Sunday, January 31, 2016

Kapaliwanagan sa talinghaga tungkol sa Pampaalsa

Bakit babae ang binanggit na binaon sa harina? Hinalo at saka umalsa. Dahil ang katotohanan ay babae ang nagdadala ng anak. Ibig sabihin ay babae talaga ang unang magtuturo ng mabuting asal sa mga bata. Dahil ang nakakasama lagi ng mga bata ay iyong nanay. Dahil kapag ang tatay may trabaho sa bukid, hapon na uuwi yan. At pag nagopisina ang tatay, gabi na umuuwi kaya iyong kasama ng bata maghapon ay iyong nanay. At kung nag-abroad ang tatay, nanay pa rin ang nakakasama. Kaya halo nakasalalay sa nanay ang kabutihang asal na pwedeng dalhin ng bata paglaki.

Kaya itong talinghaga ng lebadura ay nabanggit ay babae dahil malaki pala ang papel ng babae sa paghubog ng kagandahang asal ng isang bata. At balang araw ay magiging mama, at balang araw pwedeng magiging magnanakaw, pwedeng maging kriminalat at pwede ring maging tagapagpalaganap ng mga Salita ng Diyos. Meron namang mga Nanay ang nagtatrabaho at tatay ang nasa bahay pero in literal kasi ang gusto talaga ng Diyos na Ama ay lalake talaga ang maghanap buhay dahil ang nanay talaga ang dapat nasa bahay. Paguwi ng tatay kung ano ang pwede nya na maitulong, tulong sya.

Pero merong ibang tatay na paguwi punta sa barkada, inom, panggugulo, lasing at gawaing addict yun! Yung mga barkada na nagmomotor-motor, mga riders kaya yan tuloy nadapa at sabog iyong mukha! Iyon ay dahil hindi iginugol ang panahon sa pamilya at ginugugol lang sa pansariling kaligayahan.

Gusto talagang ibalik ng Diyos na Ama iyong normal lang, iyong dati lang. Kaya nga sinabi ng Diyos na Ama na ibalik nya sa normal. Anong hinahagilap ng mga tao kapag wala ng mga delata at wala ng pagkain? Di ba kahit iyong mga kamoteng kahoy na lang iyong kakainin katulad na lang iyong nangyari sa compostella valley na yung bunga na lang ng Niyog ang biyakin para kainin. Kaya yan ang gusto ng Diyos na Ama na sana ibalik ang pamumuhay ng tao sa simple lang, payak lang at hindi iyong maluho.

Tingnan mo dyan sa Metro Manila puro lahat dyan luho. Mga babae nag-aasam na makapag-asawa ng mayaman na lalake kahit na may mga asawa na or kahit kabit na lang para matustosan na lang iyong kanilang luho. Na gagayin din na magkaroon ng cellphone na magagara, mamahalin, at makabili ng sasakyan bahala ng kabit basta makabili ng sasakyan. Bahala ng kabit basta makabili lang ng mga mamahaling damit! Bahala ng kabit basta lingo-linggo nakakakain sa mga magagarang restaurant. Kaya yan, luho sa luho!

Kaya naman iyong mga misis ng mga mayayaman na iyon ay naku! parang sasabog ang ulo sa problema sa kanyang mister dahil lahat ng magagandang babae ay para sa kanya ay bulaklak na mabango na mabango dahil iyong mister ay maperang-mapera.

Bakit? Magkasama naman sila ng mister nya na magpayaman! dati hindi naman sila mayaman. Kasama sila ng misis nya na nagpayaman, kuripot sila, minamaltrato nila ang kanilang mga tauhan kaya yumaman sila ng yumaman kaya iyong mister nya ay nademonyo sa pera dahil hindi na alam kung saan gugugolin ang pera. Kaya yun! tumubo sa kanya iyong hilig ni Satanas na nambabae! Kaya iyon, iyong misis mismo ang problemado.

