Sunday, May 17, 2015

Ang Kapaliwanagan sa Tinatawag na Original Sin

Sabi sa Katoliko iyong tinatawag na Original Sin na kasalanan ni Adan at ni Eva. Kung titingnan natin praktikal, ano ang original sin natin? Na nakikita natin at dala-dala pa rin natin ngayon? na dapat iyon ang tanggalin ngayon natin! Kasi sa dami ng leksyon na dumaan, yun ang dapat tanggalin natin.

Hindi iyong pag bininyagan tayo maalis na daw iyon, noong pinanganak talaga tayo wala talaga tayong kasalanan at malinis tayo. Yung mga bata pag namatay diretso yan sa langit, kirubin yan, kasi inosente pa at wala pang kasalanan. Tapos sabihin kapag binindisyonan ng pari at niloblob-loblob sa tubig naalis na daw ang original sin?

Sabi ng Diyos walang Original Sin ang bata, dahil dinadala ang kasalanan ni Adan at ni Eva. Ang dala na nila ay iyong paglaki na nila pareho nina Cain at Abel at Adan at Eva noong nagkaisip na sila. Na may isip na sila at ginagamit nila sa pag-iisip ng masama, sa pag-isip sa pagsuway, sa pagisip na mainggit sa kapwa. Oh di ba? Yun ang Original sin natin.

Kaya iyong pagbendisyon sa atin, iyong paglublub sa atin kung natanggal na talaga ang kasalanan natin, eh di sana wala na sana tayong kasalanan ngayon. Dapat wala ng inggitera, wala ng gumagawa ng kasalanan na mainggit sa kapwa. Di ba ang daming kasalanan dahil sa Inggit?

Ito na lang si Abel, pinatay ni Cain dahil sa sobrang inggit nya. So ito dapat ang matanggal sa atin ngayon, kasi sa dami ng binigay na leksyon sa atin ngayon, yun ang tanggalin natin. Dahil iyon ang magluklok sa atin at magdadala sa atin papunta sa Impyerno dahil sa paggawa ng kasalanan.

Hindi iyong hinugasan ka ng pari, niloblob ka sa tubig hindi iyon. Kasi sabi ng Ama wala kayong kasalanan noong pinanganak kayo, wala kayong minanang kasalanan, wala kayong kamuwang-muwang, wala kayong isip. Nagkasala lang kayo ng bumuo na sa isip nyo iyong kasalanan din ni Eva at ni Adan na pagsuway at ni Cain na pagkamainggitin or kapag alam mo na ang tama at mali.

Katulad ngayon ang tao na nagiisip kung paano nya malamangan ang kapwa, kung paano nya maisahan ang kapwa tao, kung paano hanggang sa makagawa sya ng masama na kahit makapatay sya kumita lang ng malaking pera, kahit sa masamang paraan gagawin.

Yan ang mga Original Sin dahil itong isip natin na marumi pa rin, yun ang mga original sin na dapat nating tanggalin. Ito pang isa, kahit hindi alam (importante ito na leksyon) dapat natutunan natin ito sa ating mga magulang. Kahit hindi alam ni Cain na iyong matanda doon na nakikita nila ay Diyos, na sinabi Nya na "Nasaan ang Kapatid Mo?" tapos pahalang na sinagot na "Bakit? taga tago ba ako ng kapatid ko?"

Paano magsagot sa matanda, kahit hindi mo magulang? Di ba dapat marespeto? At bakit tinanong ng Diyos kay Cain kung nasaan ang kapatid nya? Kasi alam ng Diyos may tinatago sya. Di ba ngayon kasalanan pa rin? Kasi kahit nahuli na tayo sa akto, gagawa ka pa rin ng paraan ng palusot! Ugali pa rin natin ito hanggang ngayon ito pa rin ang Original sin natin. Nahuli ka na sa akto, magpalusot ka pa kasi sangkatotak na sinungaling ka tapos nangdadamay ka pa ng iba hanggang sa dumami ang kasalanan mo.

Bakit di ka umamin sa kasalanan mo at maghingi ka ng sorry, mabilis kaya iyon. Pero bakit hindi mo magawa? dahil sa PRIDE! Anong PRIDE? kanino yan? PRIDE si Lucifier! Kaya hindi sya makaharap sa Diyos at humingi ng tawad para mabalik iyong pagmamahal at puso nya. So kung ganyan ka, sinong inaalagaan mo sa puso mo? di ba si Satanas pa rin?

Kaya remember kapag magsagot tayo sa matatanda ay magalang, mahinahon, itong tama at totoo. Bakit kailangan mo pang magpilosopo? Pagsumagot ng papilosopo, may tinatagong kasalanan yan, palusot yan. Kaya mas mabuti pang magsabi ka na lang ng totoo at wag kang magsinungaling.

Pero ang mga Anak ngayon, kung sumagot sa mga magulang parang sila ang nagpalaki sa magulang nila. At parang sila ang nagpapakain sa mga magulang nila. Yan na ngayon, sobra pa kesa noon ang mga ugali ng kabataan ngayon.

Kaya ngayon pinag-uusapan natin ito ngayon para maalis itong Original Sin sa atin. Dahil hindi pa rin maalis-alis ang Original Sin kaya sana kung magbendisyon-bendisyon ng tubig sa atin or di kaya paglublob ng tubig sa atin doon sa ilog or sa swimming pool? Sana kung natanggal na ang mga Original Sin na ito, wala na sana iyong mga paguugali natin ngayon! Ang babait na sana natin ngayon at puro pagmamahal at kapayapaan na ang sanlibutan! Kung iyong pagbibinyag na ginagawa na ritwal na iyon ay nakaalis ng Original Sin dapat walang nang nangyayaring di maganda, wala ng patayan, walang magnanakaw, wala ng lamangan, wala ng bakbakan, wala ng inggitan, wala ng tsismisan, wala na dapat ang mga ito.

Wala ng kabataan dapat na nilalabanan ang mga magulang, wala ng nawawasak na tahanan. Yun ang makaalis ng original sin, kaya pinapabasa sa atin ang Bibliya para maliwanagan tayo na ito dapat tanggalin natin.

Tayong mga tao ay magkakapatid dahil isa lang ang pinanggalingan natin at iyon ang Diyos Ama. Di ba sabi Nya, "Sa Akin kayo lahat nanggaling at inaantay ko na pagdating ng panahon ay sa akin din kayo babalik."

0 comments :

Post a Comment