Diretso na po naming sasabihin na hindi nman holy ang bible kapatid kasi ang holy ang tao na ngpapakabanal at ang bible hindi lahat ng nakasulat dyan ay galing sa Ama, halos kalahati dyan ay hindi naman salita ng Ama kundi mga pangyayari at dyan nakasaad ang mga pag-uugali ng mga sinaunang tao at ni minsan lang nagsalita ang Diyos Ama dyan.
Halos karamihan ay mga pangyayari sa buhay ng mga tao ang nandyan at dapat nating basahin yan at kunin lang ang tama dyan kasi meron mga mali dyan tulad ng sinabi kay abraham na ialay nya si isaac na parang isang alay na tupa. Diba pero noong akma na nyang patayin ay lumitaw ang anghel at sinalo ang kamay nya na wag at hindi itinuloy ni abraham.
At noon noong tinanong ng Diyos Ama si cain kung nasaan ang kapatid mong si abel? ang sagot ni cain ako ba ang nagmamay ari sa aking kapatid bakit sa akin mo hinahanap? Dahil galit si cain noon kay abel at anu sinabi ng Diyos Ama sa kanya? ang gagawin mo ay sundan mo ang kapatid mo at sa paglalakad nya habang nakatalikod syay iyong papatayin na para kang gutom na leon o hayan kapatid salita mismo ng Ama yan na nakasulat sa bible na itinuturing nyong banal na kailangan sundin lahat kung anu nakasulat kasi bible yan banal kaya pala hanggang sa ngayon ay may mga taong kayang pumatay ng sariling kapatid kasi ang mga tao na iyan ay nirespeto ng husto ang bible at lahat ng nkasulat dyan sinunod nya kasi ang bible ay banal kaya tuloy pinatay nya sarili nyang kapatid kasi nkasulat at salita pa ng Diyos.
Kaya kami ang masasabi namin sa bible ay istorya ng buhay ng mga naunang mga tao na masasama at mga mabubuti at nandyan din ang mga Mensahe ng Ama na idinaan sa mga propeta kaya sa amin kapatid hindi namin binabalewala mga nakasulat dyan kundi aming kinukuha yaong mga mabubuting salita na talagang nanggaling talaga sa Ama.
Kaya mag-ingat ka sa pagsunod sa mga nakasulat dyan kasi dumaan na iyan sa maraming kamay kaya nga dapat hindi lang na binabasa mo iyan ng simple, kundi unawain mo ng maigi kasi meron ibang mga tao na ang ipinagyayabang ay ang mga namemorized na mga verses pero ang nakakahiya dyan ay hndi naman isinasabuhay kung anu ang mga binabasa.
Nirerespeto namin ang mga nakasulat dyan na talagang salita ng Diyos Ama at ang mga salita ng mga hari dyan at mga taong sumusuway at suwail sa Diyos Ama ay hindi namin nirerespeto at kahit ang mga pagsuway ng ibang propeta dyan tulad ni eli ni haring saul, ni balaam na propeta, mga kamalian ni david at ni solomon at ng mga kaapuhan ni david na namuhay sa laman, ang pagsiping ni ruben sa isang asawa ni jacob na tatay nya at ang pagbenta ng mga kapatid ni joseph the dreamer sa kanya sa mga nagdaraan na mga mangangalakal papunta ng ehipto.
Ibig mo bang sabihin kapatid banal yan na salita kasi nakasulat sa bible at dapat talaga sundin yan? kaya ang sinasabi namin halos kalahati ng nakasulat sa bible ay mga maling pag-uugali at maling asal ng mga naunang tao na namuhay. Kaya sa atin at kahit hindi mo na sabihin yung verses nang mga salita dyan kasi noong unang panahon wala namang numero iyan sa vatican pa rin yan ginawan ng mga numero at ang mga gumagamit ng mga verses nagpapayabangan lang yan para sabihin na sya ang pinakamagaling sa salita na Ama pero hindi nya alam na alam na pala nang Ama ang kanyang intensyon.
Kung kaya sya kunyari napakagaling sa mga salita ng Ama kaya kayo kapatid ang mga kalaswaan at kawalanghiyaan at mga pagpatay at pag gahasa ng mga taong mga masasama noong araw ay inyong nirespeto at pinakabanal pa ninyo kasi sa bibig nyo na mismo na kailangan irespeto at igalang ang bible kasi Salita ng Diyos at kailangan dapat lahat sundin.
Kaya ngayon kapatid irespeto mo pa lahat at sundin lahat nakasulat dyan? diba dapat kunin mo lang ang mga tama at mga mabubuting salita dyan at ang mga mali iwan mo at hindi mo sundin. Di ba pag hindi mo sinunod ibig sabihin hindi mo nirespeto at pinakabanal? pero huli na ang lahat kapatid nagbitiw ka na nang salita na ang bible ay respetuhin at igalang dahil itoy holy. Eh di ibig sabihin ang pagpatay, pagsuway at pagtaksil sa Diyos Ama ay gawin nyo din kasi nakasulat yan sa bible? Tsk! tsk! tsk! nabitag ka kapatid sa mga padalos dalos mong salita na nanggaling mismo sa bible ah. Sige lang bumawi ka lng sa susunod may mga araw pa nman.
Alam mo ba kapatid kung anu ang Bible? ito ay compilation ng mga buhay ng mga naunang tao na masasama at mabubuti at nandyan din ang mga salita na Ama na tlagang sinabi nya mismo at ang iba dyan idinaan nya sa pamamagitan ng propeta para makarating sa tao ang kanyang mga mensahe.
Yan ang bibliya kapatid na nirerespeto mo, hindi mo nga alam kung anu ibig sabihin nyan ngayon nagmamarunong ka sa loob ng libro na iyan? Eh kung sa labas pa lang hindi mo alam kung anong ibig sabihin nyan?
Sige lng kapatid balang araw masasabi mo rin sa iba kung anu ang mga sinasabi namin sa iyo ngayon kung dumating ang point na ang liwanag na nagpakita sa akin ay magpakita din sa iyo personal o sa panaginip at pag nangyari yan mararamdaman mo rin kung anu ang mga nararamdaman namin simula ng dumating sa amin ang ganito, ang araw na nagpakilala sa amin ang DIYOS AMA.
At last kapatid nakasulat ba sa bible na pagkatapos ng panahon ni Jesus at ng mga apostol ay wala na bang kakausapin ang DIYOS AMA para muli nyang maibigay ang mga bago nyang mga mensahe o ibig sabihin kapatid huminto ba ang Diyos Ama sa pakikipag usap sa mga tao? Pag isipan mo iyan kapatid at baka isa ka sa kanyang kausapin kahit sa panaginip lang para maniwala ka o subukan mo bago ka matulog magdasal ka sa Diyos Ama na magpatotoo sya sayo kahit sa panaginip lang baka sakaling maniwala ka sa mga sinasabi ko kapatid.godbless!
0 comments :
Post a Comment