Mga kapatid, hindi nyo ba napapansin na bawat isa sa inyo ay may mga katwiran kung panu nyo ipaglaban ang mga talata na kinuha nyo mismo sa bibliya at ang katunggali nyo din ay may kukunin ding talata at ikakatwiran nya rin sa kanyang talata na hndi rin sya papatalo at kayo ganun din.
Ibig sabihin ang bibliya ay mali at hindi matuwid kasi may kabaluktutan, kasi parehong salita na galing sa bibliya pero bakit hindi magkatugma sa isat-isa. Bakit nagkokontrahan ang mismong salita ng AMA?
Bakit kaya? kasi kung hindi nyo napapansin yan ay isinulat ng hindi isang tao lamang o propeta o mga apostol na mangangaral kundi marami ang nagsulat. At di nyo ba napapansin na ang iba ang isinulat o naisulat ay pansariling adhikain na lng o kanilang self evaluation sa kanilang pananampalataya sa Diyos noong araw?
Nung sa kapanahonan nila o iyong iba ay talagang idinikta ng Dyos sa kanla at sure ba tlaga tayo na lahat nang ibinulong sa kanila, na kanila nmang isinulat ay talagang galing sa DYOS AMA o di kaya nabulungan ng masamang espirito?
Kaya ang masasabi ko sa ating lahat sana magkaisa ang lahat ng tao dahil ipinadala c jesus ng AMA para ang sangkatauhan ay maging isa at hndi magkawatakwatak lalo na sa pananampalataya.
Kaya sana sa pamamagitan ng salita ng AMA tayo ay mamulat at matuto tayong magpakumbaba, wag mo ipagmayabang na marami kang alam na talata sa bibliya kasi wala rin kwenta yan udi mo isinasabuhay at wala kang pananalig.
Marami ka ngang alam na talata o halos alam mo lahat, pero marami kang kaaway at mga sama ng loob sa iyong kapwa at ikaw ay namumuhay pa sa kasosyalan at pagmamahal sa mga materyal at sakim ka pa sa pera at at gusto mo lagi kasiyahan.
Para matuwa ang DIYOS AMA sa atin, tanggalin muna natin mga kasalanan natin mula pinakamaliit hanggang pinakamalaki kasi nakakahiya sa AMA sa langit mga pinag gagawa ntin na akala natin di nya nakikita. Ang akla kasi natin ay ang DIYOS ay parang tulad lang ng tao na kayang mauto at kaya nating lokohin, dun tayo nagkakamali kasi di pa tayo naipanganak alam na nya ang magiging buhay natin at pati kinabukasan natin.
0 comments :
Post a Comment