Sunday, February 28, 2016

Sasakupin ng China ang Pilipinas balang araw

Sa inyong pakiramdam lang, tulad sa mga Ilokano. Bakit nila dinadamihan ang pagimbak ng panggatong na kahoy, saan ba gagamitin yan? Sa paglalaba? Sa pagluluto di ba?

Noong bago nangyari ang 2nd World War, anong ginagawa ng mga hapon? Nagiimbak ba ng kahoy na panggatong? Or gumagawa ng mga sandata na pandigma? Gumagawa ng sandata na pandigma di ba?

Saan nila ginamit iyon? di ba sa pananakop! At ang pananakop ba nila ay ipinagbigay-alam ba nila? Hindi!

So ito ngayon ang ipinapakita ng Ama, iyong CHINA ano ba ang ginagawa nila ngayon? Di ba gumagawa din ng mga gamit pandigma! Ngayon saan gagamitin yan? Pangingisda? Saan yan gagamitin? Sa pananakop pa rin.

At hindi kaya isa tayo (Pilipinas) sa kanilang sasakupin? Sainyong palagay lang? isa pa rin tayo di ba?

Dahil noong pumunta sila Brod Jet doon sa tarlac at pangasinan, kung titingnan ay abot na iyong Missile ng china from Spratleys. Kaya may ginagawa sila ngayon dyan sa spratleys sa West Philippine Sea kasi mag-iinstall sila ng mga missile dyan balang-araw.

Na hindi na kailangang papuntahin ang mga eroplano dito sa Pilipinas, kundi pipindotin na lang yan. Kaya ang nakakaawa sa Pilipinas, ang nakakalungkot sa atin dahil wala tayong mga kagamitan na intercept natin iyong mga missile. Dahil ang katotohanan ay ngayon pa lang tayo bumibili ng mga barko na pinaglumaan na ng mga ibang bansa.

Mga kagamitan ng ibang bansa na pinaglumaan na, ngayon pa lang tayo bumibili. So paano tayo makakalaban? So sino ang kawawa? Tayo pa rin ng mga Pilipino.

So yan dapat ang titingnan at hindi iyong verse by verse sa Bibliya, hindi lang iyong bautismohan, hindi iyong laging nagcocomunion ka, hindi iyong laging magnonovena ka, hindi iyong laging magmisa de galio ka, kundi ang titingnan mo ay iyong paparating. At yan ang paparating sa Pilipinas.

Noong panahon ni Jeremiah, yan ang sinasabi sa Israel na ang ipinapakita ng Diyos Ama sa kanya na sasakupin ng Babelonia ni Nebuchadnezzar ang kanilang bayan, ang kanilang lugar.

Pero anong sabi ng kanilang hari? “Hindi mangyayari yan kasi mahal tayo ng Diyos at tayo iyong mga tao na pinili Nya” kasi ang Israel ang choosen people. Pero anong sinabi ni Jeremiah? “Hindi! nagagalit na sa atin ang Diyos! kasi marami na tayong nilapastangan sa kanyang kalooban”

So anong sagot ng hari? Ang sagot ng hari ay ganun pa rin sa panahon natin ngayon! Na sabi nya “taon-taon or tuwing may mga kafiestahan na pagkilala nila sa Diyos na Ama sa Diyos ng Israel ay ginagampanan nila” Nagkakatay sila ng malalaking turo na baka, iniaalay at sinusunog . Sunod nagdidiwang sila ng mga kafiestahan katulad ng pagdaan ng anghel, iyong fiesta ng tulda, iyong fiesta ng tinapay na walang libadura ay ginagawa nila yan.

Kaya sabi nila “Paano magagalit ang Diyos sa amin? Kasi ginagawa naming yan” So imbes na sundin nila si Jeremiah, ay kanila pang sinaktan, hinamak, at ikinulong. So noong ikinulong sya, doon sa may kulungan ng parang ibon sa gitna ng bayan ay hinihiya sya.

Kaya doon sa may kulungan kapag dumadaan-daan ang tao ay sinasabi nya pa rin iyong Mensahe ng Diyos na ganun ang mangyayari sa Israel. Ngayon ay nagalit pa rin iyong hari, kaya dumating iyong araw na iyong balon na malalim na natuyoan ay doon ikinulong si Jeremiah.

