Sunday, July 12, 2015

Sino ba ang Nagpapatay kay Jesukristo?

Ang nagpapatay kay jesus ay ang mga elders and high priest of israel atsaka mga pariseo at ang roman empire at pati na rin mga taga israel na hndi naniniwala kay jesus na sya ay kristo o pinadala ng Ama bilang cordero na syang tutubos ng lahat ng kasalanan. Sa pamamagitan ng kanyang buhay na ipapakita sa atin na atin namang sundin.

Baluktot na paniniwala yaong maliligtas tayo dahil pinako c jesus sa krus at dumaloy ang dalisay na dugo at yan daw ang nagligtas sa atin.

Hindi yan ang makakaligtas sa atin dahil kung yan ang nag alis ng kasalanan sa sanlibutan bakit hanggang ngayon sa panahon natin andaming krimen na nangyayari eh kng natubos na ni jesus eh di sana wala nang mkasalanan ngayon.

Ang evaluation dyan ganito ipinakita sa atin ni jesus ang buhay na kaayaya o katanggap tanggap sa Dyos Ama at yun ang buhay nya na dapat nating sundin at kung nasunod mo ibig sabihin natubos ka sa mga kasalanan at sa pamamagitan ng buhay ni jesus na isinabuhay mo.

Pero kung hindi ka nagbabago, hindi ka pa rin natutubos sa mga kasalanan kaya sa panahon natin ngayon laganap pa rin ang kasamaan dahil andaming tao na hindi pa rin natutubos sa mga kasalanan na pasalin salin lang.

Kasi ang paniniwala nila ng silay nabinyagan at tinanggap si jesus na dyos at savior, kampante na sila sa araw araw na gumawa ng kasalanan kasi sabi nila ligtas na tayo eh kasi pinako c jesus sa krus at dumaloy ang kanyang dugo na dalisay.

Kaya baluktot na paniniwala yan at sa araw araw sila ay madamot, mga sosyal, hindi nagpapatawad may mga sama ng loob, sila ay nagtotolerate sa mga kasalanan ng mga anak at mga kapatid at magulang.

Kaya nakaka-awa ang mga taong naniniwala na silay ligtas na samantalang hindi naman nila isinasabuhay ang buhay ni jesus na banal at sagrado at ang iba nman ginawa pa syang dyos na dapat ang Diyos Ama lang at si jesus ay ating kapatid at sya ay isang kristo o ipinadala.

0 comments :

Post a Comment