Saturday, May 23, 2015

Ang Hindi Nagustohan ng Diyos Ama sa Ginagawa ng mga Tao Araw-araw

Ganito siguro ang sasabihin ng Diyos na Ama "Akala nyo natutuwa AKO sa ginagawa nyo sa araw-araw? Marami sainyo hindi AKO natutuwa sa ginagawa nyo sa araw-araw. Magising kayo, maligo kayo, kakain kayo, papasok sa trabaho kung anong gawin nyo.

At pagkahapon ay kakain na naman kayo at matutulog kayo at pagkasunod na araw ay iyon na naman ang gagawin nyo paulit-ulit.

Hindi AKO nasisiyahan sa araw-araw nyong ginagawa at wala kayong binigay na kaligayahan sa AKIN. Useless iyong araw-araw nyong paligo, kain, tulog...WALA! Wala ka man lang maipagmamalaki sa AKIN."

Isa lang daw ang kaligayahan ng Diyos na Ama sa isang araw, ang may magawa kang mabuti sa kapwa mo na may isang kaluluwa na matulungan mo na ipakilala mo ang Diyos na Ama at magbago iyong tao na iyon. At pagdating ng araw ay makauwi sa kanya.

Ang Tao ngayon masyadong believe na sa kanilang mga sarili. Kung kailan hirap na hirap na dahil sa sakit, saka lang natutong tumawag sa Diyos.

Noong maigi pa ang pakiramdam, hindi man lang tumawag sa Diyos, kasi merong pambili ng gamot, may pampa doctor. Mas Tiwala pa ang tao sa Gamot at Doctor kapag nagkakasakit kesa Tumawag sa Diyos na Ama at humingi ng tawad sa mga kasalanan.

Mahirap ba ang Lumuhod at Magdasal, kesa bumili ng gamot?

0 comments :

Post a Comment