Saturday, May 16, 2015

Ang Dapat Gawin ng mga Tao Tuwing New Year

Ang Banal at Sagradong Diyos Ama na Makapangyarihan sa lahat ay hindi natutuwa sa mga pinag-gagagawa ng mga tao tuwing Bagong Taon. Ang lahat ay abala or busy physically sa paghahanda ng kani-kanilang mga pagkain at paputok.

Ang ating New Year ba ay magiging masagana kung meron tayong maraming pagkain sa ating mga mesa na may 13 klase ng prutas na bilog, magsabit ng prutas sa ating mga pintuan, at kung ano-ano pang mga pamahiin.

Talaga bang napapa-alis natin ang mga masasamang espiritu kapag nag-ingay tayo katulad ng paggamit ng mga malalakas na paputok at mga fireworks? Kung ikaw ay nag-iingay, kaninong gawa kaya iyan? Tapos ang resulta tuloy ay ang daming mga nagkalat na basura at aksidente. Sa Diyos kaya yan or baka naman sa iba?

Sa pagsalubong ng New Year, marami tayong mga sari-saring pagkain, mga inumin at kung ano-ano pang paghahanda. Ang iba dyan ay lasing na, nagkakaroon na ng pagtatalo at pag-aaway at ang ending ay pwedeng mahospital or sa funeral. Sa Diyos kaya ang ganyan? Ito bang mga pinaniniwalaan natin ay kaaya-aya sa mga mata ng Diyos Ama or napapasaya kaya natin Sya? Ang sagot ay HINDI! Dahil ang gusto ng Diyos Ama na gawin ng mga tao tuwing New Year ay magmuni-muni tayo at alalahanin ang unang ginawa ng Diyos Ama sa unang araw na nakasulat sa Bibliya.

Na sa unang araw ay ginawa ng Diyos Ama ang LIWANAG dahil ang mundo ay nababalot ng kadiliman. Ito din dapat sana ang gawin natin sa ating mga sarili ayon sa Diyos Ama. Dapat ay tanggalin natin ang lahat ng ating mga hindi maganda sa ating mga sarili, magbago na tayo, pagsisihan na natin an gating mga kasalanan sa Diyos Ama at araw-araw ay pasalamatan natin Sya. Para pagdating ng New Year ang ating buhay ay Bagong Buhay na at iiwasan na nating gumawa pa ng kasalanan para matuwa Sya.

Kapag ginagawa pa rin natin ang mga kasalanan na napagsisihan na natin sa Diyos Ama at inihingi ng tawad, mas masahol pa tayo kesa sa isang aso na kinakain ulit ang kanyang isinuka. At kapag patuloy tayo sa paggawa ng kasalanan ay para na rin nating binaliwala at hindi pinahalagahan ang kamatayan ni Jesus ng ipako Sya sa krus at hinding-hindi tayo mapapatawad ng Diyos Ama.

Umiyak ang Diyos Ama ng si Jesus ay mamatay sa krus, pero mas iiyak tayo higit pa sa Diyos Ama kapag hindi tayo nagbago at patuloy pa rin sa paggawa ng kasalanan. Dahil kapag namatay tayo, ipapakita ng Diyos Ama kung gaano kaganda ang langit pero hindi ka Nya papapasukin sa langit.

Ang pinaka-malaking paghihirap ng isang kaluluwa ay ang mapunta sa impyerno at ang kaluluwang ito ay magsisisi ng labis-labis kung bakit noong sya ay nabubuhay ay hindi sya nagbago. Dahil kung patay ka na ay wala ka ng chance na magbago. Kaya habang buhay pa tayo, bagohin na natin ang ating mga sarili.

0 comments :

Post a Comment