Sa panahon ni Solomon, ang dumating sa kanyang karunungan ay karunungan na galing sa Diyos. Kaya sa panahon ni Solomon ay walang tao na makatalo sa kanyang karunungan. Si Solomon ang pinaka matalino na hari kasi madali nya mahuli ang may mali. Simple lang ginawa ni Solomon ng merong dalawang nanay na nagclaim sa isang bata.
Ang sabi lang ni Solomon ay “sige, hatiin na lang natin itong bata para pareho kayong may parte” tapos sabi noong unang nanay ay “sige! Payag ako na hatiin na lang!” at sabi naman noong pangalawang nanay “sige, ibigay mo na lang sa kanya”. Oh di ba? Ang totoong nanay ay iyong pangalawa kasi kesa mapatay ay ibigay na lang nya. So simple lang, dahil iyong karunungan ay hindi na kay Solomon kundi sa Diyos na Ama na ibinigay kay Solomon na ginagamit nya.
Ng kinausap ng Diyos na Ama si Solomon, tinanong sya kung ano ang ibigay sa kanya na gusto nya? Ang sabi ni Solomon ay karunungan at ang sabi pa ng Diyos na Ama ay bigyan pa sya ng kayamanan. So ang kayamanan ang nagtisod kay Solomon na maging makasalanan.
Ang karunungan na galing sa Diyos ay nagbibigay ng mahabang buhay sa isang tao. So kung nasa iyo ang karunungan na galing sa Diyos ay umiiwas ka sa mga mali kaya maghaba pa talaga ang buhay mo. Pero kung wala sayo ang karunungan na galing sa Diyos, ay hindi na iiwas sa mga mali, sa mga pangit na paguugali mo, sa mga bisyo kaya mag-ikli ang buhay mo. Kaya ang karunungan na galing sa Diyos ang magdadala saiyo sa tamang pamumuhay.
So kung nasa iyo ang karunungan na galing sa Diyos, wala ka ng pag-aalinlangan, wala kang sama ng loob, wala kang kaaway, wala kang panlalamang sa kapwa, walang mga hindi maganda saiyo. Kasi ang ipinapatupad mo sa sarili mo ay karunungan na galing sa Diyos. Ang karunungan ng Diyos ay pag-ibig, ang karunungan ng Diyos ay patas, ang karunungan ng Diyos ay walang kinukunsente. Kaya matuwid ka na tao titingnan kapag ganyan ang ipinapatupad mo sa sarili mo.
So ang Diyos na Ama ay naglalang paagi sa kanyang karunungan, sa kanyang kapangyarihan. Syempre ang unang nakakaalam dito sa lupa ay ang Diyos na Ama, siya ang nakaalam kung paano patuboin ang mga pananim, sya ang nakakaalam kung paano lumaki ang mga hayop. So noong unang panahon ang mga kahayopan ng lalangin ng Diyos na Ama ay bata pang mga hayop? hindi! kundi diretso ng malalaki na.
Kaya nga may mga katanungan kung ano daw ba ang nauna? Manok or itlog? So kung ibase mo sa Genesis ay makukuha mo ang tamang sagot na ang ang nauna ay manok at hindi itlog. Kasi nilalang ng Diyos ang mga kahayopan na lumalakad, lumilipad, lumalangoy. So walang sinabi sa Genesis na nilalang ang itlog para maging hayop. Kaya ang nauna talaga ay hayop at hindi itlog.
At ang sinasabi na karunungan ay ang mga Mensahe ng Diyos na Ama, kasi noong unang panahon ang kanyang mensahe kay Solomon ay karunungan ng Diyos na ipinaabot kay Solomon. At sa panahon natin ngayon kung nagsasalita ka ng mga Salita ng Diyos na Ama dapat tingnan mo din ang sarili mo kung isinasabuhay mo ba iyang mga Salita ng Diyos na Ama na sinasabi mo. Dahil kung nagsasalita ka nga ng mga Salita ng Diyos pero gumagawa ka pa rin ng hindi maganda, ang mga salita mo ay mali na kaya walang maniniwala sayo.
Kaya nga kung nagdadala ka ng karunungan ng Diyos, kung nagdadala ka ng mensahe ng Diyos at isinasabuhay mo ito saiyong sarili ay hindi ka matatakot kahit saan ka mapunta kasi proteksyonan ka ng Diyos. Pero may isang pangyayari kami na nabalitaan na nagdadala din ng mga Salita ng Diyos na isang pastor, pastora at iyong anak nila at nakamotor sila tinambangan sila at binaril sila sa ulo patay silang tatlo on the spot dyan sa Bagumbayan Sultan Kudarat. Nakakaawa iyong nangyari sa kanila at nagmakaawa pa ata sila kasi nakaluhod pa ng barilin sa ulo.
Kaya nga kung nagdadala ang isang tao ng pulong, nagdadala ng mga Mensahe ng Diyos na Ama dapat wala kang kinakatakotan sa iyong pagtulog at may peace of mind ka. Dahil merong mga nagdadala ng mga Salita ng Diyos ay walang katahimikan ang kanilang pagtulog. Lalo na kung ang nagdadala ng pulong ay pastor ka or mga brother ka pero mayaman, ay hindi sila makatulog ng tahimik kasi iniisip nila baka nakawan sila. Kaya ang kayamanan ay nagdadala ng palaisipan sa buhay ng tao. Pero kung ang yaman mo ay itinutulong mo sa mga mahihirap at maymatira lang sayo para lang mabuhay ka ay walang magdadala sayo ng palaisipan sa kalagitnaan ng gabi.
Pero kung madami kang property, kung marami kang pera minsan sa pagtulog mo lang sa gitna ng gabi ay nadidisturbo ka kasi iniisip mo ang mga pagmamay-ari mo, ang mga yaman mo na baka nakawin. Lalo na kung hindi mo ginagamit sa pagtulong at ginagamit mo lang sa kasamaan, ang dadating sayo ay masama din.
0 comments :
Post a Comment