Alam nyo ba kung ano ang kaharian ng tinutukoy sa talinghaga ng mustasa? dahil may tinutukoy ito, sino kaya iyon?
Tayo ang kaharian ng Diyos na sinasabi na parang buto ng mustasa na maliit sya na buto na pag naitanim mo ay pwede syang lumaki, lumago, mamunga sya at sumilong ang mga ibon ng langit.
Kaya tayo ang kaharian ng Diyos at kung ihahambing tayo galing doon sa langit. Siguro iyon ang paghahambing dahil kung totoosin ang isang tao katulad natin ihambing mo sa buong sanlibutan ay napakaliit natin. Pero kung lumago ka, iyong pananampalataya mo sa Ama, yung pananalig mo sa Ama ay lumago ng lumago at dumami ng dumami ang mga taong nanampalataya sa Diyos na Ama ay para kang isang napakalaking puno na maraming bunga. Ibig sabihin ay maraming makakakain, madaming makasilong ibig sabihin ay ang daming matutulungan dahil nagtutulungan.
Tayo ang kaharian ng Diyos na ihihahambing kung tayo ay nagbabago na. Pero kung tayo ay hindi pa nagbabago, tayong mga tao ay kaharian ng ano??? kaharian ng demonyo. Pero noong tayo ay nagbago na, naimprove na, iyong buto ng mustasa ay lumaki at dumami na, namunga at lumago, sumilong iyong mga hayop doon tayo ay nagbago na
Kaya kung nagbago na tayo, marami na tayong maaakay at iyong kaharian ng Diyos ay lumago. Kaya iyong mustasa na inihahambing ay tayong mga tao, dahil hindi naman iyong mustasa ang dadalhin sa langit.
Kaya tama talaga na kung tayo ay hindi pa nangbabago talaga, hindi pa natin inaalis ang mga bisyo, mga hindi magandang asal at paguugali natin, tayong mga tao ang kaharian ng demonyo. Kaya nasa atin na kung sino ang gusto nating maghari sa ating mga sarili, ang Diyos na Ama ba or si Lucifer.
0 comments :
Post a Comment