At noong ikinulong sya doon sa balon na pinagtatawanan sya ng mga kawal na mandirigma, sabi ni Jeremiah “sige pagtawanan nyo ako! Dahil pagdumating na iyong araw ng mananakop, lahat ng katawan nyo, lahat ng ulo nyo puputolin at dito kayo lahat ihuhulog sa balon.”

Pinagtawanan si Jeremiah ng mga kawal at sabi pa “Hindi kami matatalo kasi magagaling kami! At nandyan pa ang Diyos ng Israel na tutulong sa amin.” Sabi ni Jeremiah “Hindi! hindi nyo nalalaman na ang nagsasalita ngayon ay mismo na ang Diyos ng Israel” kaya lalo pa syang pinagtawanan ng mga kawal. Dahil sabi nila ay nasisiraan na daw ng bait itong taong ito.

At iyon hindi namalayan at dumating ang araw na malapit na pala sa kanilang lugar na nadoon na ang mga taohan ni Nebuchadnezzar. Hanggang sa dumating ang araw ay sinakop ang Israel at sinunog lahat ng bahay, mga mayayaman ay pinagpapatay, iyong mga babae ay pinaggagahasa, iyong mga hayop nila ay kinuha.

At si haring Sikhaya, dalawang anak nya na lalake, mga official ng palasyo ay itinipon sa gitna. Sunod iyong dalawang anak ni Sikhaya ay sabay pinugotan ng ulo sa kanyang harapan. Pati iyong mga officiales nay ay pinugotan ng ulo. At pagkatapos ay sinabi ni Nebuchadnezzar sa hari ng Israel “dahil matagal na panahon na hindi mo ako kinikilala, pinasabihan ko na sumuko ka sa akin pero hindi ka sumuko dahil lalaban ka. Pero hindi mo alam na hindi ka mananalo sa akin.”

Kaya sabi ni Nebuchadnezzar na ibibigay nya daw ang pinakamabigat na parusa, alam nyo kung ano? Iyon pala ay dinukot ang dalawa nyang mata at pagkatapos ay kinadinahan at dinala noon sa palasyo ni Nebuchadnezzar at ikinulong sa pinakailalim na bahagi ng palasyo na napakadilim.

Hanggang si Jeremiah ay nasusunog na iyong palasyo ng Israel, iyong heneral ng babelonia ay inutusan ni Nebuchadnezzar na hanapin mo iyong tao na nagsasabi na hindi ko pa ginagawa ang pagsakop sa kanyang bayan pero kanya ng nalalaman.

So si Jeremiah na nakakulong doon sa palasyo na nasusunog na ay hinanap ng mga kawal ng babelonia at saka iniligtas at dinala doon sa babelonia at ginawang tagapayo ni Nebuchadnezzar.

So tingnan nyo, anong nangyari sa Israel? Bakit ipinahintulot ng Diyos na Ama na mangyari iyon sa kanyan mga pinili? Bakit pinili? Iyong Israel bakit pinili? Choosen people pa at Israel Land of Promise. Bakit?

Choosen people kasi sila iyong mga angkan ni Abraham, at iyong ipinangako ng Ama kay Abraham ay yun sana sila na kupkupin sila ng Diyos, aalagaan sila ng Diyos, pakamabutihin sila ng Diyos, na ipinangako ng Ama kay Abraham na yung angkan mo ang palalagoin ko. Sila iyong tinatawag na choosen people.

Pero bakit iyong pinili ng Diyos bakit sila iyong pinarusahan? Ang yung masaklap pa yung pumatay sa kanila ay iyong hindi kumikilala sa Diyos. Sa palagay nyo, hindi kaya yan mangyayari sa atin dito sa Pilipinas? Yan ang mangyayari halos ganyan totoo. So ibigay ng Diyos na Ama yan, mangyayari at mangyayari yan na matagal ng sinasabi ng Diyos na Ama na maraming kalamidad ang darating. At sinabi pa ng Ama dati na sa kapangyarihan Nya, darating ang araw na yung gamot na nabibili ay tatanggalan nya ng bisa.

Di ba nabalita na? na iyong mga anti-biotic ay wala ng bisa. So yan, natutupad ng natutupad.

0 comments :

Post a Comment