Tuesday, March 15, 2016

Testimonial: Dating Bading Nagbago ng Makilala ang Diyos na Ama

General Santos City - Testimonty ni Bro Reggie Tajanlangit Villarin from General Santos City, dating bading pero nagbago at nagasawa para itama ang mali nya.

Dalaygon ang Diyos Ama. Una Sa lahat magandang umaga lalo na Sa ating Ama. Ng dumating ako dito at makilala KO ang Diyos Ama ay napakalaking pagbabago hindi lang s akin pati s aking pamilya.

Noon ako ay isang bading, sumosoot ng damit Babae. Sumosuot ng bra at bikini, sumasali Sa timpalak ng miss gay. Manalo pag swertihan matalo pag malasin. Nagpila ang mga boyfriend. Kumakayod para s bf. Puno s luho, bisyo, mahilig Sa sex.

At ang bunga ng mga iyang kasalanan at mga bisyo ay ang aking sakit. Meron akong vertigo, arthritis goat, acute ulcer,highblod, bleeding almoranas,pananakip s dibdib,symptoms s prostet lahat ng iyan ay dinadala at tinitiis KO upang maibsan ang sakit ay naglilingkod ako s aming simbahan at umiinom ng gamot para maibsan ang sakit Sa aking karamdaman. Pero patuloy parin ako s aking mga kasalan Sa ngalan na hindi KO pa Alam ang tama at hindi pa kilala ang Diyos Ama.

Ng dumating ang panahon na makilala KO na ang Diyos Ama nag dasal ako Sa kanya , humingi ng patawad s lahat ng kasalanan since 8yrs old up to now. Hiniling KO s kanya na bagohin nya ang buhay KO s pamamagitan ng kanyang anak na c Jesus dahil sya ang tagapaligtas, daan ng katotohanan at buhay.

Upang maka-iwas ako s mga gawaing di tama o kasalanan lalong lalo na s pag hilig KO sa laman at kapwa lalaki.

Hiniling KO s kanya Bigyan nya ako ng partner s buhay na makakaintindi s aking pagkatao. Kaya s malaking pagmamahal ng ating Diyos Ama at binigyan nya ako ng mabuting asawa at 5 na Anak at dalawang apo. At tuluyon ng naglaho ang akng damdamin na mahilig s kapwa lalaki pati ang aking mga sakit at karamdaman nag laho lahat ng walang gamot o vitamins wla ng doctor, resita at iba pa. Lumohod LNG at nag pray ng mataimtim s isang lugar na tahimik s ating Diyos Ama.

Kaya ngayon ay namumuhay na akong masaya kasama ang Diyos Ama at buong pamilya ko. At sinasabuhay si Kristo Jesus at nag susumikap na patuloy magbago at sundin c Kristo Jesus s kanyang mga Gawain tulad ng papalaganap ng salita ng Diyos at papakilala s Diyos Ama NATin s Langit.

Kaya inaalay KO ang aking espirito at kaluluwa kasama ang aking pamilya na may pananalig at pananampalataya s kanya ng buong puso kaya purihin ang Diyos Ama. AMEN

- Brother Reggie Tajanlangit Villarin (GenSan)

0 comments :

Post a Comment