Maraming meaning ang salitang MAYABANG at meron pang napakalalim na meaning ang salitang MAYABANG sa Bibliya. Iyong pagiging maluho sa buhay ay isang kayabangan din yan pero meron pang mas malalim na kahulogan ang MAYABANG.
Ang pinakamataas na KAYABANGAN mga kapatid na sinasabi sa Bibliya ay ang mga taong hindi kumikilala sa Diyos na Ama at puro lang sila sarili nila ang iniisip katulad ng propisyon, trabaho, achievement, luho at walang pagkilala sa Diyos. Kilala lang nila ang Diyos sa salita at hindi sa gawa.
Kaya yan ang pinakamataas na KAYABANGAN ng mga taong iniisip lang ay sarili, propisyon, trabaho, achievement, luho at walang pagkilala sa Diyos. Yan ang pinakamataas na KAYABANGAN na sinasabi dyan sa Bibliya dahil puro sarili lang nya ang iniisip. Sila ang mga taong pinakamataas na kayabangan sa harap ng Diyos na Ama dahil ang niyayabangan ng mga taong ito ay ang Diyos na Ama.
Sunod ay hindi sila nagbabalik sa Diyos na Ama ng maganda, at hindi man lamang inisip ng mga taong ito ang lahat ng kanilang lakas at lahat ng kanilang mga magagandang nangyari sa buhay nila ay galing sa Diyos na Ama.
Ang sinasabi naman na mayabang na iyong ipinagmamalaki ang kanilang mga gamit, ang mga alahas mo, ang mga kotse mo etc. ay mababaw lang yan na meaning ng mayabang. Ang pinakamataas na kayabangan or kahambugan sa harap ng Diyos ay ang mga taong walang pagkilala sa Diyos at madaming taong ganyan.
Yan ang sinasabi sa Bibliya na wag kang masyadong magmalaki or magtiwala sa iyong sariling kaalaman kundi mas magtiwala ka sa karunungan ng Diyos na Ama.
Sa panahon natin ngayon, maraming mga kabataan ang nakalimot na sa Diyos, nagsisimba man sila pero pakitang tao na lang kasi paglabas ng simbahan ay balik na naman sila sa dati nilang mga paguugali. Nagsisimba sila para masabi lang at maipakita sa ibang tao na sila ay maka Diyos pero kasinungalingan lang pala dahil hindi pa rin binabago nila ang kanilang mga paguugali.
Pareho kay Job, ng dumating ang magaganda nangyari sa kanila ang mga anak nya ay natuwa. Pero ng dumating ang araw na nagkabuwisit-bwisit ang buhay ni Job ang unang pinatay iyong mga anak nya. Tapos ang mga magagandang bendisyon sa buhay ni Job ay binawi ng Diyos na Ama lahat-lahat katulad ng kalupaan at mga kahayopan.
At sa huli ang natira sa kanya ay wala na! ang natira ay ang sakit tapos iyong asawa nya iniwanan pa sya. Pero anong sinabi ng Diyos after ka nyang parusahan? Kung magsisi ka sa mga kasalanan mo at magbago ay pakamabutihin ka ng Diyos ulit. At yan ang nangyari kay Job, ng magsisi sya sa kanyang mga kasalanan ay gumaling sya ulit, nagbalik ang mga kalupaan nya, yumaman sya ulit, nakapangasawa sya ulit at yung mga anak nya na namatay ay napalitan ng mga bagong anak sa bago nyang asawa. At itong mga bagong anak ni Job ay mas mabubuti pa ito kesa sa una nyang mga anak.
Example nag-asawa ka, at noong nag-asawa ka ay hindi mo pa nakilala ang Diyos na Ama halimbawa tambay or adik-adik at sinasaktan ka lang. Tapos isang araw ay sinagot ng Diyos ang panalangin mo, ang asawa mo ay napatay or iniwanan ka at dumating ang araw ay nagserbisyo ka sa Diyos. At dumating ang araw ay binigyan ka nya ulit ng bagong makakasama sa buhay mo, example foreigner ang nakilala mo foreigner na Christian or born again na mabait at sunod ay pinakamabuti ka ulit at nagkaroon ka pa ng bahay. Tapos kung halimbawa Christian or born again ay kumikilala pa sa Diyos. Pero iyong una mong asawa ay adik, tambay ay wala talaga. So kung balikan mo noong hindi ka pa kumikilala sa Diyos, ang parusa sayo ay iyong asawa mo na adik-adik na lagi ka na lang sinasaktan.
