Thursday, July 23, 2015

Mensahe para sa mga Taong maraming Bisyo

Di ba ang lakas mo ay hindi galing sayo? Saan galing? di ba sa Diyos na Ama at pati yang katawan mo na dinudumihan mo ay hiram mo rin sa Diyos at hindi mo pag-aari?

Pagdumating ang araw na magkasakit ka, dahil sa mga bisyo dahil laging kasama mo ang barkada mo kesa sa pamilya mo dahil sa pagiinom, paninigarilyo at pagdudruga, ang mga barkada mo na iyan ay hindi yan makakatulong sayo.

Ang makatulong sayo ay asawa mo at mga anak mo. Sa araw na dumudumi ka na lang, ay hindi papahiran ang pwet mo ng barkada mo. At kung nilalangaw ka na dahil sa dumi mo, hindi ka papahiran ng barkada mo. Ang tutulong sayo ay ang asawa mo at mga anak mo.

Kaya iwasan mo ng sumama sa mga barkada mo na puro bisyo na halos minsan umuuwi ka na ay kung anong oras mo gusto mo umuwi at minsan ginagabi ka na sa mga barkada mo at parang wala kang pamilya na naghihintay sayo.

Ok lang siguro na lagi mong kasama ang mga barkada mo basta kapag nagkasakit ka ay sa kanila ka nila patitirahin.

Kaya dapat Brod magbago ka na, tanggalin mo na mga bisyo mo. Hindi sa lahat ng oras malakas ang katawan mo, hindi sa lahat ng oras malakas ang tuhod mo. Darating ang araw na susurender ka din at luluhod ka sa Diyos na Ama dahil sa sakit mo.

Isa lang ang gamot sa ating mga sakit na nararamdaman, hindi gamot na nabibili sa botika or sa mga doctor sa hospital kundi isa lang ang gamot at yun ay ang pagsisisi sa ating mga kasalanan. Pagluhod, pagsurender sa Diyos na Ama na kung anong mga hindi maganda sa atin ay isurender natin sa Diyos na Ama.

Kahit ano ka pang relihiyon mo, katoliko ka, iglesia ni kristo, baptist, aliance kahit na muslim ka pa, magsisi ka lang sa iyong mga kasalanan.

Kahit katoliko ka pa kung hindi ka magsisi sa iyong mga kasalanan at kahit sa isang araw ay 20 ka manguros ay walang kabulohan. At kahit sa isang linggo pa ay sampung beses ka magbasa ng bibliya pero hindi ka nagbabago ay walang kabulohan.

At kahit sa kada simba mo ay P5,000 ang binibigay mo na abuloy sa simbahan ay walang kabulohan kung hindi ka naman nagbabago. At kahit anong mga obligasyon or mga aktibadadis sa simbahan ay laging nandyan ka at sa mga prosisyon ay nakayapak ka pa dahil sabi mo gusto mo magsakripisyo para sa Diyos. Pero pagkatapos ng isang linggo ay balik na naman sa pagiinom, paninigarilyo at kung ano pang bisyo ay walang kabulohan.

0 comments :

Post a Comment