Ang Spiritual Idolatry ay ito yung, Wala ka ngang rebulto, wala ka ngang imahe pero iyong pinapahalagahan mo sa buhay mo pera, lahat ng kayamanan mo, magandang bahay, sasakyan, matangos mong ilong, makinis mong kutis, etc.
Natawa kami doon sa sinabi ni Mike Villarde ganito sabi nya: "Sabi ni lord, Mike nagkakasakit ka na, pumunta ka sa Doctor at pagagalingin kita"
At gumaling daw sya ang at ang sabi nya: "Salamat sa panginoon at pinagaling nya ako" Parang nakakatawa di ba? hindi ba dapat Salamat sa Doctor sinabi nya? Dahil pinagaling sya ni Doc?
Kaya magtataka ka, yan ba iyong Leader ng Spiritual? hindi ka leader ng spiritual dahil kung leader ka ng spiritual dapat isinasabuhay mo ang Spiritual. At kung isinasabuhay mo ang Spiritual dapat sa Diyos mo isinasandal ang sarili mo lahat-lahat. Yung katawan mo, yung kaluluwa mo, lahat sa Kanya mo isandal, sa Kanya mo ipanalig. Kung sa Diyos na Ama nila ipinanalig ang buhay nila pero bakit may Bodyguard?
Yung buong buhay ba nila ipinanalig sa Diyos na Ama ba? kasi kung sa Diyos na Ama ba bakit merong mga Bodyguard? tama? Sinong spiritual leader ang walang bodyguard? Lahat! katulad ng Ibang religion, kung magsalita sila nasa kanila ang Diyos, nananalig sa Diyos. Pero bakit may Bodyguard? at saka bakit may baril? kung totoong sa Diyos nananalig.
Yan ang matinding katanungan. Lahat ng Spiritual leader bakit umiinom ng gamot? Kung spiritual leader ka dapat malapit ka sa Diyos. Kung malapit ka sa Diyos dapat ginagabayan ka, sinasamahan ka, tinutulungan ka.
Bakit kung nagkakasakit sila ay Doctor ang tumutulong sa kanila? So hindi sila spiritual leaders, kundi medical leaders sila.
Kung maka Diyos ka na, hindi ka na dapat natatakot dahil inialay mo na ang buhay mo sa Kanya. di ba? At kung ano man ang magiging kalooban Nya ay tanggapin mo. Pero bakit yang mga Spiritual Leaders na yan lahat ng relihiyon bakit umiinom ng gamot? Para saan ang gamot ng may may sakit? para hindi mamatay! Oh di kabuangan at kasinungalingan! Sabi nila hindi sila natatakot sa Diyos dahil maka-Diyos sila tapos umiinom ng gamot?
0 comments :
Post a Comment