Saturday, June 20, 2015

Mensahe ng Diyos na Ama kay Manny Pacquiao

Nakakatakot yan gagawin ni Pacquiao na ginagamit nya pangalan ng Diyos sa pansariling kapakanan at sa kasakiman sa pera na ugat ng kasamaan at kasalanan baka ilaglag sya mismo ng dyos na sinasandalan nya.

Diba makadyos kayo eh alam nyo nang hndi itinuro ni jesus ang panununtok ng kapwa at pagkabaliw sa pera eh kayo bat todo suporta pa kay pakyaw kasi nasisiyahan din kayo sa pinag gagawa nya na para sa dyos ama ay walang kabuluhan dahil sa araw ng laban nya nagpupunyagi ang mga sugarol at mga lasenggo na buong buhay.

Kung may mga bible mission sa mga lugar nla ay napakahirap yayain para makapakinig cla ng salita ng dyos ama na dahil sa salita na iyan na pinalaganap ni jesus dyan sya pinag initan ng mga makasalanang ayaw magsisi ng kasalanan kaya pinatay nla c jesus o pinapatay.

kaya yan maganda pakinggan c pakyaw na mahal nya c jesus pero tuwing may laban sya maraming tao ang nagpapakalunod sa sugal at alak.yan pag isipan nyo at magmunimuni kayo na mga makadyos na todo suporta kay manny pakyaw kaya pakyaw kasi walang kabusugan sa lhat ng karangalan at kasikatan mapa pulitika man sports o kahit anu na lng at ang kanyang front ang dyos na akala nya nauto nya ang langit.

Kng para sa bansa?anu napala ng bansa sa mga laban nya?eh kng ok sa dyos ang sports na panununtok ng katunggali bakit sinabi ni jesus na wag mong saktan ang kapwa mo kng mapatay ni pakyaw c floyd may mabuti ba sa pangyayari na iyan at bakit sa panahon ng mga propeta at mismo ni jesus may gladiator na eh bakit tinutuligsa nla iyon bakit hndi nla sinang ayunan kng iyon ay mabuti para sa dyos na ngpadala sa knila.

Sinabi ng dyos na wala tayong madadala kahit isang alikabok kng tayoy mamamatay at sinabi nya na dapat mamuhay tayo ng ayon sa knyang kalooban na hndi yaong dahil sa atin ay maraming ngkakasala o nahuhulog sa kapahamakan eh sa tuwing may laban c pakyaw marami ang nagsusugal at nglalasing na minsan ay nauuwi pa sa away at patayan eh di ibig sabihin c pakyaw instrumento ng kaguluhan at kasamaan?hndi bah?

Cge po nasa inyo na po iyan sana po balang araw magising c pakyaw sa mga pinag gagawa nya at sana habaan pa ng dyos ama ang palugit nya kay pakyaw sa lubusang pagbabago nya.cge po godbless. THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER.

May nagtanong kung panu ang mga sundalo at pulis na tumutupad sa mga tungkulin nila sa bayan ganito po ito kapatid diba noong hindi pa dumating si jesus ay maraming propeta na pinadala na mas nauna pa sa kanya kaya maraming mga pangyayari sa mga buhay nla ang matatawag nating mali pero na i consider ng Dyos AMA

Tulad halimbawa sa pagpatay ng mga anak ni jacob sa mga kamag anak nang nanggahasa sa kapatid nila na si Dina iyon ay kasalanan pero binigyan sila ng pagkakataon na mabago nila ang mga pag uugali nila na iyon na kung sila ay naagrabyado dapat ay maghiganti sila.

Iyon ang dugo ng paghihiganti ang itakwil natin sa panahon natin ngayon tulad nyan halimbawa noong dumating na c jesus at naglilingkod na ang mga apostol kasama nya at noong gabi na hinuli si Jesus at nagpagitna si Pedro na may hawak na espada at kanyang nataga ang isa at tinamaan sa tenga at iyon nalaglag ang tenga pero ibinalik ni jesus at nadugtong din agad.

