Isang araw may isang pastor na napadaan sa isang bilyaran, nakita nya ang 3 binata na naglalaro at lumapit sya. Sabi nya hali kayong tatlo dito, at bigyan ko kayo ng Salita ng Diyos para maligtas kayo.
Nagsalita ang pastor "naniniwala ba kayo na si Jesukristo ang inyong tagapagligtas? Ang kung hindi kayo naniniwala na si Kristo ay Diyos hindi kayo maliligtas. At para maligtas kayo ay kailangan nyo na mahugasan ang iyong mga kasalanan at kailangan nyo magpa bautismo sa tubig." at binasahan din ng mga verses sa bibliya ang tatlong binata. After basahan ay nagsalita ulit ang pastor ng ganito "Magpunta kayo sa kapilya namin sa linggo para mabendisyonan kayo"
So yung tatlo na binata pagdating ng linggo ay pumunta ng kapilya para mabautismohan at para maligtas silang tatlo. At ng simulan na ang pagbautismo ay nilublob sila sa tubig at nagsalita ang pastor at nagtanong "nakita mo ba si Jesukristo?" ang sagot ng isang binata ay "hindi pa po". Eh di lublob agad iyong binata ng pastor at tinanong ulit "nakita mo na si Jesukristo?" sagot naman ng binata ay "hindi pa po" Kaya ang ginawa ng pastor ay nilublob ng medyo matagal ang binata sa tubig tapos tinanong ulit "nakita mo na si Jesukristo?" dahil parang kinapos na sa paghinga sa ilalim ang binata sumagot na lang sya ng "Opo nakita ko po" kahit hindi naman nya nakita same din doon sa iba pang binata.
So umuwi na ang tatlong binata, dahil sabi ng pastor sa kanila na ligtas na sila dahil tinanggap na nila si jesus na kanilang tagapagligtas at diyos at na bautismohan na sila sa tubig kaya ligtas na sila sa paghuhukom.
Sunod na linggo, hinihintay noong pastor iyong tatlo na binata pero hindi dumating. Sunod na linggo hindi pa rin dumating hanggang tatlong linggo na ay wala pa rin. So ang ginawa ulit ng pastor ay dumaan ulit sya doon sa may bilyaran, at nakita nya nga ulit iyong tatlong binata na naglalaro ulit ng bilyar.
Kaya tinanong silang tatlo ng pastor "bakit hindi na bumalik ng kapilya?" anong sagot noong tatlo na binata? "bakit pa kami babalik doon? eh ligtas na kami kasi nabendisyonan na kami at tinanggap namin si Jesus na aming tagapagligtas at diyos." - THE END
MORAL LESSONS OF THE STORY:
Mababaw ang pagkakaintindi ng pastor sa nakasulat sa bibliya dahil ito na iyong sinasabi ni Jesus na "kayong mga pariseo na nagdadala ng mag Salita ng Diyos ay mga baliw kayo! Ang layo pa ng lugar na pinanggalingan nyo? ilang bundok pa at bukid ang inyong nilakad at ilang dagat pa pa ang inyong tinawid para marating ang isang tao pero mga baliw kayo! Dahil pagkatapos nyo na mabigyan siya ng salita at mapulungan ay mas lalong lumala ang kanyang mga ginagawang kasalanan kumpara sainyo." Anong ibig sabihin ni Jesus kung ikumpara natin sa kwento? ibig sabihin ay useless iyong mga turo ng pastor or dahil mali ang pagpaintindi nya sa tatlong binata, kung baga ginawa nyang bobo iyong tatlo kaya hindi naintindihan yung sinasabi ng pastor na galing sa bibliya kaya walang pagbabago. Kaya same din iyong nangyari sa pastor na nagdadala nga siya ng pulong pero hindi naman sya nagbabago sa kanyang mga paguugali.
So ibig sabihin ay hindi sapat na kilala natin si Jesus at alam natin ang buhay nya, ang dapat nating gawin ay isabuhay, gayahin natin kung paano ba namuhay si Jesus sa panahon nya para kalugdan din tayo ng Ama at makabalik sa langit. Paano ba namuhay si Jesus? di ba sa pagiging mapagmahal at mapagpakumbaba at talagang sinunod nya ang kalooban ng Ama na itaas ulit ang pangalan ng Diyos Ama. Dahil noong panahon ni Jesus ang kinikilala nila na parang diyos ay si Abraham. At sa panahon natin ngayon nangyayari pa rin yan kasi si Jesus ang mas lalong kinikilala at hindi ang Diyos Ama. Namatay si Jesus para sa Diyos Ama na syang Diyos ni Jesus, ni Abraham, ni Jacob at ng mga nauna pang propheta.
Subokan mong tanungin ang mga pulitiko natin sa gobyerno kung tinanggap nila sa kanilang buhay si Jesus at malamang ang sagot nila ay "Oo,tinanggap namin si Jesus" pero ang tanong ay isinasabuhay ba nila ang buhay ni Jesus? Kahit ikaw ay masasagot mo na "Hindi" dahil sila mismo ay mga magnanakaw sa kaban ng gobyerno at maraming mga bisyo at kalokohan na ginagawa katulad ng babae, alak, sigarilyo, sugal at kung ano-ano pa. Kung baga tinanggap nila si Jesus sa Physical at hindi sa Spiritual kaya ganun din ang nangyari sa tatlong binata maging sa pastor at pwedeng sayo din kung ikaw ay hindi nagbabago sa iyong mga paguugali at patuloy sa paggawa ng mga lihim na kasalanan.
Kaya anong sabi ng Diyos Ama? "Ginagamit nyo pa ang Aking Pangalan para sa pagdepensa sa inyong mga hindi magandang paguugali. Ginagamit nyo pa ang Aking Pangalan para sainyong pagiging makasalanan. Ginagamit nyo pa ang Aking Pangalan para pagtakpan ang inyong mga sarili." Ibig sabihin ay dapat wag nating gamitin ang pangalan ng Diyos sa pulong para sa sariling interest kundi gamitin ito para sa kabutihan na may magandang maidudulot pabalik sa Diyos.
0 comments :
Post a Comment