Saturday, May 23, 2015

Ang Kapaliwanagan kay Kristo at sa Diyos Ama

Sa panahon ni Prophet Joel na sinabi na darating ang araw ay uulan ng biyaya or grasya galing sa langit na kung saan ay magtitipon ang ibat-ibang lahi na babagsak ang banal na espiritu ng Diyos. Ito yung magkakaroon ka ng gift of healing, katalinohan sa pagpalaganap sa salita ng Diyos, magkakaroon ka ng kapagyariha na makita ang hindi pa nangyayari, magkakaroon ka ng talino na kahit iyong salita na hindi mo pinag-aralan ay malalaman mo, ito iyong tinatawag na speaking tongue.

Nangyari talaga iyon doon sa lugar ng mga Apostol, na nakita nilang nahuhulog talaga na parang dilang apoy na pagkadami-dami. Ito iyong tinatawag na Day of Pentecost. Na sinabi ng mga Apostol na ngayon ay gawin natin ang simbahan ng Diyos dahil ito iyong araw na binagsak ang espiritu santo.

Kaya sinabi ni Jesus kay Pedro na itayo nyo dito sa bato. Yung ibig sabihin noon ay itayo nyo iyong pananampalataya nyo katulad ng isang bato na kahit daanan ng tubig, daanan ng hangin, daanan ng bagyo ay hindi matinag, ganun ang ibig sabihin ni Jesus.

Katulad sa atin na sana ay maging katulad tayo ng bato na hinding-hindi matitinag, hindi matutumba kahit daanan ng mga pagsubok at problema.

Pero hindi yan pinaniniwalaan ng mga Pentecostal dahil ang totoong simbahan daw iyong sa Day of Pentecost, iyong sa kanila. Doon nga sa amin, sinabi ng Diyos na Ama sa akin, na si Lucifer ay hindi na nakangiti sa ginagawa ng tao, kundi humahalakhak na! Bakit? Dahil sabi ni Lucifer “yung Diyos ninyo at ang kanyang Salita ay ipinadala dito sa lupa para ang tao ay magmahal at magpatawaran. Pero yung Salita ng Diyos na Ama mismo ang magpapa-away sa mga tao. Bakit? Isang pastor na magaling, kukuha sya ng isang talaga sa Bibliya tapos ipupukol nya iyan sa kanyang kaharap na sya ang tama. Yung isa naman ay hindi magpapatalo, kukuha rin sya ng isang talaga na ipupukol din sa kaharap nya, yung mga Salita ng Diyos ay pinag-aawayan.

Kaya iyong Diyos mismo ang nagtulak sa kanila na mapunta sa Impyerno. Kaya nga sabi ni Lucifer “kahit wala na akong gawin” dahil yung mga hindi nagbabasa ng Bibliya ang ginagawa ay inum, sigarilyo, babae at droga.

Yung mga nagbabasa ng Bible anong ginagawa? Naghahanap lang ng verse or talata para ipukol sa iba na sila ay tama. Tama? Kaya si Lucifer ay wala ng ginagawa kundi upo na lang dahil sabi ni Lucifer akin din sila naman.

Yung mga hindi dumudulog sa simbahan ano ang kanilang buhay? Pasarap, kaligayahan, kasiyahan, katuwaan. Yung kinasusuklaman sa Bibliya, anong kanilang isinasabuhay? Debate! Pinapalabas na sila ang magaling! Tatanungin nila mismo ang kanilang kaharap, kukuha sila mismo sa Bibliya ng salita doon.

Di ba ang Salita ng Diyos ay Sya mismo ang Diyos? Yung Kanyang Pag-ibig at Pagmamahal sa atin, iyon mismo ang naging dahilan para sila magkagalit. Tama?

Kaya iyan iyong sinabi ng Diyos na Ama sa akin na tayo ay wag nating gayahin, kung makipagharap kayo sa kanila at yung pananalita nila ay hindi maganda katulad noong nakaharap ko na dalawang babae na Pentecostal. Na mismo sa harap ko ay sinasabihan akong kulto at Anti-Kristo.

Sabi ko sige lang, sa ngayon hindi pa nyo nalalaman kung ano ang katutuhanan. Dahil sinabi ng Diyos na Ama na kung ano iyong nasa puso mo, iyon ang ilalabas sa bunganga mo. Dahil ang nasa puso mo ay galit, kaya ang lumalabas sa bunganga ay masama.

