Tuesday, May 26, 2015

Mensahe para sa mga Magnanakaw ng Simbahan

Ang Ama ni Jesus ay Ama din natin ang ALMIGHTY FATHER na nagpadala kay Jesus sa lupa at ang bumuhay kay jesus noong syay pinatay at sya din ang nagpabalik kay jesus sa langit. At para sa mga nagsasabi na Diyos daw ang magbabago sa atin, koreksyon po na mas maganda na tayo na mga tao ang magbago sa ating mga sarili.

Kasi kng ang ALMIGHTY FATHER lang ang masusunod, gusto nya walang tao na sumusuway sa kanya o gumagawa ng kasalanan, pero dahil tao ang masusunod sa sarili nya kasi noong panahon ni Adan at Eva ang FREE WILL ng tao ay ibinigay ng ALMIGHTY FATHER sa kanila dahil yung gusto nila ang sinunod nila kaya tuloy sumuway sila sa AMA.

Kaya kapatid sa pamamagitan natin, kaya natin himukin ang mga makasalanang tao na magbago dahil ang patotoo dyan ang mga apostol, silay mga tao pero sa pamamagitan nila na silay nagpalaganap ng mga salita ng ALMIGHTY FATHER ay maraming tao ang nagbago at ang iba nga naging apostol din.

Ngayon hindi bat ang tao ay may kakayahan din na magpabago ng kanyang kapwa tulad ng mga apostol dahil sinimulan ni Jesus ang gawain na iyan dahil sya ay tao at ang Diyos ay isa lng ang AMA SA LANGIT.

Baka ang sinasabi mo na ang Diyos lang may kakayahan magpabago sa tao ay yaong mga tao na pinahintulutan ng AMA na magkaroon ng mga sakit na walang kagalingan, problema, paghihirap, at kapahamakan dahil sa pamamagitan nyan ang tao tatawag o manghihingi ng tulong sa Diyos o magmamakaawa.

Pero bakit meron namang mga tao na kahit hindi dinatnan ng mga hindi magandang pangyayari sa buhay pero kusa silang nagbago at nangyari yun ng makarinig sila ng totoong salita ng DIYOS AMA na may kasamang milagro at mga himala.

At kapatid kung Diyos nyo si Jesus, bakit hindi nyo sinusunod ang buhay nya noong syay nabubuhay ay nagpapalaganap ng mga salita ng AMA at hindi kanyang salita? Bakit hindi sya nanghihingi ng pera sa mga tao na ang iba nga ay kanya pang pinagaling sa mga sakit lalong lalo na sa mga mahihirap? Pero bakit ngayon ang mga simbahan ay nanghihingi ng pera sa member at bukambibig pa nila ay pag hindi ka nagbigay sa Diyos ng pera o ng mga harvest mo ay ninanakawan mo ang Diyos at hindi ka maliligtas.

Hindi bat parang kabaliktaran ang ginagawa ng mga simbahan? Alam mo ang totoong magnanakaw ay yaong taong makasalanan, ibig sabihin nagnanakaw sya na gumawa ng kasalanan na ang buong akala nya ay hindi nakikita ng DIYOS AMA. At sa mga simbahanan meron ding magnanakaw na hindi halata na nagnanakaw at yun ang mga pastor na habang hinihingian ng pera at kung anung pwedeng pakinabang sa sarili nila na magmumula sa mga member nila, kailangan pa nya gamitin ang pangalan ng Diyos o ni Jesus para matakot ang tao para magbigay ng pera.

Ang kanyang pantakot ay yung kaligtasan ng kaluluwa na kung hindi ka magbigay pera o kunti lng binibigay mo ay hindi ka i-bless ng Diyos. Ay naku lumang tugtugin na iyan at yan na ang mga sistema sa simbahan. Ang mga legal na magnanakaw at extortionist ay ang mga pastor at mga pari at ang samahan nyo ay pasok dyan kahit hindi mo sabihin pasok kayo dyan dahil nanghihingi ng pera sa mga member kahit mga dukha at isang kahig isang tuka.

Kaya ang mga member hindi sinusunod ang buhay ni Jesus na noong syay nabubuhay, na kahit syay laging gutom pero di nya ginamit salita ng AMA para sa kanyang sariling tiyan. Pero tingnan mo ang milagro sa kanya, kahit hindi nya sabihin na syay nagugutom o nauuhaw o sa madaling salita meron mga tao na kusa nagbibigay sa kanya ng pgkain kahit hndi sya nanghingi o nagsasabi na syay nagugutom.

