Thursday, July 16, 2015

Mensahe ng Diyos na Ama sa mga Pulitiko

Ang "Pagnanakaw" sa Ibang tao ay katumbas ng Pagpatay mo sa isang Tao para ka lang Mabuhay katulad ng mga Pulitiko. Na yang mga Pulitiko na yan ay Sobra-sobra ang Ginagawa, Nagpapatay sila ng tao para lang Masunod ang mga LUHO nila. Kaya nga sila nangungurakot dahil sa mga luho nila.

Iyong mga Pulitiko at mga Pulis ay galit na galit sa mga Magnanakaw na nagnakaw dahil walang makain or walang pampagamot sa anak na may sakit, samantalang sila ay nagnakaw dahil sa mga Luho nila.

Anong Ginagawa sa mga mahihirap na Nagnakaw? minsan diretso pinapatay pa, sinasalvage or kinukulong at hindi na binibigyan pa ng hustisya. Nagnakaw sila para sa pagkain or sa maliit na halaga.

Pero ang Gobyerno natin nagnakaw sa malaking halaga para hindi sa pagkain lang kundi para sa LUHO lang, at binabaliwala lang at hindi napapasurasahan.

Pero pag sa DIYOS NA AMA, antayin mo, kung hindi ka naparusahan dito sa lupa, doon sa kabilang buhay ay parurusahan ka. Kung sabihin mo na ikaw ay Judge, ikaw ay Congressman, ikaw Pulis ka or Pulitiko ka at dahil sa mayaman ka kaya kahit may kasalanan ka dito sa lupa at natatakpan at hindi ka napaparusahan at hindi ka nagdudusa.

Mali ka! pagdating ng araw ay haharap ka sa Pinakamataas na Huwes, haharap ka sa pinakamataas na Pulitiko at haharap ka sa Pinakamataas na Korte, haharap ka sa harapan ng DIYOS na AMA. At doon ay hindi uubra ang katalinohan mo, hindi uubra ang pera mo doon, hindi uubra ang mga goons mo doon.

Sabihin mo ay DIYOS NA AMA ako pala si Congressman, tapos sabihin naman ng DIYOS NA AMA, Ako pala ang DIYOS NA AMA may ari ng sanlibutan at ng buhay mo. Anong pinagmamay-arian mo? Baka sabihin mo ay iyong magagarang bahay ko at baka sabihin ng AMA at nandoon ka na sa Kanyang harapan at naguusap kayo at tinuro mo iyong bahay mo tapos sa isang pitik lang ng AMA ay tinamaan ng kidlat ang bahay mo at nasunog patay lahat ng pamilya mo. Tapos sabihin ng DIYOS NA AMA, saan pa yung bahay mo?

So mayroon ba tayong ipagmayabang sa harapan ng Diyos? WALA! Kaya kung sa lupa nalulusotan mo, sa harapan ng Diyos hindi ka makakalusot!

Kaya mas mabuti pa iyong magnanakaw or holdaper na nahuli at nakulong at namatay sa loob ng kulungan at nagbago at nakapagsisi kaysa mga Pulitiko na namatay na walang pagbabago noong nabubuhay pa sila.

0 comments :

Post a Comment