Yung kaharap ko sabi nila, magdasal muna tayo sabi “Lord, Panginoon sana po gabayan nyo kami dahil paguusapan naming ang inyong Salita na sana maging maayos itong aming paguusap. Ito ay aming idinadalangin sa pangalan ni Jesus, Amen” ganun sila. Sabi sa akin, “Ikaw ba iyong nagsasabi na si Jesus ay hindi Diyos?” sabi ko “Oo”. Sabi nya naku! naku! ako iyong kinakabahan sainyo. So binasa nya iyong nakalagay sa Bible at ang nakalagay naman doon ay “Kung sino iyong nagtatakwil kay Jesus at hindi naniniwalang sya ay Kristo ay yun ang Anti-Kristo.”

Sabi ko wala namang Diyos dyan Ate ah, Anak ng Diyos ah. Kung hindi ka naniniwala na si Jesus ay hindi ipinadala, ikaw ay Anti-Kristo. Si Jesus ay Anak ng Diyos pero hindi Diyos. Sabi pa “ay hindi! hindi! Diyos pa rin yan!” ang dami nyang sinasabi.

Pagkatapos nya ng salita ng salita ay tinanong ko sya, sabi ko Ate matanong nga kita. Total nagbabanggit ka ng Kristo at Anti-Kristo, ano ang ibig sabihin ng Kristo? Sabi pa noong katabi nya na matanda na rin na may edad na rin na mga nasa 50 “Ha? Kristo lang hindi mo alam? Jesus Christ! Tunto ka talaga!” (matatawa ka talaga) Sabi ko sino si Jesus Christ? Sabi nya si “Lord”. Sabi ko ganun ba iyon? sabi nya Oo!

Sabi ko hindi, hindi ganun ang kahulugan, ang kahulugan ng Christ ay ipinadala. Ang Kristo ibig sabihin ay ipinadala. Sabi nya ha? Ganun ba iyon?

Ang Ibig sabihin ng JESUS CHRIST ay ipinadala ng Ama.

Sabi noong isa, sige lang itanong ko ito sa aming Pastor kung ano ang kahulungan. Sabi ko yan ang kahulugan ng Christ, yung CHRIST, yung KRISTO ibig sabihin ay Ipinadala. Ang ibang kahulogan nyan ay Mesiah, ang ibang kahulungan nyan ay Immanuel. Yung Immanuel ay God is with Us, Yung Mesiah yan iyong Ipinadala

Kita mo sila nagbabangkit ng Anti-Kristo ay hindi alam kung ano ang kahulungan? Tapos sabi ko pa, anong pagkakaiba ng Lord sa God? Dahil nagsasalita ka ng Lord saka God. Sabi nya ha? Kulto kayo! (matatawa ka)…Professional ka tapos hindi mo alam ang ibig sabihin ng Lord saka God?

So ipinaliwanag ko ang ibig sabihin ng Lord saka God.

Ang Lord ay walang kapangyarihan at ang God ay may kapangyarihan. Ang God ang namimili ng tao na iyon iyong bibigyan nya ng karapatan na sya iyong mamuno or mamahala na katulad ni Jesus na binigyan sya ng karapatan ng Ama. Nakasulat sa Bibliya na si Jesus ay binigyan ng awtoridad (authority.

Ngayon kung binigyan ka ng awtoridad dito sa lupa ay may kapangyarihan ka ba tulad ng sa Diyos? Wala! Kundi ikaw lang iyong mamahala? Sa isip ko sa kanila, ang lupit nyo naman, na nagsasalita kayo ng Salita ng Diyos pero hindi nyo alam kung ano iyong mga subject, iyong kahulugan, katulad na lang nyang Kristo. Dapat pag-aralan mo kung ano ang kahulugan nyan, hindi iyong salita ka ng salita at hindi mo nga alam iyong kahulogan nyan, kaya sabi ko maaawa ka na lang.

Kaya noong bandang huli ay hindi talaga magpatalo dahil sabi nya ang mga pamangkin nya daw ay umanib na sa amin (ALMIGHTY) na kinakalaban na daw sila, ang sabi ko hindi.

