Karamihan ng mga tao ano mang aspeto ng buhay, simula sa mga mahihirap at pati sa mga mayayaman ay wala pa ring pagbabago sa kanilang pangaraw-araw na buhay para maging matuwid. Karamihan dito ay mga Negosyante na sobrang busy sa pagpaparami pa ng kanilang mga pera kahit sobra-sobra na. Mga Politiko na sobrang busy din sa pagpapalakas ng kanilang kapangyarihan at pagnakaw sa kaban ng bayan
Mga artista na ang mga hangarin ay gustong maging sikat pa lalo para lalong purihin ng mga fans nila ay maling example sa publiko. Ang DIYOS AMA ay nanggagalaiti na ang ngipin sa sobrang galit at gusto na Nya na durogin at wasakin ang mundo sa kanyang mga kamay para tapusin na ang buhay ng mga taong makasalanan.
Ang Demonyo ay napaka matalino dahil na pinaniwala nya ang mga tao na okay lang na mag-attend at makinig ng mass araw-araw sa mga simbahan or sumama sa mga serbisyong pangsimbahan or seremonya, magbigay ng pera or pagkain sa mga mahihirap na tao or magbigay donasyon sa mga simbahan or foundation, bisitahin ang mga namatay na kamag-anak or kaibigan sa sementeryo at paggawa ng iba pang mga aktibidad na pinaniniwalaan nila na maganda at sa paggawa ng mga ganyan ay naniniwala sila na hindi sila mapupunta sa Impyerno.
Pero ang masakit na KATOTOHANAN ay hindi naman nila binabago ang kanilang mga masamang pag-uugali at di makataong gawain. Dahil ang pinagmulan ng kanilang mga tulong at donasyon ay galing sa illegal at immoral na mga gawain.
Sa mata ng mga tao ang tingin sa kanila ay mga mabubuti tao at ehemplo sa lipunan. Pero sa mata ng DIYOS AMA na naglalang ng langit at lupa, sila ay basura at ang sangsang ng mga amoy at nakakadiri higit pa sa mga basura.
Walang sino man ang pwedeng magtago ng kanilang mga sekreto sa DIYOS AMA sa kada segundo ng ating buhay. Lagi nya tayog tinitingnan at inaalagaan para lagi tayong ligtas sa anoman na disgrasya or panganib sa ating mga buhay. Pero tayo ay hindi marunong magpahalaga at binabaliwala lang ang mga pagmamahal at pag-aaroga na ito ng AMA sa atin. Ano ba ang ginagawa ng mga tao sa araw-araw na sa tingin nila ay tama pero sa mata ng DIYOS AMA ay hindi kaakit-akit. At nakasanayan na natin na bawat umaga ay gigising tayo, kumain ng almusal, magbihis, magbyahe papunta sa trabaho, umuwi galing sa trabaho, kumain ng hapunan at matulog. At minsan ay nagawa pa ng tao na mag-gimmick kasama ang mga kaibigan, ganyan ang gawain ng mga tao.
Sa araw-araw natin, kinikilala pa ba natin ang DIYOS AMA? Pinapasalamatan ba natin SYA? or pinapakilala ba natin ang DIYOS AMA sa ibang mga tao? nagbabago na ba talaga ang tayo at kinalimutan na or itinigil na ang ating mga bisyo katulad ng paninigarilyo, paglalasing, pagsusugal, pandaraya ng iba, pagtsismis, pambubugbog sa mga asawa at mga anak at iba pa.
At sino ang pinapupurihan ng mga tao at kinikilala at dinadasalan? ang DIYOS AMA ba? Or si Jesus or si Maria at kung sino-sino pang mga santo? Nakakalungkot dahil mas pinapupurihan ng mga tao ang CREATION ng DIYOS AMA kesa sa Kanya na CREATOR ng lahat-lahat. Sino ang may gawa ng lahat ng iyan? Walang iba kundi ang demonyo, dahil ayaw ng demonyo na kilalanin ng tao ang DIYOS AMA.
Ang mga tao ay walang alam or kamalay-malay na ang mga kalamidad at mga di magandang nangyayari ngayon katulad na lang ng mga aksidente or mga hindi inaasahang mga pangyayari na marami ang nasaktan at namatay na ating nararanasan ngayon ay WARNING ng DIYOS AMA or paraan ng pagpapa-alala ng DIYOS AMA na Siya ang nag-iisang DIYOS na Makapangyarihan sa lahat na kayang controlin ang lahat-lahat at pwedeng mag-utos sa dagat, hangin at lupa.
Si JESUS ay hindi Diyos dahil sya ay Anak lang ng Diyos at iisa lang ang DIYOS, ang AMA.
Sabi ng DIYOS AMA na napakadali sa Kanya na itapon ang ating mga kaluluwa sa dagat-dagatang apoy sa Impyerno. Dahil an gating mga espiritu ay napakagaan at ito ay parang alikabok lang sa DIYOS AMA kapag itinapon Nya sa Impyerno.
Kaya atin ng kalimutan ang ating mga maling ginagawa na ating pinaniniwalaan na tama na sa tingin mo ay makatulong sayo para makabalik sa AMA, magbago na tayo kapatid. Magbasa ka ng Bibliya at sundan mo ang mga turo at isabuhay mo ang buhay ng Panginoong Jesukristo na ang tanging daan natin para makauwi sa AMA.
Hindi sapat na kilala mo lang si Jesus at alam mo ang buhay Nya, dapat ay gayahin mo ang buhay ni Jesus sa kanyang panahon na Sya ay nabubuhay na ini-alay ang kanyang buhay para paglingkuran at ipakilala ang DIYOS AMA dahil ito lang ang pinakatamang buhay na kinalugdan ng AMA.
0 comments :
Post a Comment