Jan. 17, 2015 Pulong sa Kapilya, dumating 3 lalaking pamangkin ni Nono, sina Bebot, Richard at Lapido. Sina Bebot ay 8 magkapatid. Nakatapos sila lahat ng kolehiyo at may mga magandang kabuhayan. Patay na ang mga magulang nila at 2 kapatid na lalaki sa sakit na kakaiba. Umiikot ang ulo nila at lalawit ang dila pareho ng kuhol hanggang sa manghina sila dahil napapatid na mga ugat sa leeg.
Si Bebot ang sunod na naging biktima pero nadala sya ng Tiyo nyang si Nono sa Kapilya at nakinig ng Pulong. Dati nakahiga na lang si Bebot at mahina na. Ngayon malakas na sya at di na umiikot ang leeg. Kasama sya magmisyon sa iba't-ibang lugar at kaya nyang umakyat sa mga bundok. Masaya na si Bebot sa normal nyang buhay.
Yong mga kapatid nya sa ibang bansa ay gustong ipa doctor talaga si Bebot pero ayaw ni Bebot. Sinabihan na sila ni Jet na dapat silang magkapatid ay maniwala sa Ama kasi kung di magbago mga kapatid nila, silang 3 lalaki ay madanasan ang sakit.
Kaya umuwi itong kapatid nilang si Richard galing sa Dubai dahil di nya mapigilan ang dila nya sa paglawit at paglaway pero kung hawakan ng daliri nya, kusang papasok sa bunganga nya. Grabeng sakit at pigil nya pero di nya mapigilan.
Nakinig silang tatlong magkapatid ng Pulong. Nagpaiwan pa sila pagkatapos ng Pulong. Patuloy pang nag Pulong si Jet sa kanila at hinilot sya ni Toto. Nanigas na mga ugat nya sa likod at leeg sa kaiinom ng mga gamot.
Naawa sa kanya si Jet na patuloy pa ring lumalawit ang dila nya at hirap na hirap sya sa pagpigil. Hiniling ni Jet sa Ama na tulungan si Richard para matigil na ang paglawit ng dila nya. Ipinakita ng Ama kay Jet ang dapat gawin. Pinapikit si Richard, pinagsisi ng mga kasalanan nya at pinapisil sa kanya mula sa ilalim ng tenga nya pababa sa panga habang nagdadasal sa Ama. Napansin na lang ng lahat na tumigil na ang paglawit ng dila ni Richard. Sobrang pasalamat nila sa Ama!
Ang magandang buhay natin di natin ipagpalit sa Diyos. Pinipili pa rin natin ang ating akalang totoo at pinapaniwalaang kaligayahan sa sanlibutan.
Sabi ni Kristo, kahit anong yaman, sikat o kapangyarihan mo, wala ring patutunguhan lahat mga yan at di mo na mapakinabangan. Di kayang bilhin ang langit. Ang patutunguhan ng lahat ay kamatayan.
Kung di tayo nagkaroon ng sakit o mga pagsubok, di tayo nakarating sa Almighty. Kaya kahit mamatay tayo dahil nalampasan na ang mga pagsubok, makabalik tayo sa Ama. Ang importante ay makauwi tayo sa Ama kasi lahat mamatay din.
Ang buhay at kapangyarihan ng Pharaoh ng Egypt. Kung di pa dumating ang pinakamabigat na parusa sa kanya na namatay ang anak nyang lalaki, di pa sumunod sa Diyos na pawalan mga Israelites. Kasi meron din syang pinapaniwalaang Diyos. May nagawa? Ang monasteryo ng mga mongha. Pag maganda ang anak mo sabihan ka ng na Espanyol na pari na papasukin mo sa monasteryo para maglingkod sa Diyos at mabendisyonan ang pamilya nyo. Yon pala nireregalo lang sila sa mga bisitang opisyal o mga kapariang mga Espanyol. Nakakulong lang sila doon at kung bisitahin ng mga pamilya nila, kamay lang ang puedeng makita kasi marami silang pasa sa katawan at buntis pa ang iba. Di rin sila puedeng magsumbong kasi binabantayan sila at lalo silang saktan. Kaya umiiyak na lang sila na akala ng mga magulang ay nalulongkot lang.
Mga nanakop na Spanish priests ay di totoong mga pari.
Ang makapagaling ay ang salita o Pulonh ng Diyos kasi ang salita o Pulong ay Diyos. Hindi kung ano pang seremonya o ritwal. Pareho sa pamilya ni Bebot na dapat maniwala sila lahat sa Ama para gumaling sila at di na mapunta ang sakit hanggang sa mga anak nila. Kasi binabalewala nila ang Pulong ng Ama kasi maganda ang mga kalagayan nila.
Kapatid ni Lelec na seaman na ayaw ring maniwala sa Ama noon ay grabe na ang kalagayan ngayon; may sakit, iniwanan ng asawa at anak, di na maka trabaho... miserable sya!
Si Nanay Kayo na Tiya ni Nong Jessie, na dating di rin naniniwala sa Pulong ng Ama na may anak na si Benjie na grabe na ang sakit at gina dialysis na. Naubos na ang mga kabuhayan nila at baon na sila sa utang. Suko na nga si Jessie sa pagkumbinsi sa kanila na ilapit sa Almighty si Benjie para gumaling at di na sila magastusan. Mahirap kumbinsihin si Nanay Kayo kasi matapang at resonable.
Noong walang-wala na sila dahil magastos and magpa dialysis at sumusuka at tumatai na ng dugo si Benjie, napilitan silang pumunta sa Kapilya ng Almighty. Sa pakikinig lang nila ng Pulong at paghingi ng patawad, umige ang pakiramdam ni Benjie. Mula noon, di na nagpapa dialysis si Benjie kaya gumaling at umayos na ang katawan mula nong nasa Almighty na sila. Pasalamat sila kay Jet - pero sabi ni Jet, dapat sa Ama magpasalamat kasi hindi sya Diyos at walang kapangyarihan.