Yung mga pamangkin mo Ate ay sinasabihan ko iyan na bumalik sainyo, pero sila mismo ay ayaw ng bumalik sa simbahan nyo. Dahil sabi ng mga pamangkin nyo na mahirap na nga sila, lagi pang sinasabi sa gitna na pag nagbigay ka ay malaki ang balik. Na yan lagi ang sinasabi na sa harap nila ay may combo or banda pa yan na kapag malaki ang bigay ay malaki din ang balik. Yan iyong hinaing ng mga pamangkin mo na kailangang magbigay.

Eh di binabasa nila doon sa panahon ni Malacai, sabi ko basahin mo doon sa panahon ni Jesukristo, dahil puro kayo Jesus, puro kayo Kristo basahin nyo kung sinabi ni Jesus mismo na ipagpatuloy yan sige nga?

Di ba? Yung nacompare dyan iyong nagsisimba na yung babae na balo (widow) maraming anak at yung kanyang isang pera ay ihuhulog nya or hindi. Pero pumapasok sa isip nya na kailangan nandyan iyong mga pari na naglilingkod sa templo. Ngayon hinulog na, tapos noong panahon pala na iyon ay nandoon si JESUS ay nakatingin. At iyong sa binata ay maraming pera at bago nya hinulog ang kanyang offering ay ipinakita pa nya.

Tapos anong sabi ni JESUS? “Akala mo natutuwa sayo ang AMA na marami kang ibinigay? Pero paguwi mo sa bahay nyo ay ganun pa rin ang ugali mo. Kaya sinabi ni JESUS na mapalad yang babae na yan, na kahit nag-iisa lang ang ibinigay nya ay alam ng aking AMA na paguwi nya ng kanilang bahay ay wala ng galit ang kanyang puso.

Anong ibig sabihin ba nyan? Ibig sabihin ay hindi tinitingnan ng Diyos kung gaano karaming pera ang binibigay mo sa templo, kundi ang tinitingnan nya ay pagpasok natin ng simbahan ay iiwanan natin ang ating mga masasamang ugali paguwi natin ng mga bahay natinn. Dapat kapag pupunta tayo sa temple, na yung mga kasalanan natin ay ialay natin sa Kanya na hindi na natin babalikang muli. Tingnan mo sila, pera pa rin sila ng pera.

Pero hindi pa rin sila magpatalo at sinabi pa na wala daw utang na loob ang mga pamangkin nya, pag nahihirapan daw ay sa kanya tumatakbo. Ibig sabihin ay gusto nya ipraise iyog mga ginawa nyang mabuti sa mga pamangkin nya. Kaya bandang huli ay hindi na ako nakipagtalo.

Sabi noong mga pamangkin nya “Hindi pa naming nakilala ang Almighty suko na kami dyan! Sa Almighty walang gamot-gamot pero dyan hindi naman tinuturo at sila nga dyan umiinom ng gamot. ” sabi noong pamangkin nya.

Dapat pasalamatan mo ang mga tita mo dahil silang dalawa ay magaling sa Bibliya “ay hindi na! sa Almighty na talaga ako” tumatawa na lang ako.

Yung dalawa parang umuusok iyong tenga saka ilong, di natapos na akong magsalita so akala nila ay siguro naubosan na ito ng isasagot.Hindi na ako sumasagot dahil iyong paguusap naming ay walang patutungohan, walang patutungohan.

Sabi ng Diyos na Ama sa akin “Pag iyong kaharap mo ay hindi tinatanggap ang aking Salita, ay wag mo ng ubusin ang laway mo dahil matutuyoan ka lang.” Kasi hindi pa nya panahon ng kanyang pagbabago, hindi pa nya nauunawaan ang Salita ng Diyos na Ama Kaya natapos na kaming magusap, sabi ko ay Salamat Ate, hindi nya ako tiningnan pero noong magsimula kami na magsharing daw ah sabi “magdasal tayo at humingi tayo ng gabay sa Diyos” Dapat kung natapos iyong paguusap namin na ginagabayan kami ng Diyos dahil nasa gitna ang Diyos ay dapat sila mismo bago matapos iyon merong closing prayer at pagpapasalamat” pero hindi nangyari, hindi na ako tiningnan. At sabi pa ay mga kulto daw kami.

Di ba? Salita ng Diyos iyong aming hinihimay, pumagitna sa amin ang Salita ng Diyos. Tapos noong matapos kami ay hindi na ako tiningnan. Noong nagpapasalamat ako ay hindi man lang ako sinagot, hindi ako pinapansin. Oh di ba? Sabi ng sabi na maka Diyos sila, na sinasabi nila na ligtas na daw sila dahil sila ay nabawtismohan na, na sila ay nanglilingkod at tinanggap daw nila si Jesus na tagapagligtas.

