Kung Mahal natin ang ating Misis, Kung Mahal natin ang ating Mister, Di ba Mas Mahal natin ang Diyos? May mga Mister na Sinasabi nilang Mahal nila ang kanilang Asawa, pero hindi nila Mahal ang Diyos, hindi bat Kasinungalingan? May mga Mister na sabi nila Mahal nila ang Diyos pero hindi nila Mahal ang kanilang Asawa Hindi bat Kasinungalingan?
Dahil sabi ng Diyos na Ama "kung mahal mo Ako na Diyos mo, Ikaw lalake mahalin mo ang misis mo, mahalin mo ang sarili mo. Bakit sinabi na Mahalin mo ang misis mo? Pag Mahal mo ang Misis mo, di bat parang mahal mo na rin sarili mo?
Dahil lahat ng sasabihin mo sa kabutihan, sasalungatin mo ba or susundin mo? Susundin mo di ba? Meron bang Asawa na sya mismo ang magtulak sa kanyang mister na magpakasama? Halos Wala, halos lahat ng mga babae ay gusto na mapabuti ang kanilang buhay.
Pero saan ba nagigiba ang pamumuhay ng Mag-asawa? Una nyan kapag mahina ang pundasyon, sino ang pondasyon? Di ba ang Ama? Sa mga lalake, dapat yan ang tingnan. Tayo ang lakas ng mga babae kaya tayo ang pondasyon kaya pakaingatan.
0 comments :
Post a Comment