Feb 21 - Questions and Clarifications during Pulong at the Chapel of the Almighty Father at Purok 3, Norala, South Cotabato, residence of Bubok at Neng Celia
1. Bakit dumami ang tao? Sina Adan, Eva, Cain at Abel pa lang ang tao; at si Seth, ama ni Noah.
Di binanggit na maraming naging anak sina Adan at Eva kasi umabot ng 930 years old si Adan. Di binanggit ang iba pang mga anak na lalaki at mga babae kasi wala silang papel. Ang mga babae ay hindi magmana ng pangalan ng pamilya kasi kung mag-asawa sila mawalan sila ng katungkulan at maging iba ang apelyido.
Wala pang sumusulat noong panahon ng mga pangyayari, nalaman lang mga ito sa mga palipat-lipat na kwento ng mga matanda.
2. Bakit inasawa ng mga anghel (heavenly creatures) ang mga magandang anak ni Eva?
Dito sa madilim na mundo tinapon noon ng Ama ang mga suwail na anghel kasama si Lucifer. Mas nauna pa sila dito sa mundo. Ang mga anghel susunod lang sa utos ng Ama. Di mag-utos ang Ama na gumawa ng masama ang mga anghel. Ang mga fallen angels o demonyo ang nagkunwaring anghel na bumaba kunwari mula sa langit at inasawa ang mga anak ni Eva.
Kasi ang pakay ng mga demonyo ay sirain ang mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng kasalanan para magalit ang Ama. Kaya ginunaw agad ng Diyos ang sanlibutan noong panahon ni Noah sa pamamagitan ng tubig dahil puro kasalanan ang ginawa ng mga tao noon.
3. Kahit sina Maria at Jose ay di rin isinulat sa Bible na may marami pang anak sila.
4. Si Jesus babalik muli? Bababa sya sa ulap? Kung paano dumating si Jesus, ganon din sya babalik. Ipanganak din sya.
5. Walang apostoles na nakakita o nakausap ang Diyos Ama, kaya ang kilala nilang Diyos ay si Jesus lang kaya lahat ng mga kasulatan nila ay puro kay Jesus lang. Humina ang paniwala nila nang namatay si Jesus pero bumalik ito nang nabuhay muli si Jesus.
6. Kaya puro pangalan lang nakasulat sa descendants of Noah kasi wala silang nagawang maganda at walang propeta na gumabay sa kanila, wala ang presensya ng Diyos sa kanila at puro pagkakasala ang ginawa nila.
7. Sabi ng iba,Ang Diyos daw ispiritu kaya walang mukha at katawan? Mali! Bakit naniniwala ka sa anghel at demonyo? Bakit mo kinukwento kung di mo nakita? Kung sino ang nakakita at narinig ang Diyos, sya lang ang makapagsabi kung ano ang Diyos.
8. Bakit nagsasabi ng di nakasulat sa Bible? Bakit di na puedeng magsalita ang Diyos ngayon? Sino ang tao na magtuldok at magbawal sa Diyos na magsalita pa? Hanggang ngayon nagsasalita pa rin ang Diyos para sa mga tao.
9. Ang nakasulat sa Bible ay hiningaan ng Diyos kaya salita Nya ito. Di totoo! kasi di lahat ng nakasulat sa Bible ay salita ng Diyos. Ang tinutukoy ay yong mga scroll na binigay ng Ama sa mga propeta.
10. Nakikita nina Adan at Eva ang Diyos Ama noon sa paraiso kasi wala pa silang kasalanan. Nong nagkasala na sila, di na nila nakita ang Ama kasi pinalayas na sila ng Ama sa paraiso at tinaboy ng mga anghel na may espada na itinuon pa sa leeg ni Adan.
11. Kung ispiritu lang ang Ama, paano ka maging maligaya sa langit kung walang mga bagay doon? Ganyan ba magbigay ng kaligayahan ang Ama?
Ang ispiritu ang buhay na galing sa Ama. Ang tao ay katawan at kaluluwa. Ang kaluluwa ay ang ispiritu na galing sa Ama.
12. Nagkasala ang ibang anghel kasi may freewill sila noon. Gusto ni Lucifer na maging diyos din sya at ayaw nya sundin ang Diyos. Kapareho ng tao na may freewill din at ayaw sundin ang God's will.
Ang sanlibutan ay pag-aari ng demonyo. Majority wins daw kaya mas maraming tao ang gumagawa ng kasalanan.
Pahinga lang ang demonyo kung natutulog ang tao. Di sya natutulog o kahit kumurap man lang pag gising ang tao para parati nyang mabulungan na gumawa ng masama.