Kita nyo? Noong matapos na iyong aming paguusap at ako ay nagpasalamat ay di ma lang ako sinasagot. Dyan natin makikita kung nasa atin na ang Diyos, ibig sabihin ay kahit gaano man ang galit nya ay dapat hanggang matapos ang usapan ay maging mahinahon lang. Na matapos ang usapan nyo na nakangiti kayo, naka smile ka sa kanya hindi iyong after matapos ang usapan nyo ay galit. Ibig sabihin ay wala saiyo ang Diyos.

Isang palatandaan na nasa iyo ang Diyos ay meron kang kapayapaan at sa araw-araw dapat meron kang saya or ligaya or tuwa. Yan iyong sinasabi ni Jesus na kapag nasa iyo ang Diyos, nasa iyo ang pagpapakumbaba, at kapag nasa iyo ang pagpapakumbaba ay nasa iyo ang kapayapaan. Kung meron kang kapayapaan ay meron kang peace of mind, sa araw-araw ay mamroblema ka ba?

Kaya nga dapat sa araw-araw ay nakangiti ka, kasi kapag nasa iyo ang Diyos at nasa iyo ang pag-ibig nya at pagmamahal nya, pagpapatawad at pagpapakumbaba ay nasa iyo iyong kapayapaan.

Yan ang sinabi sa akin ng Ama na sinabi sa mga kasamahan natin na sa araw-araw dapat meron tayong kapayapaan na tanggap mo iyong sa araw-araw mo kung anong dumating na meron ka ay tanggap mo. At kung tanggap mo ay kilala mo na Sya.

Si Jesus nga noong araw na sya ay nabubuhay ay takbo lang ng takbo, dahil hinahabol siya ng mga gustong pumatay sa kanya. Minsan nga ay tatlong gabi ay nasa mabato na lugar ay doon sila nagtatago, malamok, nababasa ng ulan. At sa isang araw ay isang beses lang kumain at nauubos pa ang kanilang tubig at malayo pa sa kanila ang pinagkukunan ng tubig at bago sila makarating ay uhaw na uhaw.

Pero si JESUS ay nagreklamo ba sya? Hindi sya nagreklamo at tuloy-tuloy lang sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Ama. Tingnan nyo si Jesus, tingnan nyo ang kanyang pagpapakumbaba, yung pagtanggap nya ng kalooban ng Diyos na Ama sa kanya. Na wala syang ginawang kasalanan, hindi sya maluho, hindi sya mapili sa pagkain pero ano ang kanyang tinanggap? Mapait iyong tinanggap nya! Sakrispiyo! na sya bay huminto? Sya ba ay tumigil sa kanyang paglilingkod? 3 years lang iyong kanyang paglilingkod at pinatay sya. Kung hindi sya pinatay ay mahaba ang paglilingkod nya kung hindi sya pinatay.

Yun na nga pinagpatuloy yung paglilingkod ng kanyang mga Apostol. At yung mga apostol nya ay nag-away-away. Si Pedro at si Pablo ay nagaway-away yan, hindi buwan kundi taon bago sila nagkausap.

Si Pablo nagkasakit yan, kaya nga noong magkasakit si Pablo ay sinabi nya na “Mahal talaga ako ng Diyos, dahil hindi nya ako hinahayaan na malihis ng landas. Sa pamamagitan nitong sakit na aking natamo, ito ang patotoo na mahal ako ng Diyos na Ama.” Kagaya sa atin kahit tayo ay naglilingkod na ay mero pa rin tayong mga pagsubok or problema na dumarating, ibig sabihin ay meron pa tayong mga pagkukulang sa AMA. Kaya sinab ni Jesus na habang kayo ay nabubuhay ay sikapin mo na mapaligaya ang Diyos. Dahil kapag natapos natin ang buhay dito na marami tayong ginawa para sa Diyos na Ama, ay tayo naman ang bibigyan Nya ng kasiyahan ng Buhay na Walang Hanggan sa langit. Kaya sa atin, magpatuloy tayo sa pagpalaganap ng mga Salita ng Diyos na Ama.

0 comments :

Post a Comment