Wednesday, July 29, 2015

Mensahe sa Araw ng Paghuhukom sa Mundo

Magandang araw mga kapatid, sa aming paniniwala sa The Holy and Sacred Almighty God Our Father ay ganito po pagdating ng araw ng pghuhukom bago po mangyari yaong pagkasira ng buong mundo ay posibleng mangyari iyong nangyari kay ELIAS na syay kinuha ng DYOS AMA sa pamamagitan ng nag aapoy na karwahe galing sa langit at sa ibang propeta na namatay sa katandaan o yung iba may mga sakit bago namatay.

Iyan lahat ay kalooban ng AMA kung paanu nya babawiin ang mga hiram nating buhay at sya ang nakakaalam, pero alam natin na pagdating ng araw ng paghuhukom ang bababa sa langit ay hindi c jesus kundi ang DYOS AMA at ang araw na iyan ay katapusan na nang sanlibutan.

Pero bago mangyari yan maraming gyera ang mangyayari bansa laban sa bansa at maraming mga malalaking kalamidad at kahit saang dako ng daigdig may patayan may nanggagahasa at darating pa sa punto na sa sobrang tag gutom pati laman ng tao ay kakainin na ng kapwa tao para mabuhay lng (Tag-gutom)

At maraming malalakas na lindol at ang ibang mga lugar ay babalik sa tubig at hanggang sa mangyari na ang religious war na pandaigdigan. Pero bago mangyari ang mga ganyan mangyayari muna sa mga malalaking sekta or simbahan ang same sex marriage at dyan na manginginig sa galit ang AMA at papahintulutan na nya ang mga kasamaan na maghari sa lupa at syang magpaparusa sa mga tao na yumakap mismo sa pagiging makasalanan.

At ang tanong kung kailan babalik c JESUKRISTO? matagal nang bumalik c jesus noon pa sa pagkatao ni pablo, hindi nyo namalayan ng sinabi nya na kailangan nya matapos ang karera nya kasi darating araw ay kakatayin din sya. At sinabi nya na noong simula na tinanggap nya ang paglilingkod sa panginoon ay hndi na sya ang namumuhay sa kanyang katawan kundi ang panginoong jesus na.

Bakit? dahil ang ugaling saulo ay iniwan na nya at ang buhay ng panginoon ang isinasabuhay nya kaya sabi ni pablo bumalik sa kanya ang panginoon. Kaya isa lng ibig sabihin wag na tayo mag antay sa pagbalik ni Jesus na bababa sa pagbiyak ng langit at hindi mangyayari yan.

Pero kung talikdan mo mga masamang ugali, mga bisyo at mga pagkakasala mo at isabuhay mo buhay ni jesus, diyan kapatid dumating na c jesus sa buhay mo at sa pamamagitan nyan gagabayan ka ng DIYOS AMA.

At sa araw araw gumawa ka lang ng mga mabubuti sa kapwa at wag mo na balikan ang mga pagkakasala mo para pagdating ng araw na para sa AMA karapatdapat ka na sa kanyang kaharian at magugulat ka na lng na nandun ka na.

At sinabi mismo ni Jesus na ang dumadating sa araw araw sa buhay natin ay wag natin pagkaabalahan o pansinin kundi gumawa ka nang gumawa ng mga mabubuti sa kapwa para matuwa sa atin ang AMA.

At ang tungkol sa mga pagwawakas ng sanlibutan, wag tayo matakot kasi mismo c jesus sinabi nya na wag kakatakutan ang kamatayan dahil kung hindi ka mamamatay di ka makapasok sa langit at kung san ka abutan ng mga paghuhukom wag na daw tumakbo kung sa bukid ka man o sa bubong ng bahay mo ng mangyari ang mga paghuhukom wag ka daw tumakbo kasi kung oras mo ay oras mo na tlga dahil walang mkakapigil sa kalooban ng AMA.

At kung hndi pa nangyari mga paghuhukom at namatay ka na ikaw ay nahusgahan na rin kung ikaw ba ay sa langit o impyerno. Kaya sa amin sa THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER di kmi natatakot sa mga darating na hndi kanaisnais sa ating paligid kasi lahat inialay na nmin sa AMA

0 comments :

Post a Comment