Dec. 27, 2015 - Pulong in Nanay Gabina's House sa Bagong Silangan, Quezon City
Di nalalaman o naiisip ng tao, lalo na ng mga mayayaman na lahat ng tao ay tatanda at mamamatay. Kaya nauubos ang panahon nila sa lalong pagpayaman at nakakalimutan na ang Diyos kasi ang dinidiyos nila ay ang sarili na nila at ang kanilang yaman o puesto sa lipunan.
Mas malapit sa Diyos ang mga mahihirap kasi parating tumatawag sa Ama para humingi ng tulong kahit pangkain lang.
Ang mayayaman di kailangan ang Diyos kasi kahit konting sakit lang punta agad sa mga espesyalistang doctor kasi may pera sila.
Dapat sa pagpalaganap ng salita ng Diyos, dapat malinis ka kasi paano maniwala ang ibang tao kung may mga gawain ka pang masama. Ang Ama pa ang mapintasan kung di mabuting tao ang nagpapalaganap ng salita Nya. Marami ang tuso at mapagkunwaring nagdadala ng salita ng Diyos, kasi gusto lang magpasikat at magkapera.
Marami ang nagkukunwari na naniniwala pero pagtalikod ng nagsasalita, balik pa rin sila sa mga dating masamang gawain.
Kaya di dumami ang mga apostoles noong panahon ni Hesukristo kasi ang mga nakarinig ng mga salita ng Diyos ay nagbalik pa rin sa dating masamang gawain.
Ang hinihintay ng Ama ay ang pagtupad natin ng mga mensahe Nya para wala ng makasalanan.
Marami ang mga taong nakinig lang pero di tumutupad. Parang hangin lang na dumaan sa buhay nila ang salita ng Diyos.
Sana manatili sa puso natin ang mga mensahe ng Diyos at di ang mga pansalibutang bagay at mga nakagisnang ugali na mali.
Dapat magpalaganap ng salita ng Diyos para maraming tao ang mabago at makauwi sa Ama pagdating ng araw; at maging mapayapa at tahimik na ang ating pamumuhay kasi ang mga tao ay nagbibigayan, may malasakit at pagmamahal sa kapwa. Wala ng mahirap at nagugutom na tao na kaya napipilitang gumawa ng masama o magnakaw o pumatay para lang may makain.
Ang mga kabataan dito sa Quezon City ay halos wala na. Di nila tinupad ang mga mensahe ng Ama sa kanila.
Nasa buhay na talaga ng mga propeta ang lahat ng mga insulto at panglalait, kasi gawain yan ng demonyo para tumigil sila sa pagpalaganap ng salita ng Diyos para di masugpo ang kasamaan. Kaya hwag magpatalo sa mga masasama para di matigil ang misyon sa Ama.
Hindi bababa si Jesus sa langit gaya ng nakasulat sa Bibliya. May propeta bang lumabas sa langit? Lahat pinanganak at naging bata. Halos lahat silang mga propeta, kasama si Jesus at Jet, ay nag-umpisang magmisyon sa edad na 30 taong gulang. Ang Diyos Ama ang pumili sa kanila. Kasama na natin ang bumalik na Jesus kaya lang ganon pa rin ang mga tao, di sya kinikilala at pinapakinggan kasi ayaw nilang baguhin ang sarili at iwanan ang makasalanang pamumuhay. Kaya nga sinabi ni Jesus bago sya umuwi sa Ama na sa pagbalik nyang muli, di sya makikilala ng tao.
Makita mo si Jesus at maramdaman mo sya kung malinis ka sa kasalanan.
Sodom at Gomorrah ang tawag ng Ama sa MM. Kaya mabuting umalis na dito kasi kahit nakaligtas ka, susugurin ang bahay mo ng mga taong gutom at kung ano pang mga pinsala ang gawin sa buhay mo. Malaking trap itong MM kasi wala ka ng matakbuhan dahil masisira lahat at magbagsakan mga gusali at mga kalsada.