Si Benjie na dating gina dialysis ay di man lang nangingitim. Kung sinunod nila ang doctor na hindi hintuan ang dialysis, seguro matagal ng namatay si Benjie. Si Nanay Kayo ngayon ay malumanay na kung magsalita at lahat ay ipinauubaya na lang sa Diyos Ama.
Nong nag grabe si Jessie at dinala ng mga kapati at Nanay nya sa hospital, hindi mabisita ng mga kasamahan nating taga Almighty kasi galit ang kapatid nya. Si Nanay Kayo ang nagbisita kay Jessie at sya ang naga Pulong kay Jessie na kahit anong mangyari, huwag talaga humiwalay si Jessie sa Ama. Namatay si Jessie na mahigpit ang hawak sa kamay ni Nanay Kayo.
Sayang na ang mga tao ay makipagsiksikan para makahalik sa kamay ng Papa pero pag-uwi sa bahay ganon pa rin ang ugali. Bakit pag nakahalik ka sa kamay ng Papa, napatawad ka na at makauwi ka na sa langit?
Sa ngayon maganda pa ang kalagayan mo kasi lahat ng bendisyon ng kabutihan ay binigay ng Ama pero wala ka pa ring ibinabalik sa Kanya, kaya sa sususond lahat ng bendisyon ng parusa ay ibibigay Nya sa yo. At kaya ka matagal gumaling kasi ang lahat ng kabutihan mo ay ubos na. Dapat maglagay o gumawa ka ng kabutihan para gumaling ka. Ang kalooban ay nasa Ama lang kung kaylan ka pagalingin!
Kahit di ka na nagadasal bago kumain at nagpapasalamat pagkatapos kumain kung wala kang ginagawang masama, di magalit ang Diyos sa yo kasi nakikita ng Ama ang puso mo na malinis. Pero kahit anong dasal mo kung ang gawain mo ay masama at di mo pinakikilala ang Ama at ikinahihiya mo pa, bale wala ka sa Ama.
Kahit di naniniwala ang mga tao kung nagpupulong ka sa kanila, natutuwa ang Ama sa iyo. Si Jesus dati di rin naniniwala ang mga tao pero hindi sya tumigil sa pag Pulong, patuloy pa rin sya sa pag Pulong.
Ang 1st at 2nd covenant ay tapos na pero di nila pinapaubaya ang sarili nila sa Diyos at ang gusto pa rin nila at sariling kakayahan ang nasusunod.
Tayo ngayon ay nasa 3rd covenant na at inaasa natin ang buhay natin sa Diyos at isinasabuhay at pinaniniwalaan natin ang salita at pagmamahal ng Ama kaya nagbago na tayo at gumaling na mga sakit natin.
Dapat nalampasan na natin ang mga nakasulat sa Bibliya kasi naisabuhay na natin ang mga salita don. Nakapasok at nakalabas na tayo sa Bibliya.
Kaya kahit di na natin basahin ang Bibliya pareho nong ibang sekta na sobrang paniwala at respeto sa Bibliya na dyan na lang sila nakatutok kasi wala na silang mensahe galing sa Ama, ang importante ay isinasabuhay na natin ito at ipinahahayag na natin ito sa ibang tao.
Sabi ng Ama, ipikit mo ang mata mo at ibuka ang bibig kasi Ako ang magsalita sa yo. Kaya di na dapat basahin ang Bibliya kasi ang Ama na ang nagsasalita.
Dapat panatilihin natin ang mabuting gawain natin kasi nalampasan na natin lahat ng pagsubok at hirap. Sa mundo ang naghahari ay demonyo kasi kadamihan ng tao ang isinasabuhay ay sa demonyo.
Sa langit ang naghahari ay ang Ama!
Kung may bahay ka at may mga hayop ka pareho ng manok, mahal mo ang mga anak nya na sisiw. Kaya lang tumatai sa loob ng bahay kahit itaboy mo. Ano ang dapat mong gawin? Ikulong? - tatakas din. Kung paluin mo baka mapilay at di na lumaki o baka mamatay pa. Pero balikan mo ang buhay ng nanay nya. Di ba di na sya pasaway kasi malaki na?
Ganyan din tayong mga magulang. Anong disiplina ang gawin natin sa ating mga anak kasi kulang pa sila sa pag-iisip? Pag lumaki na sila, sila ay maging mabuti at mapakinabangan na.
Pero pag malaki na ang mga anak mo at di mo nadisiplina, yan ang maging kasalanan mo. Kaya antayin ang mga bata na lumaki at maka intindi na para masabihan. Hwag mo rin isisi ang kasalanan ng mga bata sa ibang tao. Kasi mahal mo nga ang manok, anak mo pa? At mahal din ng Ama ang anak natin.
Madaling pasunurin ang mga bata pati sa paniwala nila. Palakihin sa wastong pagmamahal ang mga bata. Habang maliliit pa, alalayan at gabayan sila kung ano ang tama at mali sa pangungusap lang at pagbigay ng halimbawa sa mga salita at kilos natin. At dapat ikaw na may wastong isip na ang dapat sundin. Hwag sanayin ang mga bata na ang gusto nila ang masunod kahit mali kasi paano mo pa sila mapasunod paglaki nila. Kaya nga ang mga bata ay idinaan sa mga magulang para sila ang magpalaki at magturo o gumabay sa mga anak nila.Palakihin ang mga anak natin na maka Diyos.
0 comments :
Post a Comment