Pero sa mga sa simbahan nyo ang mga pastor nyo lagi nagpaparinig na dapat bigyan sila dahil sila ay nagpapalaganap ng Salita ng Diyos. At ang inyong pakunsensya sa mga member nila na nakasalalay sa kanila ang kaligtasan mo kasi sila daw ang nagpepreach sa inyo, kaya ang simbahan nyo ay pasok talaga dyan.

Sana dumating ang araw na ang inyong mga pastor ay makunsensya din at mahiya kay Jesus na inyong Diyos sa laman kasi kayo ay namumuhay pa sa laman.

Hindi si Jesus ang nagbigay sa atin ng katawan at kaluluwa, kung balikan mo ang Genesis kapatid, baka ganito ibig mo sabihin at iparating na magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan sa langit sa kaharian ng AMA o ALMIGHTY FATHER kung sundin mo or gayahin mo ang buhay ni jesus kung paano sya namuhay noon at nagpalaganap ng Salita ng Ama na sya ang nag iisang anak ng AMA.

Nung panahon ni Jesus at kahit sa simula ng buhay sa sanlibutan dahil sya lang ang hindi sumusuway sa AMA dahil sya ang pinadala ng AMA para ang buhay nya ang maging huwaran ibig sabihin isabuhay natin buhay nya para maging anak din tayo ng AMA. Dahil pinadala si Jesus para bawiin tayo sa demonyo, dahil kung hindi mo isinasabuhay si Jesus, ang mga gawain at asal mo ay sa demonyo kaya para mabawi ng AMA ang mga tao na makasalanan ay ipinadala nya si Jesus para turuan ni Jesus ang mga tao na mamuhay sa kalooban ng DIYOS AMA at hindi sa kalooban ng tao at ang mga aral na iyan ay sa Ama at hindi kay Jesus ginamit lang nang Ama c Jesus para maiparating nya sa mga tao ang mensahe para sa kaligtasan ng kaluluwa nating lahat.

Kapatid sa tingin ko hingil sa mga sinasabi mo na di mo kayang sundin ang buhay ni Jesus, eh di parang sinabi mo na rin na hindi mo kayang iligtas ang sarili mo. Kasi sinabi ni Jesus sa kanyang mga apostol na “makakasunod lng kayo akin sa kaharian ng aking AMA kung tatahakin nyo or susundin nyo ang buhay ko o ipagpatuloy nyo ag mga gawain ko.” At diba ang gawain na iyon ay ang pagpapalaganap nang salita na walang byad.

Hndi bat ang liwanag na para tayo ay maligtas at makamtan natin buhay na walang hanggan sa langit ay kailangan natin sundin at isabuhay ang buhay ni jesus na ating kapatid pero para sainyo sya ay diyos. Sige hndi na big deal kung anu ang turing natin kay Jesus, pero itry nyo na isabuhay ang buhay nya dahil yan ang bilin ni Jesus noong syay nabubuhay pa para maligtas ang kaluluwa mo kapatid at sana sa pamamagitan mo may magbago din na mga mkasalanan at sana hindi madagdagan ang mga sosyal at mga hambog.

Ng lalangin ng DIYOS AMA ang sanlibutan, wala pa dyan si Jesus kundu ang kasama ng AMA dyan ay mga anghel, pero hndi mo rin yan paniwalaan kasi hndi ka pa nakakakita nyan kasi to see is to believe kayo.

Hndi naman sinabi ni Jesus na sya ay Diyos, ang sinabi nya sya ay pinadala nang DIYOS AMA. Kinikilala namin si Jesus bilang kristo na ibig sabihin ay pinadala at ang nagpadala o sumugo sa kanya ang totoo at makapngyarihang DYOS AMA at yun ang nag iisang Diyos. At ang buhay ni Jesus ang aming sinisikap na masunod or masundan at totoo kapatid ang DIYOS AMA matagal na nya tayo pinatawad dahil sya ay mapagmahal at walang katapusan ang kanyang pag ibig sa atin at alam mo kung sino ang hindi nagpapatawad sa atin o sa mga sarili ntin? tayo mismo ang hindi nagpapatawad sa ating mga sarili kasi patuloy tayo na gumagawa ng kasalanan na alam nman natin na mali at mgkakasala tayo.

Pero subukan mo iwasan na hindi ka na magkakasala dahil sa pamamagitan nyan napatawad mo na mismo mga sarili mo at dahil napipigilan mo na gumawa kasalanan maging masaya na sa iyo ang AMA kasi kaya mo na hindi matukso sa kasalanan at ibig sabihin marunong ka nang magpakumbaba sa AMA.

0 comments :

Post a Comment