Ang amin pong concern ay ganito sa mga mgsasaka po na nAgtatanim ng palay na yun po ang ating basic food ay sana ang pamamaraan na gamitin sa pgsasaka ng palay ay iyong natural o organic at wag silang gumamit ng kemikal na pamamaraan dahil sinisira ang lupa, tubig, hangin tulad po noong hndi pa dumating dito sa mindanao ung proyekto noon ni MARCOS ung MASAGANA 99.
Napakataba pa po ng mga lupa kahit hindi sabuyan ng synthetic fertilizer at noong araw wala pa gaanung mga pesteng insekto na naninira ng mga tanim na palay o kahit sa ibang mga produkto ng mga mgsasaka.
Pero nung ginamitan na ng mga kemikal hindi po naalis o nawala mga mapanirang insekto kundi mas lalo sila nadagdagan at may mga bago pa na mga insekto na lumabas na sila ay di na halos tinatablan ng pamuksang kemikal na binibili ng mga kawawang mga magsasaka sa mga tindahan ng kemikal.
At minsan nababaon na sila sa utang sa mga negosyante na iyan at pagdating ng ilang taon yun ay napunta na sa negosyante na minana pa iyan ng kawawang magsasaka sa kanilang mga lolo't lola na noon ay tiniis ang hirap sa paglinis ng lupa na iyan at may kasama pang takot kasi noon magulo pa ang mga lugar dito sa South Cotabato gawa ng hindi pa ngkakaintindihan ung mga kristyan at muslim.
Pero kung ating babalikan noon mga 1930's up to 1970's wala pa kemikal ang palay ang haba edad ng tao at wala gaanu mga sakit hndi mo halos naririnig ang mga DIABETES at HYPERTENSION pero ngaun ang dami nyan at parang normal na magkaroon ung tao ng ganyan at di lng iyan kundi pati mga sakit na kakaiba daming lumitaw mga rare at unknown na mga sakit.
Alam nyo kung bakit? Dahil ang mga magsasaka ay humahabol ng kanilang mga utang sa mga negosyante na dyan sila kumukuha ng mga kemikal kaya wala silang pakialam kung 3 days na lang ay iharvest na pero kung may mga mapanirang mga insekto o may dumapo na sakit sa palay nila na mkakaapekto sa ani ay di sila nag aatubili na gumamit ng mga malalakas na lasong pamuksa mula ng itinanim o isinaboy ang palay npakaraming kemikal na tumurok dyan at pag inani na at giniling un ang kakainin natin.
Kaya di na humahaba ang edad ng tao bakit? ang kinakain natin ay lason. Di ba nakikita ng ating pamahalaan at yan at ng mga sangay na nakaatas sa mga pagsasaka?
Bakit? Ang katotohanan mismo ang mga kawani ng DENR AT Department of Agriculture ay gumagamit din nga ng mga kemikal sa kani-kanilang mga sakahan at mga bukurin na di nila kunyari alam na di lang ang lupa ang sinisira kundi pati na ang mga tubig sa mga sapa at ilog kaya wla ng mga isda at mga snail at mga shell na makakain gaya nung araw.
At yung mga ilog at sapa na iyan ay dumadaloy patungo o papasok sa dagat at hanggang doon umabot ung mga kemikal na nang-gagaling sa mga napakaraming mga sakahan at mismo sa mga bukirin ng mga gulay ay kemikal na rin ginagamit kaya ang bagsak ng mga kemikal na yan ay sa dagat at dun sisirain nyan ung mga iniitlogan ng mga isda sa tabi at ang mga isda ay maninibago sa mga kemikal na iyan kaya aalis cla at pupunta sa ibang lugar para hindi sila mapuksa ng mga lason kemikal na umapaw sa mga sakahan At pagnakain ng isda ang mga lason na iyan at kakainin din natin. Kaya umiiksi buhay natin at lumilitaw mga kakaibang sakit na minsan ang findings ng mga doktor ay UNKNOWN at sabi ng iba yan ay galing sa kinain mo.