Mas maraming demonyo ang naga duty sa mga taong matuwid. Sa mga makasalanan, kahit di na sila bantayan ng demonyo kasi routine na sa kanila ang paggawa ng kasalanan pareho ng pagmumura, magsinungaling, etc.
Ang distancia ng demonyo sa matuwid na tao ay gangga buhok lang para madali at mabilis syang magbulong na gumawa ng masama. Pero sa mga taong masama na ang gawain, kahit malayo ang demonyo kasi sanay ng gumawa ng masama ito.
Ang demonyo ang magbulong na gagawa ka ng kasalanan at tuwang-tuwa sya. Kawawa ang anghel kasi di pinapakinggan ng tao ang sinasabi nya
13. Walang maliwanag na puso sa mga nagsisimba kahit sa anong sekta at ang nakaupo sa harapan ay dragon na may pitong ulo na puro sungay.
14. Walang kapangyarihan ang pangalan ni Jesus. Ang Ama lang ang may kapangyarihan kaya sa Ama din tumatawag si Jesus. Pinadala si Jesus na Redeemer para bawiin ang mga tao sa mga kasalanan.
Ang pag bawtismo ay walang halaga kung di pa rin nagbabago ang bininyagan.
15. Ang talino ay binigay ng Diyos sa tao, pero ginamit ito ng tao para sa sariling kaligayahan.
Ang tao habang buhay pa ay pinaliligaya ng demonyo sa pangmundo lang. Pero pag namatay, walang katapusang parusa at paghihirap sa impierno ang dadanasin nila.
16. Ang simbahan dapat ay para sa mga tao para makilala ang Diyos. Kaya dapat ang tao ay ipakilala din ang Diyos sa ibang tao sa pamamagitan ng pagmisyon. Balewala na ang pagsimba kung ang mga tao ay nagbago na at namumuhay ng matuwid.
17. Paano ka mag Pulong? Kung interesado ka mag Pulong at mag alagad, ibigay ng Ama ang pag Pulong sa yo. Pareho ng sundalo na gustong magpunta sa gyera kaya bigyan ng bala. Tayo ay sundalo ng Ama! Kaya dapat hwag matakot magsalita sa misyon. Dapat lahat ng sundalo ay matapang para matalo natin ang kalaban. Dapat lahat kumilos para gagaling at hahaba ang buhay.
Kunin ng Ama ang lakas at talino mo kung di mo ginagamit sa pag Pulong.
Lalong lalaki ang misyon natin para sa Ama kung marami ang magmisyon at magdala ng Pulong.
18. Kahit menopause na ay puede pa ring manganak kung sundin ang Diyos kasi walang imposible sa Ama. Inunahan kasi ng paniwala ng tao na pag menopause na ay di na puedeng mabuntis. Pareho din ng paniwala natin na gagaling tayo sa sakit kahit sa tubig lang.
Hwag nating sarhan at tuldukan ang kapangyarihan ng Ama. Walang imposible sa Ama! Ipatuloy natin ang pagkilala at pagsamba sa Ama.
19. Kung gagawa tayo ng masama sa pamamagitan ng mga binigay ni Lucifer na mga karangyaan o kapangyarihan kasi mahal ka nya habang buhay ka, pag namatay ka, lahat ng parusa ay ipadanas nya sa yo sa impierno.
20. Maraming kulang at mali ang Bible. Tapos na ang Bible. Ang mga pangyayari na ngayon ang bagong Bible.
Kaya nalalaman ito kasi ang pinadalang mensahero ngayon ay mas matalino at matapang kaysa kay Jesus dahil iba na ang sitwasyon ngayon at marami na ang katalinuhan ng tao.
Dapat makita ang prueba na ang karunungan ng Diyos ay nasa propeta.
Ang Diyos lang ang di makagawa ng kasalanan. Ang tao ay nakakagawa ng kasalanan. Ang mga propeta ay tao.
21. 3rd covenant na ngayon at last chance na ito. Makikita na sa mga pangyayari ngayon ang kasalanan na sinasamba na si Lucifer at ang mga kasalanan ng lalaki sa lalaki at babae sa babae. Magka gyera na at uulan ng apoy kasi sabi ng Ama bubukas na ang pintuan ng impierno sa Middle East. Di na titigil ang apoy. Pag tumigil ang apoy kasi ubos na ang langis sa ilalim ng lupa, mag collapse na ang mundo!
Sister Cecilia P. Kwan
0 comments :
Post a Comment