Sunday, May 17, 2015

Ang Pinaka Unang Relihiyon noong Unang Panahon

May mga ilan-ilan ding nagtatanong kung ano daw ba ang Relihiyon ni Jesus at Juan Bautista. Si Jesukristo hindi Baptist, dahil iyon ang paniniwala ng mga Baptist dahil bininyagan si Juan Bautista. Hindi sya baptist, ano sya? Si Jesukristo at Juan Bautista ay iisa lang ang relihiyon.

Alam nyo kung ano ang unang relihiyon? Katoliko! Bakit?

Di ba nagbabasa kayo ng Bible? Narinig nyo na ba ito? Sa panahon ni Jesukristo, iyong templo na inabot Nya, iyon iyong templo na ipinatayo ni Solomon. Na ipinangako ng Ama kay David pero hindi iyon naipatayo ni David at si Solomon ang nakapatayo nyan ng templo na yan.

Ngayon, sino ang namamahala dyan sa templo? Pari o Pastor? di ba Pari? Ngayon sino ang mga pari na yan? Hindi ba yan iyong sa atin ngayon sa Simbahang katoliko sa panahon natin ngayon? Ito na ngayon! Bakit? Sa panahon ni Jesukristo, iyon pa rin iyong mga pari na namamahala sa templo. Sila mismo iyong nagpapatay kay Jesukristo, sila mismo iyong nagpahabol sa lahat ng mga Apostoles! Sila mismo iyong mga nagbawal noon.

Ngayon kung buhay si Juan Bautista, anong sinasabi ni Juan Bautista araw-araw na nasa ilog? "Na lumapit lahat ng tao para mabigyan ng tanda na ikaw ay kumikilala na sa Diyos na Ama sa pamamagitan ng paghugas ng iyong kasalanan doon sa may ilog, yung baptism na tinatawag.

Pagkatapos nyan anong bukang bibig nya? Bukang bibig nya lagi ay pinaparinggan nya iyong mga pari at saka mga eskriba na nandoon sa templo. "Na kayong mga mapagkunwari na nandoon kayo sa templo ngunit mula leeg hanggang talampakan puting-puti at dala-dala nyo pa ang mga kasulatan ng mga sinaunang propeta, pero lingid sa lahat kayo ay makasalanan!" Tama?

Yan ang bukang bibig lagi ng Juan Bautista, iyong pinapatutsadahan iyong mga sinabi ng pari. Ngayon noong namatay na si Juan Bautista, at si Jesukristo ang pumalit sa kanya at nagpatuloy, ano naman ngayon ang bukang bibig ni Jesukristo? di ba ganun pa rin?

Ito iyong sinasabi ni Jesus, "Kayong mga pari na namamahala dyan sa templo, mula leeg hanggang talampakan puting-puti ang damit nyo at kapag naglalakad kayo sa kalsada ay para kayong mga ipis na hindi nakakaihi at bitbit-bitbit nyo pa ang mga kasulatan ng mga unang propeta. Pero lingid sa lahat ay napakarami ng inyong kasalanan." Tama? Ganun pa rin sinasabi ni Jesus.

Ngayon tanungin ko kayo, Sino ang gumagabay kay Juan Bautista? kaninong Espiritu? sa demonyo or sa Ama? di ba sa Ama. Ngayon kung iyong Espiritu ng Ama ang gumagabay kay Juan Bautista, di ba ang Ama ang naguutos sa kanya na gawin iyon?

Sa panahon ni Jesukristo, sino ang naguutos sa kanya? sino ang gumagabay sa kanya? Ang Ama din di ba? Ngayon, anong ginagawa ni Juan Bautista at Jesukristo? hindi ba Nagpo-protista? Nagpoprotist dahil mali na iyong pamamalakad ng simbahan. Ngayon sinong nagutos sa kanilang dalawa? ang Ama! Anong Relihiyon ng Ama, ni Jesus at ni Juan Bautista? di ba Protestante?

Yung Father of all Protestant ay hindi si Martin Luther, may nauna pa sa kanya. Dahil si Martin Luther yan ang pinanggalingan ng lahat ng Evangelical dahil prinotista nya iyong pamamalakad ng Vatican noong 16th century.

Dahil doon sa Vatican, merong mga madre na nabubuntis ng pari, merong mga pari na Genocide, mga bading! Yan iyong sinambulat ni Martin Luther pero lingid sa lahat yung kanyang balak, iyong isip nya nagrerebelde dahil isa syang German. Ngayon iyong mga ninonominate na mga Papa, kasagaran halos lahat mga Italyano. Kaya matagal sya na merong kimkim sa puso kaya lumabas sya.

Isang paraan din iyon para malaman ng sangkataohan kung ano ang laman ng Vatican. Pero dahil dala-dala nya iyong galit na iyon, ay hindi pa rin successful ang kanyang paglabas. Dahil sya mismo ay kinain din ng "Pera."

