Kung naging successful ka, dapat hindi ka lang nagiging successful sa iyong physical, sa iyong profession, sa iyong negosyo kundi dapat nagiging successful ka sa pagiwas sa paggawa ng mali sa araw-araw, kung baga mas lalong tumataas ang pagtanggap mo at pagiging matuwid mo sa spiritual na buhay.
Ang pasensya mo mas lalong humaba, ang iyong pagiging mapagpakumbaba mas lalong humahaba, ang pagpalaganap mo ng pulong ay mas lalong lumalaki or nakakarating sa ibang lugar, kung baga marami kang accomplishment sa pagpalaganap ng mga Salita ng Diyos na Ama. Dapat ang accomplishment mo hindi lang sa iyong negosyo, profession, sayong trabaho etc.
At dapat gawin mo talaga yan na isama mo sa araw-araw, na dapat maging masigasig lalo sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos na Ama at wag pabayaan at dalhin talaga. Kung baga lagi mong gawin ang pagiging mapagmahal at mapagpakumbaba sa kapwa.
Dahil kung gagawin mo ang mga ito, ay matutuwa sayo ang Diyos at mga tao. Tama kasi kung gumawa ka ng magaganda, gumagawa ka ng tama ay dalawa ang matutuwa sayo at iyon ay ang Diyos at mga tao.
Ang tao pagmataas ang kanyang naabot na profession, ang kanyang trabaho, ang kanyang posisyon sa gobyerno or sa kumindad ay wala na sya at kinalimutan na ang Diyos dahil lahat ng mga achievements ay naabot na nya. Katulad ng madaming bahay nya, madaming sasakyan nya, malapad ang mga lupain nya, mga bata nya ay mga matatalino at kilala sa school. Kung baga halos lahat ay naabot na, mga achievements ay nakuha na, mga awards, mga rewards pero ang kanyang sinasandalan ay ang kanyang karunungang pangtao at hindi na ang karunungan na galing sa Diyos dahil wala ng pagpasalamat sa Diyos.
Kaya yan ang nagbigay ng yabang sa isang tao, yan ang nagtulak sa isang tao na maging mayabang na maging hambog. Kaya iyong mga maliit na tao na mga nakakaawa kung paanong hiyain, kung paanong maliitin ng mga taong mayayaman ang mga taong mahihirap. Yung mga taong matatalino kung paano maliitin ang mga taong walang pinag-aralan.
Kaya sa ginagawa natin araw-araw ay lagi nating alalahanin ang Diyos na Ama dahil ang Diyos na Ama ang mag-guide sa ating pamumuhay sa araw-araw para sa magandang kinabukasan. Magandang pamumuhay sa araw-araw ibig sabihin ay walang pangdaraya, walang pangmamaliit, walang paninira, walang tsismis etc.
So ang mumuhay ng matuwid sa araw-araw ay parang gamot na tumutulong para maghilom ang mga sugat natin. Ibig sabihin kung sa araw-araw ay maganda ang mood mo, maganda ang pakikitungo mo sa ibang tao, kung may sakit ka, hindi mo namalayan na gumaling ka na pala.
Kaya kung ikaw ay taong mataas ang collesterol mo, mataas blood pressure mo, mataas sugar mo at lagi kang worried or takot at lagi-lagi ka pang may sama ng loob at lagi-lagi kang namomroblema ay hindi gagaling ang sakit mo, kundi madagdagan pa sakit mo.
Pero kung minsan may sakit ka pero pinapractice mo sa araw-araw ay kalma ka lang at wala kang pinoproblema, totoo baka hindi mo napansin ay magaling ka na pala.
At noong unang panahon para matuwa ang Diyos sa kanila ay nagsunog sila ng alay nila, pero kung iyong balikan ay ganito, kukuha ng hayop or baka or isang karnero tapos sunogin mo lang para maplease mo ang Diyos! Mali ang pagkakaintindi nila, ibig sabihin nyan sana para maplease mo ang Diyos, ang mga tao na walang makain ay pakainin mo. Ang tao na hindi pa nakakain ng ganyang pagkain, ipakain mo sa kanila para ang tuwa ay dumating sa kanila. Kapag dumating ang tuwa sa kanila, magpasalamat sila sa Diyos. At dyan natutuwa ang Diyos na Ama na maraming mga tao ang kumikilala sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapasalamat.
Lalo na kung bago kumain ang mga tao ay mapulongan para bago man sila makauwi ay makarinig ng mga Salita ng Diyos. Sa pamamagitan nyan, grabe ang kaligayahan ng Diyos na Ama na ginagamit ang grasya, ang pagkain para ang tao ay makarinig ng mga Salita ng Diyos.
Kaya para bigyan ka ng Diyos ng maraming biyaya ay gumawa ka ng maganda at hindi iyong magbigay ka sa Diyos ng kwarta at balikan ka ng maraming pera. Kundi ang gawin mo ay gumawa ka ng mabuti para sa Diyos sa paggawa ng mabuti sa kapwa mo dahil ang Diyos magbigay din ng mabubuti pabalik sayo at sobra pa.
So ilan lang ba ang gastos mo? Pinapakain mo ang mga mahihirap at gumastos ka ng P20,000 para makarinig lang ng mga Salita ng Diyos. At kahit kada 2 buwan mo ginagawa sa kanila at kapag nakita ka nila ay hindi ka nila makalimutan dahil sa ginawa mo sa kanila na maganda.
Kaya sobra-sobra ang blessings na bumabalik sayo kaya nagdami pa lalo ang iyong pagmamayari dahil ginagamit mo ang pera mo para magdami pa lalo ang pagmamayari mo. Ibig sabihin ang pera para sayo ay hindi issue, kundi para sayo ang pera ay hindi importante, at kung hindi importante ay hindi mo dinadala sa kaharian ng Diyos.
Dahil merong mga mayayaman na dinadala nila ang pera sa kaharian ng Diyos, bakit? Namatay sila nandyan ang pagiging makasarili, namatay sila na nandyan ang pagiging madamot, namatay sila na nandyan ang pagmamahal sa pera. Kaya hindi nila kaya magshare sa mga tao na mga gutom, kundi mas piliin nila na igastos na lang nila, i-tour nila, ibili ng gamit para sa sarili nila at hindi nila gustong gamitin para itulong sa mga mahihirap kundi unahin muna ang kanilang mga sarili.
Di ba merong mga tao na ang kanilang mga CR ay P300,000? May mga tao na ang kama ay P200,000 at pati ang mga puntod sa sementeryo ay P1 Million, so imbes na itulong ay inuuna ang sarili.
0 comments :
Post a Comment