Dec. 19, 2015 - Mission sa Urdaneta, Pangasinan
Ibinalik si Jesus para ibangon ang kapurihan ng Ama! Sa pagbalik ni Jesus mas matalino na sya at matapang.
Sally (Ilongga) saw that Jet is God the Father when she confessed.
Mali na kasama si Pablo sa Last Supper picture. Si Pablo kasi ay naging propeta nong wala na (patay) si Jesus.
Kahit magdala pa ng 100 na pari o pastor sa harapan ni Jet at magtanong, kaya nyang sagutin pero pag si Jet ang magtanong, di nila masagot. Sila ang naghanap sa Diyos, pero si Jet, ang Diyos ang naghanap o tumawag sa kanya.
Masuerte ang nakinig at sumunod sa mga mensahe ng Ama kasi makauwi sila sa langit, pero yong di nakarinig at nakarinig pero di sumunod ay mapunta sa impierno.
Pag sa langit, wala ka ng alalahanin at problema at bigyan ka ng katawang panglangit para maging masaya ka.
Kaya masaya sa langit kasi don ang kaharian ng Diyos at di puro spiritual don kasi may katawan ang mga tao at may mga bagay don na material na ma enjoy. Kasi paano sasaya sa langit kung espirito lang.
Ang taong nasa Almighty ay ginugugol ang panahon sa paglilingkod sa Diyos at sa paggawa ng mabuti. Di na kasiyahan sa kanila ang pagpunta sa mga handaan, inuman, pasyalan at kung ano pang mga may kasiyahan na pangsanlibutan lang.
Dapat lahat ng pasalamat at papuri ay sa Ama lang.
Pulong sa Isla - Kung mahal mo ang Diyos, gumawa ka ng mabuti habang buhay ka pa para pagdating ng araw makauwi tayo sa Kanya.Kung mahal mo ang mga magulang mo, gusto mong umuwi sa bahay nyo para makasama mo sila.
Ang buhay ay panandalian lang.
Hindi pamilya pag walang anak. Para saan ang mga pinagsikapan nyo? Maganda ang bahay nyo at kumpleto kayo sa mga gamit pero malungkot ang buhay nyo kasi wala kayong anak na magmamana at magmahal sa inyo hanggang sa pagtanda nyo. Di kayo binigyan ng anak kasi may nakikitang di maganda ang Diyos sa inyo pareho ng di nyo pagkagusto sa mga bata dahil istorbo lang sila at nadidiri kayo sa mga batang di maganda at di malinis sa tingin nyo.
Mga kabataan dapat magmisyon muna sa Ama bago mag-asawa at para mapangasawa nila ay kapareho nilang nanampalataya din sa Almighty Father.
Ang mga kabataang babae na di sumusunod sa kanilang magulang lalo na sa ina nila ay napapariwara. Mahilig kasi sila sa materyal at pisikal na kasiyahan, umaalis ng bahay na di nagpapaalam, sa labas nagtatagpo at nagpapaligaw, at nagsisinungaling kaya nabubuntis na walang matinong tatay ang anak nila. Yan ang parusa sa kanila.
Ang Cristiano ay tagasunod at naniniwala kay Cristo, kaya dapat ay di nagkakasala. Kahit sa Bibliya ang mga apostol ay di tinatawag na mga Cristiano kungdi mga tagasunod lang din ni Cristo.
Hindi Cristiano o relihoso ang maliligtas kungdi ang matuwid na kapareho ang buhay kay Cristo.
Maglinis sa sarili sa mga pagkasala, magpatawad, magmahalan, igalang mga matanda, matuto sa trabaho at kung ano pa ang mabuti at matuwid na pamumuhay ang dapat sabihin sa pagmisyon at di yong paggawa lang ng mga ritwal na di kalugod-lugod sa mata ng Ama.
Bakit pinatay si Jesus? Kasi yan ang nakasulat sa buhay ng mga propeta mula pa noon. Kasi galit ang mga tao kasi sinasabihan silang magbago na ayaw nilang sundin at higit sa lahat ayaw ng mga pari noon na nasasapawan sila dahil sa inggit.
Magmisyon at ipakilala ang Ama pareho ng ginawa dati ni Jesus!
Darating ang araw na sakupin tayo ng China.
Si Duterte ang susunod na Presidente ng Pilipinas. Sya ang pinili ng Ama para masugpo ang sobrang kasamaan ng mga tao pati ng ibang politiko. Kapareho sya ni Nebuchadnezzar noong kapanahonan.
Ang totoong kumikilala sa Diyos ay yong mga di na gumagawa ng kasalanan.
Sister Cecilia P. Kwan
0 comments :
Post a Comment