Ang Mensahe ng Diyos Ama ngayong Year 2015 sa mga tao na alalahanin natin ang Kanyang unang ginawa na nakasulat sa Genesis ng Bibliya ang "LIWANAG". Yan ang unang ginawa ng Diyos Ama.
Sa bawat unang araw ng bagong taon ay kahalintulad ng magsimulang lumikha ang Diyos Ama. Ito ay pinapaalala sa atin na dapat nating tandaan bawat taon. Na magkaroon din sa atin ng kaliwanagan sa ating buhay. Ibig sabihin na bawat New Year ay panibagong pasasalamat na naman sa napakagandang biyaya sa atin na binigay ng Diyos Ama.
Ang biyayang ito na dapat nating pasalamatan sa Diyos Ama na nadagdagan na naman ng panibagong taon ang ating mga buhay. Dapat nating pagnilaynilayan at suriin ang mga sarili nating buhay, ang pagtanggal sa mga mali nating ginagawa at mga kaugalian at mamuhay sa katuwiran at kabanalan sa New Year.
Ganito dapat ang mga talakayin ng mga nagtuturo at mga taong nagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos kahit anong relihiyon ka pa or kumonidad ka nabibilang para balang araw ay makabalik tayo sa Diyos Ama.
Kung ano man ang meron tayo ngayon yun ay galing sa Diyos Ama, katulad ng ating buhay, lakas, talento, magandang hitsura, success, kayamanan, mga mahal sa buhay at iba pa.
Ang gusto ng Diyos Ama ay wag lang nating syang pasalamatan sa mga biyayang binigay Nya sa atin, kundi gamitin natin ang mga biyayang ito para magbalik naman tayo ng para sa Kanya. Ibig sabihin ay dapat gumawa tayo ng mabuti at kaaya-aya sa Kanyang mga mata sa pamamagitan ng paggamit mo sa talento mo na binigay saiyo ng Diyos Ama para palaganapin ang kanyang mga Salita.
Gamitin natin ang ating mga karunungan sa pagbabasa at pagintindi sa mga Salita ng Diyos sa Bibliya sa tulong ng Banal na Espiritu Santo.
Gamitin natin ang ating magandang at kaakit-akit na boses para ipalaganap ang mga Salita ng Diyos para yung iba ay makakilala din sa Diyos Ama.
Gamitin natin ang ating mga malalakas na binti sa paglalakad at pagbisita sa mga kaibigan or kamaganak, mga may sakit at mga nangangailangan at share mo sa kanila ang mga Salita ng Diyos.
Gamitin natin ang ating mga bahay bilang lugar ng pagpupuri sa Diyos Ama kung saan ang mga kaibigan mo at kamag-anak at magtipon-tipon kayo para mag Bible Study or Bible Sharing.
Gamitin natin ang ating mga kotse or sasakyan sa pagpunta sa mga mission para palaganapin ang Banal na Kasulatan at mga Mensahe ng Diyos Ama.
Gamitin natin ang ating mga kamay sa pangga-gamot ng mga may sakit sa kapangyarihan ng Diyos Ama sa pamamagitan ng paghilot at kung ano ano pang mga talento meron ka na galing sa Diyos Ama na dapat nating gamitin para sa Kanya.
Dahil kung magdecide ang Diyos Ama na kunin na sayo ang mga talentong binigay nya Sayo dahil hindi mo naman ginagamit sa mabuti ay may magagawa ka ba? Kung gumising tayo sa umaga na hindi na tayo makatayo or makalakad, hindi na rin makakita or makapagsalita or hindi na rin magising pa, paano mo na gagamitin pa iyong mga talentong binigay sayo ng Diyos? Talagang pagsisisihan mo ng sobra-sobra!
Ang Diyos Ama na Tagapaglikha mismo ay nagpapakita bawat Bagong Taon dahil Sya ang Liwanag. Pero paano sya sinasalubong ng mga tao? Sa pamamagitan ng pagiging abala sa paghanda ng mga masasarap na pagkain, countdown ng mga maiingay na banda, inuman, paputok or putok ng baril at iba pa. Itong mga pinaggagawa ba ng mga tao ay katuroan ng Diyos Ama? Ito ba iyong ating paraan ng pagsalubong sa Diyos Ama na may likha ng lahat at ang totoong hukom?
Alalahanin mo kapatid, Sya ang dating Diyos na nagparusa sa mga tao noong panahon ni Noah, Sodom and Gomorrah, Pharoah of Egypt, sa panahon ni Moises, ang nagdala ng gyera sa Israel kaya namatay ang mga hari at iba pa.
Kaya nga maraming aksidente ang nangyayari kapag New Year dahil sa mga maling kaugalian, maling paniniwala, maling pamamaraan na hindi naman katuroan ng Diyos Ama at hindi tama.
Kaya ito ay hamon ng The Holy and Sacred Almighty God our Father sa lahat ng mga ministro, mga pari, mga pastor at kung sino-sino pang mga leader na nagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos na gabayan ang kanilang mga tagasunod na magbago talaga at sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bibliya sa tulong ng Banal na Espiritu Santo.
0 comments :
Post a Comment