Tanong! Bakit mali na magpakasal pa sa isang patay na? Kasi merong mga tao na kahit patay na iyong partner nila ay pinapakasalanan pa dahil pinangako daw nya na pakakasalan ito.
Kung bakit mali na pakasalan ng isang tao ang taong patay na iyon ay dahil sa ang kasal ay sagrado at ito ay pagiging isa ng dalawang espiritu. So kung patay na iyong pinakasalan, may espiritu pa ba? wala na! Kaya nga patay na kasi wala ng espiritu ang katawan nya.
Ano ba ang mahalaga? Ang katawan or ang espiritu? Ang espiritu di ba? Dahil dapat walang kinasal na nagsama lamang dahil sa laman. Kasi kung nagsama ang lalake at babae sa laman lang, pag dumating ang araw na magkasakit ang babae halimbawa nagka cancer sa breast. So hindi na sya ganahan ang lalake, ang gawin ay maghanap na naman ng ibang babae ang lalake.
Bakit naman? Kasi ng pinakasalan nya ang babae ay wala sa espiritu, kundi sa laman lang. Ganun din sa babae na nagpakasal sa lalake kasi macho, tapos dumating din ang araw na nagkasakit din, halimbawa na wheelchair, so hindi na rin ganahan ang babae ang gawin din ay maghanap ng iba.
Dapat sana kung ang asawa mo ay nagkasakit, dito mo ipakita ang iyong pagmamahal sa asawa mo na sya ang kaligayahan mo. Sa mga mag-asawa ng kinasal ba kayo, ano ang dahilan kung bakit kayo nagsama? Di ba dahil sa pagmamahalan nyo sa isa’t-isa. At dapat ang inyong pagmamahalan ay walang hangganan hanggang kamatayan.
So kung halimbawa mamatay na ang asawa mo, dahil walang hangganan ang pagmamahalan nyo dapat wag ka na mag-asawa pa ng iba. Kung baga iyong pagmamahalan nyo ay GENUINE or hindi peke ang pagmamahalan nyo. At magsasama pa rin kayo doon sa langit balang araw.
Ano pa ang ibig sabihin ng kasal? Ito ay binding of two souls at ang kasal din ay pagsunod sa kalooban ng Diyos na magsama ang lalake at babae. Saan ba dapat magsama? sa laman or sa espiritu? Wag dapat magsama dahil lang sa laman kundi dapat magsama ang mag-asawa sa espiritu.
Kasi kung nagsasama lang kayo dahil sa laman, makita nyo balang araw ang inyong mga anak ay maging katulad nyo rin na makalaman. Na iyong anak nyo ay ang girlfriend or boyfriend ay 3 or lima at kung babae ang anak mo ang boyfriend nya hindi lang 3 kundi baka maging 7 pa na lalake!
Sa mga kabataan na binata at dalaga na nagbabasa nito, okay ba na bago ka mag-asawa dapat ay magkaroon ka muna ng 3 or lima na karelasyon? Okay ba or hindi? Ang sagot ay hindi! Or mas okay ba na iyong first love mo, first crush mo, first boyfriend mo ang iyong pakakasalan na maging asawa? Tama di ba?
Sa panahon natin ngayon, saan na ba ang level ? Di ba grabe na ang paglevel-up! Kasi bago mag-asawa ay maraming mga babae ang paglalaroan. At ibang mga babae naman, bago magsettle down, ang daming mga lalake muna ang paiiyakin dahil naghahanap sya ng lalake na makakapagbigay sa luho nya katulad ng mga mamahaling cellphone or kung ano pa man.
At kung sino sa mga boyfriend ng babae ang makapagbibigay ng mga luho nya, iyon ang pipiliin nya na maging asawa. At iyong pobreng lalake, bako nya maibigay iyong luho ng girlfriend nya ay ipunin muna nya ang 5 buwan na sweldo pambili ng mamahaling cellphone. Tapos ng maibigay na iyong cellphone after ng ilang buwan dahil peke naman pala iyong pagmamahal ng babae ay makikipaghiwalay at sabihin na lang sa lalake na “sorry”.
Kaya pansinin nyo, maraming mga lalake na nabalita na tumalon sa building, naglason ng sarili at ang iba pa ay gumawa ng krimen na naging wild at namaril pa. Ang pagmamahal dapat hindi sa laman dahil ang pagpapakamatay ay consider na pagmamahal sa laman pa rin dahil kapag nagpakamatay ka ay impyerno bagsak mo. Dahil ang pagmamahal sa espiritu ay doon sa langit, sa Diyos.
So ang pagmamahal sa espiritu dapat hindi ka na mag-asawa pa ng iba, Diyos lang ang asawahin mo. Tapos kakalimutan mo na ang hilig sa laman at hindi ka na mag-asawa. Kasi kung mag-asawa kayo ay nagcommit ka pa rin sa laman. Pero kung pagmamahal sa espiritu at dito lang yan sa Diyos, so kung lalake ka or babae ka ay magiging single ka lang forever. Ang iyo lang minamahal ay sa espiritu lang, sa Diyos at dito sa lupa ay pinapalaganap mo ang mga Mensahe nya.
0 comments :
Post a Comment