Kaya lahat ng nasa ilalim nya sa kataohan nya ay nakita din iyong "Pera" kaya nanganak ng nanganak ang Evangelical. Pati nga iyong Baptist nahati pa, iyong Pentecostal ang dami, ang Born Again ang dami din at iba pa dahil pa rin sa "Pera" Tama? Kaya yan sinabi ni Jesus sa paparating na walang relihiyon ang makakaligtas, dahil relihiyon mismo ay demonyo. Tama? "Pastor! kung hindi nanghihipo ay nanggagahasa pa. Pari, hindi lang nanghihipo nanggagahasa pa!". Kaya kami sa Almighty ayaw naming tinatawag kami na pastor or pari kundi Brother or Sister lang.

Dahil si Jesus anong pakilala ni Jesus? hindi ba Kapatid lang? Ano ba ang pakilala ng mga Apostoles? Pastor ba? Pari ba? Kapatid din ang pakilala nila dahil binababa nila ang sarili nila.

Pero pag Pastor, mapagmataas! Ah pastor ako! Nakalagay yan sa Bibliya na kung ikaw ay may maraming alam sa salita ng Diyos, kung maaari sana ay ibaba mo ang sarili mo. Para iyong mga tao sa paligid ay hindi masilipan.

Pero ano ang kasagaran? Pastor pa, paglabas ng sasakyan ang yabang na! ang pananalita ang yabang! Tama? Pinadala ba si Jesus para mamuhay sa pera? oh mamuhay kasama ang mga mahihirap at tumutulong sa mga nangangailangan? Pero anong ginagawa ng Pastor? namumuhay para sa Pera!

Kaya nga ang simbahan na may Tithes and Offering ay hindi yan sa Diyos, yung pinaninindigan na "Malachi". Sino ba ang nauna, si Jesus or si Malachi? Nauna si Malachi di ba? at huling dumating si Jesus at tinuwid lahat iyon ni Jesus.

Ano ba ang pinaka-alay kapag nagsimba ka? di ba dapat iyong sarili mo? Yung mga kasalanan mo ay isuko mo sa Diyos na Ama at paguwi mo ay hindi ka na gagawa ng kasalanan, yun ang alay.

Kahit pagsimba mo, kahit isang sakong pera ang ilagay mo doon sa altar at paguwi mo tigre pa rin iyong ugali mo, parang leon na bagong kapapanganak, wala kang kapitbahay, wala kang kapatid tapos sabihin mo maka-Diyos ka? Dahil sako-sakong pera ang ibinigay mo? hindi natuwa ang Diyos dyan.

Kaya nga sinabi ng Panginoong Jesukristo, sa pagbabalik nya malalaman sya sa kung anong katangian nya noong nabubuhay sya. Sa palagay nyo hindi na sya babalik? o babalik pa?

Bumalik na kaya ang Panginoong Jesukristo? Oh antayin mo pa na mabiyak ang langit? Mabibiyak kaya ang langit? maabutan mo kaya ang pagbiyak ng langit? Yan lagi ang nasa isip ng mga Born Again na aantayin daw nila ang pagbiyak ng langit. Dahil muli daw bababa ang Panginoon. Ikaw naniniwala ka rin na ganun?

Doctrina lang yan ng Born Again! Lahat ng Evangelical, lahat ng Born Again ay iisang Doctrina lang yan na inaantay ang pagbabalik ng Panginoon na bibiyak ang langit. Gusto mong malaman ang pagbabalik ng Panginoong Jesukristo? Isabuhay mo ang buhay Nya at wag mo ng antayin ang pagbiyak ng langit, isabuhay mo ang buhay Nya at doon bumalik na Sya sayo. Tama?

Dahil gusto ni Jesus ay manahan sa atin, pero sino ba iyong nagrerefuse? sino ba iyong nagrereject? tayo mismo! Noon pa gusto ni Jesus na manahan sa atin pero anong ginagawa natin? patuloy na gumagawa ng kasalanan, puro lang pagmamahal sa sarili, puro materyal!

Yung mga Apostoles bumalik na sa kanila si Jesus kasi isinabuhay na nila si Jesus. Kaya nga sinabi ni Pablo na habang sya ay nabubuhay, ay isasabuhay nya ang buhay ng Panginoon at ginagawa nya ang ginagawa ng Panginoon. Sabi ni Pablo, hindi na ako ang namumuhay sa sarili ko, kundi ang Panginoon na. Tama?

Kaya nga sinabi din ni Pablo na hindi na sya natatakot mamatay, dahil sa patuloy nyang ipinapalaganap kung ano ang dating ipinalaganap ng Panginoong Jesukristo ay dyan sya mabibigyan ng Buhay na Walang Hanggan. Dahil para sa Ama kung tayo ay makasalanan pa, tayo ay mga Buhay na Patay! Buhay ka nga pero Patay ka sa Ama dahil makasalanan ka. Dahil ang taong makasalanan, ay para kang naglalakad patungong Impyerno.

0 comments :

Post a Comment