Diba sinabi nya kay pedro na wag ka nang mamuhay sa espada para hndi ka mamatay sa espada rin. Ano ba ibig sabihin nyan? marami ibig sabihin nyan may literal at spiritwal. Sa literal na kahulugan diba espada ay sandata? so sa ngayon kung nagbibitbit ka ng baril o espada hindi bat sapul ka sa salita na binitawan ni jesus?

Kung ang hanapbuhay ang ipagsanggalang mo kaya ka nagpulis o nag militar diba marami namang ibang pwedeng ihanapbuhay kasi pag nasa serbisyo ka dalawa lang pwede mangyari sayo dyan, ang mapatay ka o ikaw ang makapatay.

Kung may asawat anak ka at napatay ka, hindi sapat ang pension mo para magabayan mo ang mga anak mo sa pagiging maka-Diyos. Ngayon kung ikaw ang nakapatay sa mga kaaway kahit masamang tao pa iyan may karapatan ba tayong humatol o humusga sa ating kapwa? Diba sinabi ng Diyos Ama na Sya ang maylikha, Sya lang ang may karapatan bumawi ng mga hiram natin na buhay.

At noong si Maria magdalena ay pinaikotan ng mga tao para patayin sa pagbato ng bato sa kanya, dahil sa kanyang kasalanan sa laman. Di ba sinaway sila ni Jesus na wag nyong husgahan dahil kayo man ay may mga kasalanang nagawa din at dahil ang gusto iparating ng AMA dyan na sya ang likha sya lng din ang may karapatang bumawi.

Ang sinasabi naming ay hindi panghuhusga kung iyong maobserbahan ang mga salita ng dyos ang humuhusga kay Pacquiao at hindi kmi naiinggit kay Pacquiao kung anu man ang narating nya kasi ang kayamanan nya mismo ang magtutulak sa kanya sa impyerno. Tulad nyan dahil sa sobra sobrang kayamanan nya diba mismo ang asawa nya nagkasala na rin dahil ang gawa ng dyos sa atin ay kanya pang pinakialaman dahil sa pagretoki ng mukha.

Diba nakalagay sa bible na kung anu ang ibinigay sayo nang Diyos matuto kang tumanggap at wag mo na pakialaman kasi hndi nman tayo maliligtas ng maganda nating mukha at kung ipinamigay nya siguro sa mga gutom ung pinaganda nya na artipisyal siguro natuwa pa ang Diyos na Ama kaysa pinaganda nya nang pinaganda ang hitsura at katawan nya na hindi nya alintana na naging simbolo nya ang kalibugan at pag nakita sya nang mga manyakis ay pinagnanasaan lng sya kaya dahil sa kanya mas lalo pa dumadami mga manyakis.

Hahayaan ba natin na ang Diyos ama ang gumawa ng paraan para magbago tayo o tahakin natin ung mga pagbabago? baka umaray tayo sa mga kalooban ng Ama na ipahintulot tulad ni SAULO na naging pablo tignan mo kng anu ang naging daan para magbago sya ang ginawa ng dyos ama ay binulag sya para manghingi sya ng tulong sa Diyos Ama.

Sa tanong naman na kung sakaling nahold up ka at napatay mo ang nanghold up sayo kung kasalanan ba na matatawag sa Diyos? diba sinabi ni Jesus na isabuhay natin ang pagpapakumbaba tulad nya diba? Kung meron daw papatay sa iyong buhay sabi ng panginoon mismo cge ibigay mo ang buhay mo sa kanya kasi nga sya nung pinapatay sya hndi nya kinatakutan ang pumatay sa kanya kundi ibinigay nya ang nag iisa nyang buhay.

Dahil si Jesus ay sumusunod sa mga kalooban ng AMA at para mapatunayan nya ang kapangyarihan ng Diyos Ama at kung oras mo ay oras mo na talaga kaya kung nahold up ka wag ka manlaban ibigay mo kung anu ang kukunin nya at kung papatayin ka pa nya, subukan mo magmakaawa at kung talagang patayin ka pa rin nya may magagawa ka pa ba kng iyan na ang kalooban ng Diyos Ama sayo?

