Sa amin sa THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER, ang sini-share namin ay mga Salita ng Diyos, ang sini-share naming ay paggaling ng mga sakit, mga testimony kung paano gumaling ang mga may sakit, so ano ang ibinabalik ng Diyos na Ama sa amin? Hindi pera kundi katahimikan, walang sakit at inilalayo kami sa kapahamakan.
Ngunit kung dumating pa ang problema, ang tao ang sinisisi pa ang Diyos at sabihin pa “Diyos ko bakit ako pa? hindi naman ako masamang tao at marami namang masamang tao dyan at marami sa dinami-dami ng tao sa buong mundo bakit ako pa ang binigyan mo ng ganitong sakit?”
Kaya sa amin sa THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER kapag gumawa ka ng mali, ay may darating sayo na hindi maganda. Dahil ang Diyos mahal nya ang mga tao kaya dini-disiplina nya. Dahil pagkatapos ka nyang disiplinahin at natuto ka ng sumunod ay ipagmamalaki na ng Diyos Ama na ikaw ay Kanya ng anak.
Pero kung makasalanan ka pa, hindi ka pwede ipagmalaki ng Diyos na kanyang anak. Tingnan nyo si Jesukristo di ba? Anong sabi ng Diyos na Ama kay Jesukristo? “Ito ang pinakamamahal kung anak na aking kinalulugdan” sinabi yan ng Ama sa harapan ni Juan Bautista at sa mga tao sa Israel na nakarinig ng tinig na galing sa langit. At pagkatapos ng tinig ay meron lumabas na kalapati na yan ang sign ng Holy Spirit tapos iyong kalapati ay lumapag sa balikat ni Jesus.
Kaya ang tao na sumusunod sa mga kalooban ng Diyos na Ama ay ang ipinagmamalaki ng Diyos na Ama na kanyang anak. At ang mga tao na makasalanan at patuloy na gumagawa ng kasalanan ay hindi pwede ipagmalaki ng Diyos na Ama. Dahil ang Diyos na Ama ay matuwid, ang Diyos na Ama ay hindi gumagawa ng mali.
So kung gumagawa pa rin ng kasalanan ang isang tao at gumagawa pa rin ng hindi maganda ay hindi ka pwede na ipagmalaki ng Diyos na Ama. Kundi ang gawin sayo ng Ama ay disiplinahon ka nya ng disiplinahon, para pagdumating ang araw na magbago ka na ay dyan ka na nya angkinin at ipagmalaki na kanyang anak.
Halimbawa si Nong Mar na Ilokano, ang laging ipinagmamalaki nya na sya ay pinagaling ng Diyos na Ama. Lagi nyang sinasabi na noon sya ay makasalanan at muntik ng syang mamatay pero ng dumating ang THE HOLY AND SACRED ALMIGHTY GOD OUR FATHER sa buhay nya ay gumaling sya ng walang gamot at walang doctor. Ang laging ipinagmamalaki nya ang kanyang mga mission, ang mga namissionan nya, mga tao na dinala nya sa Almighty na gumaling.
Tingnan nyo ha? ang laging bukam bibig nya ay “Diyos na Ama” kaya ang nangyari ay vice-versa lang. Ipinagmamalaki ng Diyos na Ama si Nong Mar at ipinagmamalaki naman ni Nong Mar ang Diyos na Ama, give and take kung baga.
So isa yan sa patotoo na ang isang tao na nagbago na at umiwas na sa mga mali ay pwede na nyang ipagmalaki ang sarili nya. At ipagmamalaki na din ng Diyos ang tao na nagbago na at umiwas na sa paggawa ng mali. Pero kung makasalanan ka pa rin ay hindi ka ipagmamalaki ng Diyos na Ama. Lalo na kung bistado or alam ng mga tao ang mga kamalian mo ay hindi maniniwala ang tao sayo. So kung hindi maniwala ang tao sayo ay hindi rin maniwala ang Diyos sayo.
Ang mga tao na matutuwid na at hindi na gumagawa ng mali ay hindi na natatakot sa mga aksidente. Pero ang mga tao na makasalanan at patuloy sa paggawa ng kasalanan at kung pansinin nyo kung nasa byahe na ay grabe ang dasal nila, grabe ang pagtawag sa Diyos na baka kung may mangyari na hindi maganda sa kanila. Pero kung ang tao na matuwid kapag bumibiyahe ay hindi na nagdadasal pa. Bakit? Dahil ang tao na matuwid ay para sa kanya kasama nya ang Diyos.
Pero tingnan mo ang mga tao na grabe ang mga kasalanan at walang totoong pagkilala sa Diyos, pagsakay pa lang sa sasakyan ay grabe na ang dasal. Bakit naman? Kasi natatakot sila sa kamatayan, natatakot sa aksidente, natatakot sa mga possibleng mangyari sa kanila. Pero kung nasa iyo ang Diyos, wala kang kakatakotan kasi ikaw ay matuwid na tao.
Sa sakit naman, hindi ka dapat matakot sa sakit, katulad noong nagkasakit si ate Nene ang sabi ni Brother Jet ay wag daw syang matakot sa sakit nya. Kasi sabi ni ate nene ay hindi na daw sya makabangon, hindi na sya makatayo, hindi na makagalaw tapos tanong ni ate nene “Jet, gagaling pa ba ako?” bibiroin daw sana ni brother jet na hindi na.
Pero isa lang ang sinabi ni brother jet kay ate nene “Papayag kaya ang Diyos na Ama na hindi ka gumaling? Sino ang mag-asikaso sa mga bata kapag may mission ako? Ang Diyos na Ama ba bobo? Napakatalino ng Diyos na Ama. Kung mamatay ka, sino ang magbantay sa mga anak natin? Eh di maapektohan ang mission” Kaya sabi ulit ni brother kay ate nene “bumabalik na naman ang iyong pagka S at pagka M, pagka SUPLADA at pagka MALDITA.” Pero hindi naman daw lagi-lagi, pasulpot-sulpot lang . Tapos sabi pa ni ate nene kay brother jet na “Jet, kausapin mo naman ang Ama na gumaling na ako” pero sabi naman ni brother jet na si ate nene na ang bahala, ang gawin nya ay pagsisihan nya ang kanyang mga mali.
At isang gabi na grabe ang pagsikip ng paghinga ni ate nene at doon daw sa kwarto nila may maliit sila na altar, nakita nya na bumaba ang Diyos na Ama galing sa picture at ang nakita daw ni ate nene na umalis ang espiritu nya sa katawan nya at umiiyak ang espiritu nya at sabi ni ate nene sa Diyos na Ama ay “Ama, gagaling pa po ba ako?” ay “gagaling ka pa basta sundin mo lang ang mga sinasabi ko. ”
At sabi pa daw ng Ama kay ate nene na sya daw ay Tatay/Ama na nagdidisiplina sa mga anak nya na mahal nya kapag may nagawang mali. May naramdaman daw sya na kakaiba na malamig sa katawan nya at wala pang 5 minutes ay gumaling na si ate nene.
0 comments :
Post a Comment