Thursday, February 25, 2016

Mensahe ng Diyos na Ama para Gumaling sakit mo

Kung saliksikin natin ang bibliya, Ang kamatayan dapat hindi kinakatakutan , dahil ang kamatayan ay daan sya para mamatay ang tao. Kung hindi mamatay ang tao, ay hindi makabalik sa Diyos na Ama sa langit. Kaya kung may sakit ka, wag mong isipin dahil kalooban iyan sayo ng Diyos na Ama.

Sa amin sa THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER, ang sakit ay dala n gating mga kasalanan.

Kaya kung halimbawa masakit ang ngipin mo, wag mong damdamin at wag mong sabihin na “ang sakit ng ngipin ko” kasi baka ilang oras na ay hindi pa rin nawawala ang sakit. Siguro ang dapat mong gawin ay isipin mo kung ano na naman iyong nagawa mong kasalanan at ihingi mo ng tawad sa Diyos na Ama.

3 lang pwede mangyari kung ang isang taong may sakit, ito ay “mamatay, gumaling or patuloy na magdusa. So kung kayo, anong piliin mo dyan sa tatlo? Gumaling noh? So kung gusto mo gumaling sa sakit mo anong gawin mo?

Magbago? Sabihin nating nagbago ka at sumunod ka naman. So anong gawin mo para gumaling? Ang gawin mo ay bumangon ka at wag mong isipin na may sakit ka. Dahil kung isipin mo na may sakit ka, at hindi ka babangon at hindi ka rin gagaling. Ang resulta kung hindi ka mamatay ay patuloy kang magdusa sa sakit mo.

So ano ang maganda, patuloy na maghirap o mamatay na lang? di ba mamatay na lang pipiliin mo. Patunay nab ago tayo mamatay ay dadaan tayo sa paggaling.

Kaya sa mga may sakit kung gusto nyo gumaling, bumangon kayo at wag nyong isipin ang sakit nyo. Dahil kung ipagkaloob ng Diyos na Ama na pagalingin ka, kahit sobrang tanda mo na, at hindi ka na nakakatayo at pahiga-higa ka na lang at ipagkaloob nya isang araw ay patayoin ka ng Diyos na Ama kahit sobrang payat mo na at palakasin nya ang katawan mo. At paglipas ng ilang semana at buwan ay bumalik ang dati mong lakas.

Pero kung ipagkaloob ng Diyos na Ama na hindi ka na gumaling, kahit may malaman pa katawan mo at minsan hindi ka pa umabot ng 50 yrs old, minsan 30 yrs old ka pa lang kung magdesisyona ng Diyos na Ama na mamatay ka ay mamatay ka talaga.

Kaya maswerte ka kung ang edad mo ay umabot ng mahabang panahon, example mga 90 yrs old. Kaya kung gusto pa natin na mabuhay ng matagal, sino ba dapat ang magsikap? Tayong mga tao or ang Diyos? Di ba tayong mga tao.

Ano ang pinakamaganda na kamatayan? Kay Isaac, kay Jacob na kamatayan or kay Abraham? Kay Abraham ang pinakamaganda na kamatayan dahil si Abraham ay namatay lang sa katandaan. Namatay lang si Abraham na walang sakit hanggang sa tumanda sya. Pero si Isaac namatay sya na napilay.

Kaya wag mong sabihin na may sakit ka or isipin na may sakit ka, dahil baka lalong lumala ang sakit mo. So yan ang technique para gumaling ka sa iyong sakit, at kung tinaggap mo na ang Diyos na Ama, dapat wala na tayong pag-aalinlangan pa or di ka na nagdadalawang isip pa. At kung kinikilala na natin ang Diyos na Ama, dapat di na tayo nagdadalawang isip sa kanyang kakayahan, sa kanyang kapangyarihan.

Kaya kung may dumating sayo na sakit, wag mong sabihin na may sakit ka, kundi ano ang sabihin mo? “may mali na naman ako na ginawa sa Diyos na Ama na dapat kung bagohin, kaya Salamat sa Diyos na Ama dahil sa sakit na ito dahil Mahal Nya ako.”

Pero kung may dumating sayo na sakit, tapos reklamo ka na naman sa sakit mo, yari ka! Dahil baka dagdagan ang sakit mo ng Diyos na Ama. Kung ang sakit mo tiyan lang, maya-maya pati ulo mo masakit na!

Kaya dito sa THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER itong mga sinasabi namin ay gusto naming na maipasa nyo rin ito sainyong mga anak at mga apo para maipagpatuloy nila ang pagpapakilala sa Diyos na Ama at ng kanyang mga mensahe sa mga susunod na henerasyon. Dahil kung kayo ay tumanggap na sa Diyos na Ama, dapat iyong mga magiging anak nyo at apo ay ganun din sila katulad nyo ang pagkilala sa Diyos.

Kaya kami sa THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER ay hindi na umiinom ng gamot at hindi na kami nagpapahospital dahil naniniwala kami sa kapangyarihan ng Diyos na Ama at walang impossible sa Diyos na Ama. Dahil kapag uminom ka ng gamot, ibig sabihin ay hindi mo tanggap ang kalooban sayo ng Diyos at takot ka mamatay dahil ang gamot ay para saan ba? Para gumaling ka sa iyong sakit at hindi ka mamatay.

0 comments :

Post a Comment