Pero hindi ang lahat ng sakit ay galing sa KASALANAN ng mga tao Bakit? ang pagwasak sa likha ng ating ALMIGHTY FATHER ay kasalanan pa rin kaya hinahayaan nya tayo na di ntin malaman mga sekreto kung panu mapanatili ang lugar na maayos para kung masira dahil sa kapabayaan natin na di ntin iningatan un na mismo ang parusa sa atin.
Mula luzon visayas at mindanao halos lahat ng mga magsasaka ng palay at gulay ay gumagamit ng mga kemikal pati mga rootcrops ay ginamitan na rin kaya wala tayo kawala sa kemikal.
Pero noong unang panahon wala namang kemikal kung may sakit ang mga tanim ang ginagawa ng mga matatanda noon ay nagdadasal at kusa lang umaalis ang mga insekto na noon ay mangilan-ngilan lang. Walang artipisyal na pataba noon na isinasaboy kundi ang dayami lng ng palay na nabubulok doon yung naging natural na pataba at noon kuntento sila pagdating ng kanilang ani.
Sa ngayon kasi sa panahon natin ang mga mgsasaka mismo ay mga mabisyo, nandyan ang sugal, inom, paninigarilyo at pag nag ani galing sa bayan hindi pa yan uuwi kundi mg goodtime muna sa mga beerhauz yan. Kaya ang kinikita sa kanilang sakahan ay napupunta lng sa wala.
Ito ang nkakabahala dito sa amin sa south cotabato may mga sakahan na ang kanilang nagagamit na synthetic fertilizer ay umaabot na sa 10sacks na UREA or triple 14. Noon nagsimula yan sa wala at nag-umpisa sa 1 sako at pgdaan ng ilang taon ay naging sampu na dahil acidic na ang lupa.
Kung sa ngayon itigil nya pag gamit ng synthetic na pataba, hndi mamumunga ang kanyang tanim na palay. Kaya taon-taon umaakyat ang dosage nya o ngayon 2015 nasa 10 na ang synthetic fertilizer na nagagamit sa isang ektarya, eh panu kung dumating ang 2040 at ang dosage ng 1 ektarya ay 30 o 40 sacks na pataba ang kailangan gamitin para tumubo o mamaunga ang palay?
Ngayon ang pinakamabigat na tanong ay kung sa taon na iyan maubos na ang SYNTHETIC FERTILIZER? dahil ang nakasaad sa salita ng ALMIGHTY FATHER na ang lahat ng nandito na kanyang nilikha ay darating ang araw na mauubos at yan ay mangyayari talga.
Dahil tulad halimbawa dyan sa MANILA noong araw kahit saan meron ka mapagkunan ng malinis na tubig, ngayon kahit saan ba meron kang makunan? wala na dahil marumi na kasi sinira ng tao at hindi pa iniingatan.
Tulad nyan ang mga synthetic fertilizer na iyan ay inaangkat sa ibang bansa eh panu kung dumating ang araw na maubos yan saan tayo kukuha para makapagpatuloy sa pagtanim ng palay para tayong mga PILIPINO ay patuloy na may makakain para patuloy tayo na makapamuhay na tayo pa naman ay RICE EATING COUNTRY.
Bakit ang gobyerno natin di binibigyan pansin ang rice farming na yan ang basic needs natin at bkit may mga ahensya naman na tumututok kunyari dyan? bakit di sila nagpaplano kung panu mapadami ang mga sakahan at panu mapaganda ang proyekto sa mga patubig at bakit hinahayaan nila na ang mga ricefield ay gawing mga subdivision at mga commercial. Sana ang mga ricefield natin ay iniingatan at dinadagdagan kasi tayo ay kumakain ng palay at bakit pag mga mahirap na tao at walang koneksyon sa gobyerno di kayang makakuha ng clearance sa Department of Agriculture at DENR na gawing commercial o subdivision ang isang agricultural land.
