Thursday, January 28, 2016

The Holy & Sacred Almighty God Our Father History

Ang The Holy and Sacred Almighty God Our Father ay hindi po yan basta-basta itinayo na katulad ng mga relihiyon na naglilipana ngayon, ito po ang history nyan:

Story of Florence Paciente:

Isang araw nanaginip yong lolo ko na my ginto sa isang bukid at sabi sa panaginip nya kunin mo yong ginto sa isang bukid at makuha mo lang yon kung ang maghukay ay my malinis na hangarin at may pagmamahal sa pamilya, yan ang sabi sa panaginip ng lolo ko.

Napaisip si lolo na sa kanyang mga anak puro may bisyo, kaya sinabi nalang ni lolo ang panaginip nya sa manugang nya na syang nakita nya na my pagmamahal sa pamilya. At isang araw sinabihan din ni uncle bobong kay Jetjet ang panaginip ni lolo, hanggang sa nagdisisyon silang maghukay doon sa sinabing my ginto.

Tatlo sila ang naghukay doon sa bukid ng lolo ko, si Ramil, si Uncle Bobong at si Jetjet. Palalim ng palalim ang hukay nila at inabot sila ng isang buwan sa kakahukay at habang naghuhukay sila doon grabe ang kanilang panalangin para makuha yong kayamanan na nadon sa kanilang hukay.

Grabe talaga ang paghihirap kasi ako ang saksi noon hanggang dumating ang isang araw ang hindi makakalimutan na araw mga bandang 3pm ng hapon umuulan pero nagtaka silang tatlo na doon sa kanilang hukay walang ulan at sa paligid lng.

Hanggang lumabas ang liwanag at tinig sa langit na dumadagondong at nagsasabi na "UMAKYAT KAYO..TINGNAN NYO ANG LIWANAG..HETO AKO...AKO ANG INYONG AMA..AKO ANG KAYAMANAN NA INYONG HINAHANAP..KAYAMANAN NA KAYLAN MAN HINDI MAUUBOS...TAMA NA MGA ANAK..TAMA NA SA PAGHAHANAP NG KAYAMANAN AKO ANG TOTOO NYONG KAYAMANAN."

Lumuhod sila Jetjet at Ramil at Uncle Bobong at umiiyak kasi nalilibutan sila ng mga anghel at hindi sila makapaniwala. Umuwi si Jetjet sa bahay at nagtaka ako sa kanya kasi puro Salita nga Diyos ang sinasabi nya. Na naisip ko naman na hindi naman nagsisimba ang asawa ko bakit marami syang alam at ang bahay namin noon parang ang lamig at may kasiyahan sa puso ko habang nagsasalita si Jetjet na sinabi nya na mula ngayon magbago na tayo at magkilala sa AMA.

Kay sya nagakasubo na sa aton na makita nga nagahimo kita sang sala at binabaliwala ang sakripisyo ni jesus sa krus para lang maluwas kita sa aton mga sala. Sa araw na iyon hindi kopa maintindihan ang lahat na sinasabi ng asawa ko at ang sabi nya magpalaganap daw sya ng salita ng AMA katulad ng ginawa ni jesus noon. Sabi ko naman papaanu yan? sino ang maniwala sa atin? ang sabi nya ang AMA lang daw ang bahala ng lahat.

Hanggang isang araw my lumapit doon sa amin may sakit at halos malagutan na ng hininga, sinabihan lang sya ni Jetjet na magbago at humingi ng tawad sa AMA sa kanyang nagawang mga kasalanan at agad na gumaling ang my sakit. At doon nasabi ko totoo nga ang kapangyarihan ng AMA ay dumadaloy na sa kay Jetjet kasi nakita ko ang pagbabago at kagustuhan nya para sa misyon.

Hanggang ngayon kahit na tinatawag kami na baliw o kulto ok lang, sinasabi ng AMA bulahan kmo nga ginatamay sa pangalan ko...kag madamo na nga mga tao ang napabag o sini nga misyon...kag my sakit na mga tao nga napagaling sini nga misyon.

Florence Bolivar Paciente (Brother Jetjet Wife)

0 comments :

Post a Comment