Saturday, May 23, 2015

Kasalanan tungkol sa Napakalaking Pagdadamot

Sinabi ng Panginoong Jesukristo na hindi ka makakapasok sa kaharian ng Diyos na Ama kapag hindi pa dalisay ang puso mo. Yung malinis na malinis ang puso mo. Na sinabi nii Jesus na iyong pintuan papasok sa langit ay maliit pa sa butas ng karayom. Dahil sabi nya kung ang puso mo ay maliwanag pero merong gahibla na parang buhok kaliit na itim. Ibig sabihin ay meron pang kasalanan or dumi sa puso mo, hinding-hindi ka pa makakapasok sa langit.

Ganito yan, kahit sinunod muna, hindi ka pumatay, hindi ka nagnakaw, hindi ka nanggahasa hindi ka namimintas, hindi ka nangungutang na hindi mo binabayaran, wala kang pinagdamutan, pero ganito lang. Meron kang lupa, sinasaka mo at para hindi ka malugi, hindi ka mafailure gagamitan mo ng chemical or fertilizer.

Ngayon ganito, pag namatay ka, dyan ka lilitisin. Ganito ang itatanong ng Diyos Ama sayo ganito "Hindi ka nga nagdamot, hindi ka nga nagnakaw, hindi ka pumatay, hindi ka nanggahasa, wala kang inapi na tao pero bakit sinira mo ang nilikha ko? Na hindi lang ikaw ang mamumuhay ngayon, meron pang susunod. Eh paano kung masira mo ngayon, iyong susunod, wala ng magagamit.

Anong kasalanan mo? napakalaking pagdadamot! binuhay mo lang ngayon ang lalamonan mo, yung sikmura mo talagang inuna mo lang, yung susunod hindi mo na tinirahan. Yan yun ngayon ang kasalanan mo. Dahil sinabi ng Diyos na Ama, yung nilikha nya alagaan natin at pakamabutihin dahil hindi lang tayo ang mamumuhay, meron pang susunod.

Kaya anong sinabi ni Jesus? "Malaking kasalanan, kunting kasalanan, maliit or marami ay pareholang na kasalanan.

0 comments :

Post a Comment