Tuesday, May 26, 2015

Anong Dahilan ng Pagiyak ni Jesus Kristo

Sa Bibliya, ang pinaka-short na Bible verse ay ang Juan 11:35 "Si Jesus ay Umiyak" maikli pero kung susuriin mo ay napaka makahulogan. Bakit nga ba si Jesus umiyak? anong dahilan ng pagiyak nya?

Ang dahilan ng pagiyak ni Jesus ay dahil sa marami ang naniniwala na may Diyos at nakikinig ng mga Salita ng Ama pero marami pa rin ang walang pananampalataya. Katulad sa panahon natin ngayon, marami ang tumatawag sa pangalan ni Jesukristo pero may pagbabago ba sa kanilang mga paguugali at isinasabuhay ba nila ang buhay ng ating kapatid na si Jesus? Wala! dahil ganun pa rin sila Noong unang panaon, marami ang gustong pagalingin ni Jesus sa kanilang mga sakit. Dahil noon kaya maraming naging tagasunod si Jesus at mas pinaniwalaan sya ng mga tao hindi sa mga pagpalaganap ng mga Salita ng Ama kundi sa panggagamot.

Gusto ni Jesus na gumaling ang lahat ng mga may sakit noon, pero anong sabi ni Jesus? "Sa kalooban ng Ama ang kagalingan ng inyong sakit basta manampalataya ka sa Kanya. Hindi ako ang nagpapagaling sainyo kundi ipinagdasal ko lamang kayo sa Kanya" At para gumaling sila sa kanilang mga sakit, anong sabi pa ni Jesus? "Lumuhod ka at magsisi ka sa iyong mga kasalanan at wag mo na itong gagawing muli at gayahin mo kung anong ginagawa ko." Ano ba ang ginagawa ni Jesus? ang ipakilala ang kanyang Diyos at iyon ang Ama at tulungan ang tao na magbago.

Walang sinabi si Jesus na uminom sila ng mga gamot or magpatingin sa ganitong tao noon kahit noon ay meron ng mga gamot-gamot or mga manggagamot. Anong sinabi lang ni Jesus? "Lumuhod ka at magsisi ka sa iyong mga kasalanan at wag mo na itong gagawing muli."

Pero bakit ngayon ang mga tao kapag may sakit ay mas pinaniniwalaan pa nila na ang mga gamot at doctor ang magpapagaling sa kanila? pero kung tanungin mo sila kung naniniwala sila sa kapangyarihan ng Diyos ang sagot nila ay "Oo naniniwala daw sila" Kung naniniwala sila sa kapangyarihan ng Diyos Ama ay susundin nila ang sinabi ni Jesus na lumuhod at magsisi sa kanilang mga kasalanan at wag na itong balikan pa. Dahil ang katotohanan na ang mga SAKIT ng tao ay galing sa ating mga ginawang kasalanan. Pero dahil ang tao ay sobrang ma-Pride at ayaw patalo ang laging sinasagot nila ay ang gamot at doctor ay instrumento daw ng Diyos para pagalingin ang mga tao.

Sige daw, kung Instrumento ng Diyos ang mga gamot, botika at doctor bakit kapag ang isang taong mahirap at walang pera ay hindi binibigyan ng gamot sa mga botika at hindi sila tatanggapin or aasikasuhin kung walang pampagamot? Kung instrumento sila ng Diyos bakit meron silang pinipili? bakit may bayad? At minsan iyong mga nurse at doctor pa ay mga masusungit pa sa mga pasyente nila, kung baga taliwas sa kanilang mga sinumpaang tungkolin.

Pero sa Diyos na Ama may pinipili ba Sya? humihingi ba Sya ng bayad? Wala! basta magbalikloob ka lang sa Kanya at Walang Impossible sa Kanya dahil Sya ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Dahil kung ang kaya Nya ngang lalangin ang sanlibutan sa isang Salita Nya lang, yang sakit mo pa kaya?

Pero dahil sobrang ma-Pride pa rin ang tao at ayaw magpakumbaba ang sagot pa nila ay iyong gamot na iniinom daw nila ay dinadasalan daw naman nila para bendisyonan ng Diyos.

Paano pala kung ganito halimbawa lang, isang umaga paggising mo ay gumaling ka sa iyong sakit dahil sa gamot na ininom mo na dinasalan mo tapos namalayan mo na katabi mo pala ang Diyos Ama.

At bigla ka Nyang tinanong "Anak, magaling ka na?" ano naman sagot mo? "Opo magaling na po ako". Tapos nagtanong ulit ang Diyos na Ama "Anak, saan ka gumaling sa gamot na ininom mo or sa pagdasal mo sa akin na gumaling ka?"

Ano kayang isasagot mo? Syempre Diyos ang kaharap mo di ba? Ang isasagot mo 100% ay "Gumaling po ako dahil nagdasal po ako sainyo"

Ano kayang isasagot ulit sayo ng Diyos na Ama? "Anak, kung sa dasal ay kaya kitang pagalingin, bakit kailangan mo pang uminom ng gamot?" Magrason ka pa kaya eh Diyos na ang kaharap mo?

Oh di ba? sample lang yan pero kung suriin mong mabuti may laman. Kung baga iyong sinabi ni Jesus na ay hindi na nasusunod ng mga tao dahil ang tao sabi ng Ama ay "Walang Isang Salita at Sinungaling" Yung gamot nakikita nila kaya naniniwala sila pero iyong Diyos ay hindi nila nakikita, naniniwala man sila pero 50/50.

50% sa gamot at doctor at 50% din sa Diyos. Kaya kapag namatay sila ay 50/50 din sila, doon sila sa purgatoryo or sa mga daigdig ng mga patay at hindi sa langit ang punta nila dahil hindi lubos ang paniniwala nila.

0 comments :

Post a Comment