Kaya ang pinakamainam mong gawin dyan ay tanggapin mo na lng dahil yan na ang wakas mo at kung maibalik mo ang pangyayari u ikay hindi sumusuway sa Diyos Ama, ipahintulot nya kaya sayo ang kapahamakan at mas mainam na iyong ikaw ang pinatay kaysa ikaw yaong nakapatay.

Ang sport hndi itinuro ni jesus at lalo na yaong pagsusundalo at pagpupulis ang tanging itinuro nya ay maglingkod sa dyos ama ng buong puso mamuhay ng payak at simple at hndi ka mkasakit ng kapwa.

Para sa lahat ng mga taga suporta ni pacquiao, sa inyong pananaw ba ang DIYOS AMA ba ang nag uutos kay manny para magboksing at mambugbog ng kapwa at magpakasasa sa lahat ng materyal at mamili ng mga magagarang bahay at mga sasakyan at mgbakasyon sa mga mamahaling resort at mga tourist spot sa buong mundo?

Kung ang DYOS AMA ang gumagabay at bumubulong sa kanya bakit hindi ginawang mayaman sa materyal c Jesus ng AMA at bakit hindi sya ginawang athleta na kagaya ni pakyaw bakit ginawa syang simple at walang kahilig hilig sa material? Bakit si pacquiao mahihilig sa magagara at sosyal? at bakit kayo di na mga tagasuporta nya tuwang tuwa din kayo? Hindi kaya iisang adhikain lang kayo ang yumaman at magpayaman at maging sikat at nakapakasikat sa mga pisikal na paligsahan pero ang espirito ay malayong malayo sa DYOS.

Nagbigay si Ronaldo M Mariveles isa pang halimbawa na ganito daw “nagtatrabaho ka sa Pagawaan ng Alak ikaw mismo ang tagatimpla. Aalis ka ba dahil kasalanan ang paglalasing. Seyempre hindi dahil hindin naman bawal ang gumawa ng alak, nasa gumagamit na yun”

So ang sagot naming ay ito: ang paghahambing mo ay pabor pa rin sa pagiging materyal at ang pansariling interes lng ang habol at layunin. halimbawa nagtatrabaho ka sa pagawaan ng alak at ikaw ang tagatimpla at hindi ka naman umiinom o naglalasing. Ang hndi mo alintana na ang sarili mo ay naging kasangkapan sa mga makasalanang tao na mahilig maglasing at ang mga may ari ng kumpanya nman ay hindi isinaalang alang ang kabutihan ng mga mamamayan na dahil sa alak na tinda nila ay marami pamilya nawawasak at nasisira at marami mga lasing na sa sobrang kalasingan ay pati sariling anak ay nagagahasa nila at minsan ay magawa pa nilang patayin.

Kaya ikaw na nagtatrabaho dyan ang pinayayaman mo at pinalalago ay mga taong pinadala ng impyerno para sirain ang sangkatauhan at marami sa mga nagkakasakit ay galing sa alak kaya ikaw tignan mo kung magandang kumpanya ang napasok mo kumpanya ba yan ng DYOS AMA o kumpanya ng demonyo? Ganun din sa paghahambing mo sa ngtatrabaho sa casino na kung saan nandyan lahat ng mga masasama at ikaw dyan ka rin nabubuhay na galing din sa masama ipinakakain mo sa anak mo. Ang iba dyan para makalaro sa casino na iyan kailangan magnakaw, manghold up o manggulang o kung pulitiko o sa gobyerno kailangan nya mangurakot muna.

