Wednesday, May 20, 2015

Instrumento Ba ng Diyos ang mga Gamot at Doctor?

Kung leader po kayo ng spiritual dapat isinasabuhay mo ang spiritual. At kung isinasabuhay mo ang spiritual ay sa Diyos mo isinasandal ang sarili mo lahat-lahat. Yung katawan mo, yung kaluluwa mo, lahat-lahat sa kanya mo isandal, sa kanya mo ipanalig.

At Kung spiritual leaders po kayo ay malapit ka po sa Diyos! Kung malapit po kayo sa Diyos, gagabayan ka...sasamahan ka ng Diyos. Pero bakit kung nagkakasakit po kayo ay Doctor ang gumagamot sa inyo?

Kaya nga kung maka Diyos ka na po dapat hindi ka na natatakot di po ba? Dahil inialay mo na ang buhay mo sa Kanya di ba? At kung ano man ang magiging kalooban Nya ay tanggap mo na di po ba?

Pero bakit kayo po na mga spiritual leaders ay umiinom ng gamot? Para saan po ba ang gamot kung may sakit? para hindi mamatay di po ba? Oh di kabuangan at kasinungalingan po! Sabi nyo hindi kayo natatakot sa Diyos dahil maka-Diyos kayo tapos umiinom kayo ng gamot?

At sa palagay nyo po ba ang binili nyong gamot ay tulong ng doctor yan? Hindi tulong ng doctor yan dahil binili mo yan kaya hindi yan tulong. Yung tulong yung binigay sayo ng kusa.

Yung pumunta ka sa hospital at humiga ka doon ng ilang gabi, binayaran mo or hindi? Binayaran mo di ba? so ibig sabihin ay tinulungan ka ng doctor at tinulongan mo rin ang doctor! So walang tinulong sayo dahil nagbalik ka rin, nagbayad ka.

Pero sa Diyos na Ama, may ibabalik ka ba sa Kanya na material? Pwede ba na sabihin mo sa doctor na "Doc, pagalingin mo ako at pagkatapos nito ay hindi na ako maglalasing" tatanggapin kaya yan ng doctor bilang bayad? Punta ka sa botika, meron kang resita at wala kang pera at sabihin mo "bigyan nyo po ako ng ganito" tapos noong mabigyan ka na sabi mo "hindi na po ako magmumura". Sa tingin mo paaalisin ka kaya kung yan ang bayad mo na hindi ka na magmumura?

Anong usapan lagi dyan? Pera! Kaya ang doctor ay hindi ipinadala ng Diyos para tumulong kundi para magkapera!

Sa panahon ni Jesukristo may gamot na pero hindi nya iminumungkahi or hindi nya itinuturo sa mga tao na uminom ng gamot. Maniwala ka? Hindi sayo sinabi ng pari na sa panahon ni Jesus may gamot na? Kc sa panahon ni Abraham pumunta sya sa Egypt, ang Egypt ay mayaman na! Ang Egypt ay nagpapractice na noong embalsamo na tinatawag.

Gaano kalayo yan sa panahon ni Abraham? Sa panahon mismo ni Moises sa Egypt mismo meron na silang mga pag-aaral tungkol sa mga sakit ng tao. Dahil iyong hari pag magkasakit or masama ang pakiramdam ay marami syang mga gumagamot sa kanya. May mga dahon na dyan na dinudurog na pinapainom or pinapahid na sinasapal sa panahon yan ni Moises.

So sa panahon ni Moises hanggang sa Kings ang tagal. Ilang generation na kaya yan? So sa panahon ng Israel natapos na yung kings, sinakop sila ng Aserians, Persians, Babylonians, Greek saka Romans.

Bago pa dumating ang mga Romans sa Israel, marami na silang mga pag-aaral sa katawan ng tao. May mga gamot-gamot na sila sa mga sugat, yang mga powder na yan. At dinala nila yan doon sa Israel at mismo yang mga Babilonians noong araw meron ng mga gamot-gamot.

Pero dumating si Jesus, may mga tao na may sakit pero sinabi nya ba na uminom ng gamot? Wala syang sinabi at anong sinabi ni Jesus sa mga taong may sakit na gusto gumaling? "Para gumaling ka, Lumuhod ka at Ihingi mo ng Tawad sa Ama ang mga Kasalanan mo at Wag mo ng Uulitin pa"

Kaya sa panahon natin ngayon, kahit walang gamot ay gagaling ka. Kaya nga hindi sinabi ng pari noh? na sa panahon ni Jesus may gamot na dahil sila mismo wala ring alam. Dahil ang ibang pari ay basa na lang ng basa yan, bakit? Dahil iyong nagturo sa kanila mismo ay wala ring alam. Yung ibang pari tumanda na at namatay na ay wala ring alam.

Ang nananalig sa Diyos sasamahan ng Diyos, so nakikita mo ba ang Diyos? Hindi? Nahahawakan mo ba? Hindi rin? So manalig ka!

So ang gamot nahahawakan mo at nakikita mo kaya nananalig ka. Ang Diyos hindi mo nakikita, hindi mo rin nakakausap at nanalig ka rin pero alanganin. Kumpara sa gamot na nakikita mo at nahahawakan mo kaya lubos kang nananalig sa gamot dahil nahawakan mo, nilunok mo at naramdaman mo pa.

Pero ang kapangyarihan ng Diyos hindi mo nakikita, hindi mo rin Sya nakikita at hindi nakakausap at hindi nahahawakan. Kaya ang pananalig mo ay hindi gaano at medya-medya lang.

Noong ginawa ba ng Diyos ang sanlibutan meron bang tao na nakakita? Wala di ba? At kung tatanungin kita kung naniniwala ka ba ang Diyos ang may likha ng sanlibutan? Ang sasabihin mo ay Oo din di po ba? Ibig sabihin ay naniniwala tayo na Diyos ang may likha, pero sa Kanyang kapangyarihan at salita ay mas pinaniniwalaan natin ang gamot dahil nahahawakan natin at nakikita.

Pero sino ba ang gumawa ng gamot? Tao di ba? At yung gumawa ng gamot nakikita natin at nahahawakan, pero yung gumawa ng sanlibutan at sa atin at sa mga doctor na gumawa ng gamot nakikita ba natin? hindi di ba? nahahawakan ba natin? hindi rin pero naniniwala tayo ng Siya ang may likha.

Pero pagdating sa sakit mo, kalahati-kalahati lang. Mas paniwalaan mo muna ito, kalahati sa gamot at kalahati sa Diyos. Kaya kapag namatay ka, baka sabihin din ng Diyos na Ama "kalahati ka lang din muna, dyan ka muna sa gitna. Ito yung langit, ito yung impyerno at sa gitna ay purgotoryo. Dahil kalahati ang paniniwala mo sa kanya, kaya kalahatika lang din at dyan ka muna sa purgatoryo.

Kaya kami dito sa THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER ay hindi umiinom ng gamot at hindi nagpapahospital.

0 comments :

Post a Comment