Monday, December 7, 2015

Mensahe kung Ikaw ay Hindi Paniwalaan ng Tao

Good Evening mga kapatid wag tayo maghusga kahit kanino sa ating kapwa kung ang kanyang ginagawa ay masama at kasamaan, ipagdasal natin sya sa The Holy and Sacred Almighty God Our Father na sana mahipo ang kanyang puso at kung hindi man sya makinig sa mga payo at paalala natin at ng iba pa para sya maituwid sana tayo mismo na nagpapayo sa knya wag lamunin ng sama at galit sa ating mga puso.

Kasi kung tayo mismo ay nilamon ng mga poot galit wala tayong pinag iba sa ipinagbibintang natin sa knya na syay masama kaya ang pinakamainam kung ayaw makinig sa iyo ng isang kaluluwa na pilit mong itinatama hayaan mo na lang baka balang araw magising din sya sa kanyang mga kamalian at ang ating gawin ay suriin natin ng maayos ang ating mga sarili mismo na kung tayo ay nasa landas nga ba ng totoong pagbabago at pagsasabuhay ng buhay ng panginoong jesus.

At kung ang lahat ng galit sa ating mga puso ba ay nailabas na at napalitan na ng totoong pag ibig at pagpapatawad sa ating mga kapwa kasi ang masama nyan kung ang iba ay pilit nating nililinis tapos tayo ay marumi pa dapat unahin muna natin linisin mga sarili natin at ialay natin ang leader ng relihiyon sa DYOS AMA na patuloy pa rin sa paggawa ng mga lihim na kasalanan.

Kung sa pamamagitan nya ipinadala sya ng AMA para sukatin ang ating pasensya sa mga pinag gagawa nya sana hndi tayo madaig ng galit kundi patawarin natin sya at kng anu man ang kabutihan na naibigay nya o naitulong sa kapwa natin ay pasalamatan natin kng anu iyong mga masama na ginawa nya wag natin ikasiya kundi ating ipagdasal na sana magbago sya at maituwid balang araw kng may kabaluktutan man sa mga aral na itinuturo nya basta ang mahalaga wag tayo maghusga at maghukom dahil tanging ang DYOS AMA lng ang may karapatan sa lahat.

Tama po walang tao na may karapatan maghusga lalo nat kung ang gagamitin mo ay ang salita o kapakanan ng DYOS, pero kung ang mga salita na ipinupukol natin ay mga salita ni jesus noon hindi tayo ang nanghuhusga kasi ang salita mismo ng AMA ang humuhusga sa mga taong baluktot at namumuhay sa kabalbalan at nagpaparaya na silay gamitin ng mga masasamang espirito.

Pero sa panahon nang ating guro na c jesus hndi sya nadadaig ng galit at poot sa kanyang puso kng mabitawan nya man ang mga salita na nanggagaling sa AMA iyon ay galit ang kanyang tinig pero hndi sya nagtatanim ng galit kaya tama ang ginawa nya sa panahon natin ngayon wag natin pasukin ang bahay na nasusunog kng ang apoy ay malaki na kasi masusunog tayo ang nangyayari sa mga religious leader ay ganyan parang apoy na hndi na kayang apulahin nagyon kng pilitin mo na pasukin yan baka pati ikaw ay masunog pa ibig sabihin baka sa kakasabi mo sa knya na sya mgbago dahil syay masama baka di mo napansin na pinamahayan ka na ng galit at poot at sabay na kayo na naagaw at nadaig ng masamang espirito.

Kaya ang pinakamainam pag malaki na ang sunog at wla tayong ibang maitulong mainam pa na ipagdasal natin sa AMA na sana kaawaan nya ang may ari ng bahay na sana ibagsak ng AMA ang ulan para mamatay ang apoy ganyan din gawin natin ipagdasal natin sa AMA na kaawaan nya ang mga religious leader na io na sana ipagkaloob nya ang tamang landas sa taong iyan na itinuring natin na bahay na nasusunog at kailangan maapula at ang pag apula ay nasa kamay na nang DYOS AMA wla sa atin.

Kasi tao lng tayo sa panahon nga mismo ng ating guro na c jesus sya nga mismo hndi pinaniwalaan at sinunod ng mga taong baluktot na pilit din nyang binabago may nangyari ba sa pagpipilit walang nangyari kundi ipinapatay pa ang guro kaya pinakamainam ialay natin sa AMA.

0 comments :

Post a Comment