Kaya dapat nga ang gawin natin itigilb or ipasarado yang mga pagawaan ng alak at sigarilyo at mga bahay pasugalan at mga casino kasi sila ang mga nagdadala ng mga kasalanan sa mga tao. Madali lng nman eh kung gusto natin maituwid mga sarili natin, tignan natin ang buhay ni jesus at sundin ang mga aral at mga payo nya kaya mahirap ang pagbalik sa langit ng isang kaluluwa kasi hindi natin kayang itakwil ang mga pansariling kasiyahan interes at mga pagmamahal natin sa mga materyal. Tanong naman nila ay kung halimbawa daw ay pinagtripan tapos sinuntok, ano na lang daw ba ang gagawin? Ang sagot naming ay ganito: Kung pinagtripan ka habang naglalakad ka sa kalye? ang gawin mo napakasimple wag ka lumaban at kung maari umiwas ka na lng para hindi na lumaki ang gulo, sa madaling salita magpakumbaba na lng.

Kasi napakasimple lang noong nabubuhay pa si Jesus, itinuro na nya ang pagpapakumbaba at pagpatawad kung binato ka nang bato ang iganti ay tinapay, kung sinampal ka sa kaliwa ibigay mo pa daw ang kanan. Yan ang mga turo ni Jesus na dapat natin isabuhay na pag ginawan daw tayo ng masama nang ating kapwa, ang iganti daw natin ay mabuti pa rin para mapatunayan natin na nabubuhay sa atin ang mga aral at payo ni Jesus.

Pero kung nasa atin pa rin ang espirito ng paghihigante, pag tayo ay naagrabyado ibig sabihin hindi natin naiintindihan at nauunawaan kung bakit pinadala nang DIYOS AMA si Jesus na puno ng pagpapakumbaba.

Si Mr. Nelson Nathanielz ay nagsalita din at ang sabi: “umalis ka nalang sa mundo kung ayaw mo ng materyal dahil para sayo puro nabalot ng kasalanan ang lahat ng bagay. Yong facebook ba hindi makasalanan ang gumawa nito?Bakit ka gumagamit o sumasali sa facebook? Yang bigas na kinakain mo wala bang kasalanan ang nagtatanim ng palay?Bakit ka bumibili sa palengke i mga makasalanan naman mga nagtitinda?

Iba ang pagkakaunawa ni Mr. Nelson Nathanielz sa mga sinasabi o pinahihiwatig naming kaya ito ang sagot naming: kung iyan ang pang unawa mo eh di wala akong magagawa kasi sarili mong pananaw yan. Ang kutsilyo likha ng tao at ang tao nilikha ng DIYOS AMA, ang kutsilyo makabuluhan kung gamitin sa tama pero kung ipanaksak mo sa tao yan ay mali. Ang facebook totoo masamang tao ang may likha nito kasi ginawa nya ito sa pagpapayaman, pero hindi hinayaan ng DIYOS AMA na hindi nya mapasok ang gawain na ito kaya nga nandito kami na pumasok dito at nagbibigay ng salita ng DIYOS AMA. Ang facebook ay masama kung gagamitin mo sa masama pero kung gagamitin mo sa kanyang salita para makagising yaong mga tulog sa katotohanan bakit hindi namin igrab itong opportunity para maipaabot ang mensahe ng DYOS AMA?

Sabi naman ni mam Lalaine Red Dino ay nanghuhusga daw kami, kaya ito an gaming sagot: “ hndi po ako nanghuhusga pero ang mga salita na binibitawan ko ay nanggagaling mismo sa mga salita ng DYOS AMA na kung itoy masakit dahil totoo po ito. At kng nabubuhay pa sa ngayon c jesus sa inyong palagay po ba sang ayon kaya sya sa mga pinag-gagawa ni pakyaw? Diba ilang beses sinabi ni jesus na gawin natin ang mga sarili natin na mga mabubuting halimbawa sa mga bata at sa ibang tao? Hindi ba alam ni pakyaw na sa tuwing lalaban sya andaming mga sugarol ang nagsisipagtalunan sa tuwa at saya dahil may kinagigiliwan sila dahil may pustahan? At pag nanalo magdamagan ang paglalasing.

