo. Ngayon pagdating ng araw ng gutom, na halimbawa wala ng krudo ng isa rin sa mga ginagawang pataba na Chemical sa mga palayan at yung kinukunan doon sa bundok ng Thailand na minerals ng pataba ay maubos din.

Ngayon pag ang lupa isang hectar at 100 sacks ang synthetic fertilizer na chemical fertilizer ang kailangan para tumubo ang palay, para may aanihin at para may magiging bigas at para may makakain tayo.

Ngayon kung naubos na ang pataba, tutubo kaya ang palay dahil syay naging dependent na sa pataba? Tutubo or hindi? Hindi na tutubo dahil kahit may lupa ay wala ng tutubo na palay, ngayon anong mangyayari? gutom!

Ngayon pag-gutom na, halimbawa may Anak ka at gutom na gutom, wala kang mabilhan, may pera ka pero wala kang mabilhan. Ngayon, nakita mo ang kapitbahay mo, MAYAMAN at sa palagay mo ay marami silang naimbak na pagkain, anong gagawin mo?

Una ay manghihingi, at siguro una ay bigyan ka rin. Pero araw-araw ay kumakain ka at wala ka pa ring mahanap. Di hihingi ka ulit, maiirita na iyong kapitbahay mo dahil iisipin din ay sarili nila.

Pagdating ng araw na gutom na gutom ka na, anong gagawin mo? MAGNANAKAW ka! Ngayon kung akto na mahuli ka, anong gagawin mo? ang gagawin mo nyan ay PAPATAYIN mo na! Dahil SURVIVAL na yan!

Darating sa atin yan dito sa PILIPINAS or kahit saan paghindi napigil ang paggamit ng mga CHEMICAL FERTILIZER. At dahil wala ng makain, ay baka LAMAN na ng TAO ang kainin dahil SURVIVAL na ang mga tao.

Pagdating ng Araw na naging Ganyan na iyan, ang pinaka-unang maaapektohan ay ang METRO MANILA. Bakit saan nanggagaling ang bigas? dito ba sa Manila or sa Probensya? Pagdating ng araw sa Probensya pag meron ng Shortage ay hindi na yan magbebenta ng palay.

So dito ngayon ang panik sa Metro Manila, dito sa Metro Manila magkakaroon ng unang patayan dahil sa gutom. Pasokin iyong bahay, patayin ang ganito, ganyan-ganyan. So pagdating ng araw dito sa Manila ay kawawa iyong walang baril.

Pagdating ng Araw akala nyo meron pang SUNDALO or meron pang PULIS? Sa inyong palagay meron pang sundalo at meron pang pulis sa araw na iyon? Ang sagot dyan ay WALA NA! dahil nasubok na yan!

Yung nangyari sa SAMAR at saka LEYTE, may Pulis pa ba? may Sundalo pa? Wala na! Dahil mismo iyong Pamilya nila ay biktima din! Ikaw Pulis ka tapos iyong mga Anak mo walang makain, pupunta ka pa ba sa HEADQUARTERS para mag-Rescue? Pupunta ka pa ba doon para bantayan ang mga tindahan na pinapasok ng mga Magnanakaw? Hindi na!

Anong ginawa ng mga Pulis? hinubad ang Uniform nila tapos sumama na rin doon sa mga nangunguha ng pagkain. Bakit ano na yan? SURVIVAL na yan na tinatawag.

So yan ngayon ang FUTURE natin pag hindi natin naagapan. So paano yan mapipigil? Ganito yan, Ang Problema sa Probensya ganito, iyong mga magsasaka halos hindi na sila magsaka dahil hindi na sakahan iyong kanilang lupa dahil lagi namang lugi. Dahil ginamimtan ng mga CHEMICAL na pataba, kaya pagdating ng tag-ani ay kunti pa rin.

Kaya ang ginagawa nila para makasure na lang ay iprenda nila sa mga mayayaman. Dahil iyong kanilang mga CHEMICAL na pataba ay halos doon nanggagaling sa mga mayayaman. Dahil doon sila kumukuha ng pera na nagbibigay ng puhunan pero magbibigay ka ng porsyento.

Kagaya sa mga AGRI supply ay dyan ka kukuha tapos pipirma ka dyan, pahihiramin ka, bibigyan ka ng gagamitin mo pero meron yang percentage. So pagnalugi ay parang napapagod na iyong mga FARMERS na sakahin ulit ang lupa nila. Kaya minsan iyong ginagawa nila ay pinapaupahan sa mga mayayaman na talagang kumpleto iyong mga lason, iyong mga CHEMICAL kaya lalong nagiging acidic iyong lupa. Ngayon pag ilang taon na ginamit yan ng mga Mayayaman na completo ng mga CHEMICAL, pagnaisauli na yan sa totoong may-ari ay halos hindi na rin nya magamit. Dahil unang-una ay wala syang pampuhunan at saka sa kanyang isipan ay lagi syang lugi kaya hindi na nya sakahin, hindi na nya tamnan.

Dyan na papasok iyong mga Banana plantation, Pineapple plantation na yang mga kumpanyang yan di gumagamit yan ng mga natural na abuno, kundi ang ginagamit nyan ay PURO CHEMICAL.

Kung ikaw FARMERS ka, ang tinatanim mo palay, meron kang 20 hectars at yung mga CHEMICAL mo cartoon-cartoon, yung mga pataba mo sako-sako. Pag yung mga kumpanya ng saging at saka pinya, yung kumuha ng lupa. Ang kanilang pataba ay hindi sako-sako kundi tuni-tunilada. Ang kanilang lason ay hindi rin karton-karton kundi tunilada rin.

Kaya pagnasa kanila na iyong lupa, mataas na iyong risk na iyong lupa masisira talaga. Pagdating ng araw sira na talaga ang lupa, di na pwede tamnan ay aalis lang yang mga kumpanya na yan sa atin at babalik lang yan sa kanilang mga bansa dahil yang mga negosyante na yan ay mga foreigner.

Bakit hindi ginawang taniman ng mga foreigner ang kanilang lugar? dahil alam nilang masisira ang lupa saka ang lugar. Bakit dito dinala sa atin sa Pilipinas? dahil "BOBO" ang mga Pilipino, madaling mauto.

Pero ang Gobyerno hindi Bobo, kundi "Tuso". Bakit? alam nila yan na nakakasira pero kanilang inaprobahan. Bakit? pagdating ng araw iyang mga mayayaman na yan at mga pulitiko sa gobyerno, masira na itong buong Pilipinas dahil sa CHEMICAL at polluted na ito at wala ng makain at mahirap na ang mga tao ay LILIPAT lang yan sa ibang bansa dahil meron na silang mga bahay-bahay doon.

Kaya sinong lugi? Ordinaryong tao ang lugi, tayo ang talo. Anong gagawin natin ngayon? titingnan na lang natin? isawalang bahala at iasa sa kanila or tayo na mismo ang kikilos? TAYO NA MISMO ang kikilos.

So itong ORGANIC Fertilizer na ito na ipinakita ng DIYOS NA AMA sa amin ang gabay para isa AKO sa kikilos at maghahanap ng taong makakatulong ko. Dahil itong Organic na ito ay ipinapagamit lang sa FARMERS para hindi na sila mangungutang doon sa AGRI Supply at maibalik ang lupa sa dati at natural na pagsasaka.

Dahil iyong lupa kung baga sa tao ay gutom na gutom na dahil sa paninira ng CHEMICAL na fertilizer. So wala ng bibilhin ang FARMERS na pataba at CHEMICAL at halos iyong sa kanya ay binhi na lang at land preparations na lang.

0 comments :

Post a Comment