Kaya sabi ng misis “buti pa noong araw noong kami ay mahirap” dahil pati iyong mga anak nila na dating matino ay naging addict lahat, naging pakawala lahat dahil sa kanilang kayamanan. Kaya sabi noong mga magulang ay “buti pa noong araw noong tayo ay nasa simple lang na pamumuhay at hindi tayo mayaman dahil ngayon ay hindi na kayang awatin” Tama?

Kaya yan sana ang gustong ibalik ng Diyos na Ama na iyong nanay lang talaga ang magpalaki sa anak at yung tatay ay magtatrabaho. Trabaho sa bukid or kung saang trabaho na humuhugot sila ng pangaraw-araw na sakto lang sa pangangailangan.

Pero anong nangyari? Dahil iyong tao talagang sakim! gusto nya sobra-sobra. Kaya huhugotin nya iyong kahit sa iba na at hindi na kanya. Kasi ang sa kanya ay long-term preparation sa pangangailangan ng kanyang pangaraw-araw. Kaya kailangan nyang manggulang or manlamang, kinakailangan nyang lokohin ang iba, at hindi nya pala namamalayan at napapansin na iyon pala ay magdudulot ng kapahamakan sa kanya balang araw.

Dahil pagdumami ang pera mo, madaming hihingiin ang mga anak mo sayo at dyan na mauubos ang panahon mo dahil marami ka ng negosyo at hindi mo na ngayon nababantayan ang anak mga anak mo. Yung mga anak mo pala Addict na! yung mga anak mo pala nandoon na lagi sa mga nightlife iyong mga prostitute, yung mga anak mo pala kumakain na ng damo (marijuana), yung mga anak mo pala laging sumasama sa mga bading at tomboy. Kung wala sana yang pera na yan hindi sana mangyayari yan. Kaya yan ang gusto ng Diyos na Ama na ibalik lang sa dati.

Sa Tacloban tingnan nyo, tinumba lahat ng poste, tinumba nya lahat ng mga establisemento doon at ngayon sarado. Dahil ano ang mga iyon? mga beer house iyon, mga internet cafe iyon, dahil doon lang nauubos ang panahon ng mga tao. Kaya noon sa Tacloban kahit tubig na maiinom ay wala, tinapay pa kaya?

Kaya kapag nagkaroon ng ganun na pangyayari, doon lang malalamanng tao at sabihin na sana hindi na lang ako umalis doon na lang ako tumira sa bundok, may kamote pa na makakain. At kung dumaan man ang malakas na bagyo ay nandoon pa iyong kamote mo, andoon pa iyong saging mo. Eh kung nasa squatter ka? Iyong damit mo nga hindi mo na mahagilap, yung bubong mo hindi mo na makita. Saan ka ngayon bibili ng pagkain dahil iyong mga tindahan ay wasak din at nag-aantay ka na lang ng relief goods.

Pero kung doon ka sa bukid nanirahan at sa loob ng matagal na panahon na nandoon ka sa bukid, meron kang mga tanim, meron kang mga hayop, may mga nakaimbak kang mga palay, kahit dumaan pa iyong super typhoon ay pagkatapos ay may makakain ka. Dahil nag-iisa ka lang doon sa bundok at malayong-malayo ang mga bahay at matuwid ka, patatamaan ka kaya ng Diyos? Hindi…dahil iiwas nya iyan.

Pero kahit matuwid ka pa, pero nakahalo ka sa mga makasalanan sa siyudad dahil dyan ka nakatira ay damay ka talaga. Kung hindi ka madamay at iyong bahay mo lang ang hindi nasira, naku baka pagkatapos ng delobyo ay nandoon saiyo lahat. “Mare, pwede bang dito muna kami ng mga anak ko? Kasi wasak na wasak iyong bahay naming eh! Kung matapos iyong bahay namin, pwede bang dito na muna kami? Eh yung bahay mo lang ang natira. Paano kung tumira sayo ng anim na buwan iyon? Ibig sabihin meron kang advantage kapag nakatira ka sa probensya kesa nasa siyudad ka nakatira.

0 comments :

Post a Comment