Wednesday, July 29, 2015

Mensahe para sa mga Kumikilala sa Diyos Ama

Sa matagal na panahon ang laging bukang bibig mo ay Diyos na Ama, ay nagbago na ako dahil sa Diyos na Ama, ay gumaling ako dahil sa Diyos na Ama, ay nawala ang mga bisyo ko dahil sa Diyos na Ama.

Pero dumating ang araw na bumalik ang mga bisyo mo, bumalik ang mga hindi maganda sayo na mga paguugali, sino kaya ang napahiya? Ang Diyos na Ama ang napahiya. Dahil sasabihin ng ibang tao na ay peke naman pala ang kinikilala nya. Ngayon, sino ang pinapakilala mo? di ba Diyos na Ama? Kaya wag ng balikan pa ang mga mali sa sarili natin.

Proteksyonan natin ang Banal at Sagradong pangalan ng Diyos na Ama, wag nating payagan sa mga paguugali natin na dahil lang sa ating mga pride ay magiba ang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos na Ama.

Ang ipinagkatiwala sa atin ng Diyos na Ama ay ang kanyang mga pulong, ang kanyang pagka Diyos, ang kanyang mga milagro at ang kanyang kapangyarihan.

0 comments :

Post a Comment