Thursday, May 21, 2015

Mensahe Para sa mga Taong may Birthday

Kapag Nag Birthday ka, dapat hindi dumadagdag ang edad mo sa katawan mo. Hindi Dumadagdag sa Edad mo, kundi yung Birthday mo dumadagdag sa espiritu mo. Pagdumadagdag ang Birthday mo sa Espiritu mo, ibig sabihin mas lalong lumalawak at humahaba ang ating mga pang-unawa lalong lalo na sa spiritual.

Ibig sabihin kada Birthday mo, dapat "MERON KANG IIWAN NA KASALANAN", meron kang itutuwid sa sarili mo. Pero kung nag birthday ka ng 60 years pero wala ka pang nabago sa sarili mo, example mainitin pa rin ulo mo, palamura ka pa rin, ang dami mo pa ring bisyo, pangit pa rin ang ugali mo, ibig sabihin ay matanda ka na pero bata pa ang isip mo.

Hindi umuurong ang iyong espiritu. Kaya kung matanda ka na at nagmumura ka pa rin, mainitin pa rin ulo mo, ang dami mo pa ring bisyo, pangit pa rin ang ugali mo ay "PARA KA LANG BATA NA WALANG ISIP". Kasi ang bata ay walang isip eh. Kaya kahit ano na lang ang papasok sa isip ay gawin.

Pero kung matanda ka na at hindi mo pa rin tinitingnan ang mga sinasabi mo, ang lumalabas sa bunganga mo ay ikaw ang matandang bata. Matanda ang katawan pero ang isip ay bata.

0 comments :

Post a Comment