Masasabi lang daw natin na wala tayong kasalanan kung nandoon na tayo sa langit at nakaupo sa tabi ng Ama. Kaya habang buhay pa tayo ay may kasalanan pa tayo.
Sino ang pamilya natin? Ang Diyos na Ama ang pinaka Ama natin at ang mga kasamahan natin sa Ama ang mga kapatid at pamilya natin. Kasi iisa ang paniwala at sinusunod natin kaya walang gulo at mapayapa.
Tama ang nakasulat sa Bibliya na ang pagdating ni Jesus ay parang apoy dahil ang tao ay nagkaroon ng iba't-ibang paniwala at pananampalataya. Kaya kahit sa pamilya ay nagkagulo at nagkawatak-watak. Tahimik kung ang pamilya ay sa iisang paniwala at pananampalataya.
Bakit ka natatakot mamatay? Pinakita ni Jesus na tinanggap nya ang pinakamasakit at mahirap na kamatayan! Alam nyang ito ang paraan para makauwi sya sa Ama! Kaya naisasabuhay ba natin ang buhay ni Jesus?
Halos lahat ay pupunta sa Impyerno! ang mga taong isinasabuhay lang ang buhay ni Hesukristo ang makakauwi sa langit. Lahat ng namatay sa hospital at umiinom ng gamot ay sa Impyerno rin ang punta dahil di lubos ang paniniwala sa Ama. Dahil kung naniniwala ka Diyos na Ama, sa pamamagitan ng dasal mo sa kanya at pagbabago sa sarili mo ay gagaling ka na at hindi sa gamot or hospital.
Ang ating Diyos na Ama ay pinapahintulotan din na marinig sa Impyerno ang mga mensahe nya na pinapalaganap sa pamamagitan ng kanyang mensahero. Kaya laking panghinayang ng mga espiritu sa Impyerno na di nagbago at binalewala ang mga pulong kaya napunta sa impyerno.
Sino ang ating Diyos? Ang Diyos na Ama or ang ating Sarili? Kadamihan ng tao ang diyos nila ay ang sarili nila kasi di nila sinusunod ang mga kautusan ng Ama, kung di ang sarili nilang mga kagustohan na mga Gawain na bulong ng masama.
Kung yong inaalagaan mong numero sa lotto ay lumabas sa jackpot at di mo natayaan, sobrang panghinayang mo. Kung may nagustuhan kang bilhin na bagay at napag-ipunan mo at nang gusto mo ng bilhin ay nabili na pala ng iba, grabeng panghinayang mo.
Sabi ng Ama, kung nasa Kanya ka na at iniwan mo Sya at namatay ka, yan ang pinakamalaking panghinayangan natin kasi di tayo makauwi sa Kanya sa langit kung saan may buhay na masaya na walang hanggan!
0 comments :
Post a Comment