Thursday, January 28, 2016

Mensahe para sa mga Kumikilala kay Jesus

Magandang araw mga kasama ko sa paglilingkod sa AMA at sa pagtataguyod at pagpapatuloy ntin sa nasimulan ni JESUS na ating kapatid na talagang ipinaglaban nya ang nagsugo sa knya at iyon ang AMA sa langit hanggang kamatayan sa krus ay kanyang pinanindigan ang mga mensahe ng AMA ang buhay nya ay isang banal at sagrado at itoy ipinatuloy ng kanyang mga naging mabuting apostol o taga akay papunta sa AMA hindi kay JESUS.

Dahil noong c JESUS ay nabubuhay naging apostol din sya ng AMA kasi sya ang unang nag akay ng mga tao papunta sa AMA o sya ang tagapastol noong syay namatay at muling binuhay ng AMA at syay umakyat sa langit sa pamamagitan ng kapangyarihan ng AMA. Ang mga tagapastol ay yaong mga pinastol nya o inakay nya at ang ibang pastol ay minsan nahuhulog sa mga pagsubok ibig sabihin po nyan ay di nila nakakayanan ang mga dumadating sa buhay nila na hndi maganda.

Kaya hindi lahat ng apostol na inakay ni KRISTO JESUS ay gumanap bilang KRISTO tulad ng buhay ni JESUS dahil sa panahon ng mga apostol na inakay ni JESUS, sila mismo minsan may mga hindi pagkakaunawa sa isat isa at dumating pa sa punto na silay nagkawatakwatak. Kaya mga kapatid, tayo sana na nagpapalaganap ng salita ng AMA ay magkaisa hindi tayo dapat matulad sa mga iringan ng mga nauna sa atin na nagpalaganap din ang salita ng DYOS at hindi salita ni KRISTO JESUS kundi salita mismo ng AMA.

At hindi lahat ng nakasulat sa bibliya ay salita ng DIYOS kundi ang bibliya ay compilation ng mga pangyayari sa naging buhay ng tao noon at sa mga nagdaang mga taon at naisama dito ang mga naging buhay ng mga propeta na pinadalhan ng AMA ng kanyang mensahe sa mga tao generations by generations at nakalagay din dito ang naging buhay ng mga hari at mga tao at mga alipin mga pari na meron mabuti at meron mga masasama. Kaya all in all ang bible ay history na narestore at ito ang maging guide natin dahil dito natin makikita kung panu pinarusahan ng DIYOS AMA ang mga masasama at panu nya rin binuhay ang tuyot na lupa sa mga sumusunod sa kanya at iyon ang mga propeta.

Ako nga pala si Brod Jet

0 comments :

Post a Comment