Ang malaking tanong bakit pag mga pulitiko tulad ni MANNY VILLAR sa buong pilipinas maraming subdivision nya na ang mga tinitirikan ay mga dating sakahan bakit na aprove yan? Dahil ba sya ay mayamang pulitiko o ang gobyerno natin ay mga buwaya at sakim sa pera.
At punta ka ng bulacan may itinayo dyan na para daw sa karangalan ng DIYOS at ng PILIPINAS ung sa syudad di victoria or yung tinatawag na PHILIPPINE ARENA. Ilang ektarya kaya ng ricefield ang pilit na pinagtatambakan dyan at kamangha-mangha dahil mismo ang pangulo pa natin ay nandun pa ng mag cutting of ribbon kasma nya halos lahat ng mga senador at kanyang gabinete di nila talaga alam mga pinag-gagawa nila.
Talaga bang iasa na lang natin ang ating pinakapangunahing pangangailangan yung pagkain natin? Yung bigas iasa na lng ba natin sa pag aangkat sa vietnam china o iba pang lugar eh panu kung hindi na sila magbenta sa atin or kung taasan nila ang presyo? Panu tayo na mga pilipino at panu ang mga sumusunod sa atin mga anak at mga kaapuhan natin?
Ngayun pa lang ang mahal na ng bigas at halos di tayo makabili ng isang kaban, eh panu mga anak at apo natin balang araw sila ang magdudusa kung hndi na tutubo ang palay gawa ng sira na at acidic na ang lupa at ang pilipinas ay di na makaangkat sa ibng bansa dahil nakurakot na ng mga pulitiko at baka hndi na tayo pagbentahan ng ibang bansa eh panu tayo na mga mahihirap?
Sa tingin ko ang mga mayayaman na pulitiko pagdating ng araw na ang PILIPINAS ay baon na sa utang at laganap na kahirapan at krimen kasi may malaki at malawak na gutom sa atin para di sila maapektuhan lilipad lang sila sa ibang bansa dahil may mga bahay na sila dun na kanilang nakulimbat ang pera na pinambili dyan.
Kaya tayong mga PILIPINO magsigising tayo piliin ang PRESIDENTE na may hilig sa natural na pagsasaka para hindi magkatotoo ang pinapakita sa akin ng ALMIGHTY FATHER na kng anu ang sasapitin nang ating mga anak at mga apo balang araw.
Napakasimpleng gawin para maibsan ang kahirapan sa PILIPINAS:
Una padamihin ricefield kasi rise eating country tayo at taon taon dumadagdag mga bunganga na kumakain kanin at ang pagsasaka dapat ibalik sa natural para hindi mamatay ang lupa at sa pamamagitan nyan bababa ang presyo ng bigas at pag dumami bigas natin tayo na mgpapadala sa ibang bansa at dapat ang mga nasa gobyerno magbalikloob sa ALMIGHTY FATHER para lahat tayo pagpalain nya at balang araw hahayaan nya na makabalik sa kanyang kaharian sa langit.
Kung mabubuti lang sana at hindi sakim ang mga pinuno ng pamahalaan sana noon pa ito nasimulan na proyekto di na sana nasira mga sakahan at mga sapa at ilog natin kaso pati PRESIDENTE natin bulag sa katotohanan puro sariling interes lang ang kanilang iniisip.
Pag namatay kayo at haharap kayo sa ALMIGHTY FATHER, dun nyo malalaman na totoo itong sinasabi ko na nanggagaling sa ALMIGHTY FATHER marami nang mga sakim na mga pulitiko ang nasa IMPYERNO wag na kayo magpadagdag dun magbago na kayo kung gusto nyo maligtas sa dagat dagatang apoy.
0 comments :
Post a Comment