Kung si many pacquiao ay ehemplo o mabuting halimbawa ng AMA na galing sa langit, sana itinigil na nya yan para matigil din mga sugarol na hinding-hndi talaga natutuwa ang DIYOS NA AMA sa araw na iyan kasi ang mga demonyo sa araw na iyan ay nagsisipagtalunan kasi meron na nman na magbubugbugan. Kontra silang lahat sa paliwanag naming dahil para sa kanila ay tama ang ginagawa ni Pacquiao, kaya sinabi naming na basta kami sa samahan nmin sa THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER mas matutuwa kami kay manny balang araw kung tuluyan na nyang iwanan ang pagboboksing nya at seryosohin nya ang totoong paglilingkod sa DYOS AMA. At sana ang hiram na yaman nya ang hindi maging dahilan ng pagkasira nya o nang isa sa mga pamilya nya balang araw at sana ang kayamanang materyal nya ang maging daan para makatulong sya sa mga tumatawag din sa DYOS.

Pero kung ang lahat ay pagkukunwari lang, naku wala tayong maitago sa DYOS NA AMA dahil hndi nyo ba alam na ang buhay nating lahat ay nakasalalay sa kalooban ng DYOS NA AMA pwedeng sa laban ni manny na iyan baka mapurohan sya at bka hndi na nya mapakinabangan ang mga pinaghirapan nya. At ito pa ang masaklap marami pa ang nagdadasal na para sa laban nya.

Pati sa inyong kabuangan at kasamaan isama nyo pa ang DYOS NA AMA, hndi nyo ba alam na sa araw na iyan wala ang presensya ng DYOS AMA yan kasi sugal at sakitan yan halos lahat nang nandyan sa araw na iyan ay mga sugarol at mahilig sa sakitan at bugbugan na ang nasisiyahan dyan ay nag iisa lang walang iba kundi c lucifer lng.

Sabi naming kay Mam Lalaine Red Dino na hndi nmin hinahadlangan ang yaman ni pacquiao at di rin kami naiinggit sa pera nya, na yan ang ugat ng lahat ng kasamaan. Hindi kayang pagsabayin ang pera at ang DYOS NA AMA, si manny pinagsasabay nya walang kabusugan sa pera hanggat may pera pa talagang aabutin at hahanapin ni manny yan.

At kung kayo ay kaisa nya sa mga adhikain nya, isa lang ang ibig sabihin nyan dahil pareho lang din kayo ng mga adhikain sa buhay ang yumaman at magtamasa ng mga kasaganaan at kasiyahang materyal sa lupa. Si jesus mahirap may kinakain na isang tinapay nadaanan nya isang tao na gutom ang kanyang kinakain ay ibinigay nya.

Si manny hindi man sya mamamatay sa gutom kung hindi nya mabili ang mga magagarang bahay at mga sasakyan. Bakit hindi sya nagtiis sa mumurahin lang at ang sobra na pera ay ipamahagi nya sa mga nagugutom sa buong pilipinas? Hindi nman cguro sya mamumulubi kung ang itira nya sa sarili nya halos kalahati lng ng kayamanan nya at ang kalahati ipamahagi nya sa mga kapwa nya rin anak ng DIYOS kung ituring nya, Siguro dyan matutuwa ang DIYOS NA AMA kay manny.

Masama daw ba talaga ang boxing tanong ni Eric Monar Sta Cruz na nagtatanggol din kay many. Sabi naming ay masama tlaga ang boksing sa harapan ng DYOS NA AMA pero sa mga tao na nahuhumaling ditto, yan ay ok lang kahit sa ating gobyerno ok lng din yan kasi sila man ay nahuhumaling din sa ganyan. Pero kng isinasabuhay mo ang buhay ni jesus maiintindihan mo yan at mauunawaan na yan pala ay walang kwenta sa harapan ng DIYOS NA AMA kasi ang mas natutuwa dyan ay ang mga demonyo at c lucifer.

0 comments :

Post a Comment