Ang tao ba na sumusunod sa mga kalooban ng DYOS AMA ay dapat bang magalit o maawa sa demonyo?tanong kng magalit ka ba sa demonyo anu mangyayari?mgbabago ba ang demonyo kung pagalitan mo?
At pag nagagalit ka ba hindi bat pati ang paghinga mo ay sumisikip unti unti at sasakit ulo mo so all in all wala kang mapapala. Pero kung kaawaan mo ang demonyo sa kanyang mga ginagawa, ikaw ba ay maging demonyo rin tulad nya? di bat hndi.
Pero kung magalit ka rin dahil may ginawa syang masama hindi ba't parang tulad ka na rin nya na pinamamahayan ng poot galit na kalaunay sa kasamaan ka hahantung.
At hindi mo namamalayan na una mahinahon ka pa ang mga talata mo ay maayos pa, kalaunay ngmumura ka na sa galit dahil parang naungusan ka na ng katunggali mo sa pagpapahayag ng salita ng AMA na di nyo alintana na ang puso nyo na pinamamahayan ng pag ibig ay ngayon ang lumalabas ay puro galit at paghihiganti lng kasi may mga tao na kahit sa salita lng ay kailangan di sila patatalo.
Kaya iyan mga kapatid kung demonyo ang sumusubaybay sa isang leader ng simbahan, kailangan ba nating manggalaiti sa galit para magbago sya at hindi maganda na pakinggan sa langit na pagalitan natin at sigawan ang mga demonyo.
Hindi kaya parang naging katulad na rin natin ang sinisigawan natin? kaawaan mo ang demonyo kasi ibig sabihin nagpapatawad ka at wala kang galit at sa mga tao na gumagawa mga kasalanan, magpatawad tayo at ang mga kaaway natin mas mahalin natin ibig sabihin unawain pero hndi tayo sasama sa kasamaan nila kundi ipakita natin sa kanla ang kabutihan para sila gumawa rin kabutihan.
0 comments :
Post a Comment