Kaya ng mangyari ito sayo ang ginawa mo ay kada gabi ay luhod ka ng luhod kung paano ka makabangon balang araw sa iyong sitwasyon. Tapos ng dumating ang araw na sinagot ng Diyos ang panalangin mo at ipinagkaloob ng Diyos na mamatay ang asawa mo or magkasakit hanggang mamatay sa sakit or iniwanan ka. At dumating ang araw na ipinagpatuloy mo na ang iyong pagdasal at pagsisisi sa mga kasalanan mo nakilala mo ang isang tao na sobra-sobra ang pagmamahal sayo pareho kay Job. Kaya pagkatapos ng parusa, pagkatapos ng bagyo ay merong darating na maganda sa isang tao, sa isang lugar.
Sinabi din sa Bibliya na mas mahalaga pa daw ang karunungan mula sa Diyos kesa sa pilak, kwarta, ginto. Dahil kung ang karunungan na dumating sayo ay galing sa Diyos ay magbibigay sayo ng kaligtasan. Pero ang pilak, ginto ay hindi makakapagbigay ba sayo ng kaligtasan kundi malaglag pa ang iyong kaluluwa.
Kung papansinin nyo ang isang taong mayaman tapos maraming sakit ay walang kwenta ang pera nya dahil ang dami nya namang sakit. Pero ang isang taong mahirap at walang sakit ay pwede pa nyang kitain ang pera dahil malusog ang katawan nya.
Kaya kung ang taong mayaman ay patuloy na nagdadanas ng hirap dahil sa sakit nya ay walang kwenta ang pera nya dahil patuloy na dumaranas ng hirap sa kanilang mga sakit. At sinabi sa Bibliya na magtiwala ka sa Diyos dahil ang Diyos ay gamot na nagpapagaling ng mga sugat at hindi mo pa mararanasan ang hirap.
Ibig sabihin ng gumagaling na sugat ay lahat-lahat na katulad ng problema, sakit, kahirapan lahat ay ipagkatiwala sa Diyos na Ama. Literal lang kung iintindihin mo ang salitang sugat pero ibig sabihin ay lahat ng hindi magagandang dumadating sa isang tao, mga pagsubok na dumadating sa isang tao.
Kaya wag tayong masyadong magtiwala sa ating sariling kaalaman dahil ang kaalaman natin ay galing sa Diyos na Ama. Ang karunungan na binigay ng Diyos sa atin ay pwede nya kunin, kung gustohin nya.
Itong si Solomon after ng ilang years ay naging demonyo na. Dahil sa unang panahon ipinagkaloob ng Diyos ang karunungan mula sa Diyos at hindi lang karunungan ang ibinigay ng Diyos kay Solomon kundi pati kayamanan. Ang ipinagdasal ni Solomon ay karunungan lang pero binigyan pa ng Diyos ng kayamanan. Pero sa pagdating ng panahon, ano ang nangibabaw kay Solomon? Ang karunungan mula sa Diyos or kayamanan?
Ang karunungan na mula sa Diyos na ipinagkaloob kay Solomon ay sa bibig nya lang pero sa araw-araw ay mas nangibabaw sa kanya ang kayamanan. Dahil ginamit nya ang yaman para dumami ng dumami ang asawa nya, naging makalaman. Kay wag tayong magtiwala sa ating sariling karunungan, dahil baka bigyan ka rin ng Diyos ng sakit kung hindi kayo sumunod sa kanya.
Dahil sinabi ng Diyos na Ama na sya ay isang Ama na nagdidisiplina sa kanyang mga anak. Dahil hindi gusto ng isang Ama na ang kanyang mga anak na maging mayabang, at kung ano ang mali sa kanyang anak ay itatama nya at hindi nya hahayaan na madugtongan pa ang pagkakamali. Syempre ang tatay na matuwid, ang Diyos na matuwid kung ang kanyang mga anak ay patuloy sa paggawa ng mali, syempre sawayin nya sa paggawa ng mali.
0 comments :
Post a Comment