Sagad na ang galit ng Ama kasi walang matinong simbahan, politiko, naga-opisina, magulang, kabataan...halos lahat ng tao masama na at di na naniniwala sa Diyos. Kasi pataas na ng pataas ang kasalanan ng mga tao kaya ang solusyon ng Ama ay puksain na lahat at walang makakapigil sa Kanya dahil Sya rin ang lumikha. Kasi ang sinusunod na landas ng mga tao ay landas ng kasalanan.
Magdamagan ang paggawa ng kasalanan dito sa MM. Mabuti pa sa probinsya may pahinga ang demonyo sa pagbulong sa mga tao sa paggawa ng kasalanan kasi 7:00 o 8:00 ng gabi ay tulog na ang mga tao samantalang dito sa MM ay 24 oras gising pa ang mga tao.
Kaya sugpuin Nya ang lahat mula sa bata, magulang at mga lolo't lola kasi di tinuturuan ang mga anak o mga bata na gumawa ng mabuti. Kasi lahat ay abala na sa mga materyal na bagay at kasiyahan na pangsanlibutan at yon na ang dinidiyos nila.
Kaya pinayagan na ng Ama na madala ni Jet ang pamilya nya sa MM para makita ito bago Nya sirain.
Ang mga artistang namumuhay sa pagkakasala, lalo na ang mga bakla at tomboy, ay instrumento o modelo ng demonyo para gayahin ng mga tao sa paggawa ng masama. Sa bunganga lang nila kilala ang Diyos pero wala sa gawain. Ang mga tao ay mahaba pa ang panahon sa panonood ng TV kaysa magbasa ng Bibliya o sa paggawa ng mabuti sa kapwa. Kaya pagdating ng araw, di sila makauwi sa Ama kasi baka maging malungkot sila sa langit dahil walang telebisyon doon, kungdi doon lang sa impierno.
May mayaman bang papayag na magpatuloy, magpatulog o magpakain sa bahay nila sa mga mahihirap? Ayaw nila kasi marurumi ang mahihirap at baka may masira pa sa mga gamit nila o baka pagnakawan pa sila. Di nila alam na ito ay paraan ng pagsubok ng Ama kung talagang totoo ang sinasabi nilang sa Diyos na talaga sila. Sinabi ni Jesus noon na kung talagang ang saloobin mo ay sa Diyos, dapat patuluyin mo sa bahay mo ang mahihirap na walang matulugan o makain.
Nakikita ng Ama ang saloobin natin. Kahit isang tao lang ang tinanggihan natin na di patuluyin sa bahay natin, nalalaman yon ng Ama at di ka rin Nya patuluyin o patirahin sa langit kasi may tinanggihan kang patuluyin sa bahay mo. Gaano pa kaya kung marami ang tinanggihan mong patuluyin sa pamamahay mo?
Sa mga taga Almighty, kahit kasingliit lang ng isang hibla ng buhok ang itim sa puso mo, di ka makauwi sa langit.
Hwag nating kalimutan na ang lahat na nasa atin ay sa Ama lahat nanggaling.
Susubukin tayo ng Ama para makita kung totoo na talagang nasa Diyos na tayo. Kaya baka ang pulubing kumakatok sa bahay mo ay padala ng Ama.
Mas mapalad ang ninakawan kaysa ikaw ang magnakaw. Lahat ay pagsubok ng Diyos kung ano talaga tayo. Kahit mawala lahat ng kagamitan mo basta hwag lang ang buhay mo para may pagkakataon ka pang makapagsisi at mabago ang buhay mo.
Si Jesus nga walang pag-aari kundi ang damit at sandal nya lang kasi ang importante sa kanya na ang ispiritu nya makauwi sa Ama.
Hwag mahalin ang mga materyal na bagay! Wala kang madadala sa kahit anong pag-aari pagdating ng panahon mo.
Si David ay naging masunurin pa nong di pa sya hari. Pero nong hari na sya, naging makasalanan na sya dahil sa yaman at kapangyarihan nya bilang hari.
Mapalad ang nagtutulong sa mga mahirap kasi naiiwas nila ang mahirap sa paggawa ng masama. Minsan nakakagawa ng masama ang tao dahil gutom na pala dahil sa kahirapan. Kaya may krimen kasi naapi sila at may mga taong madamot at sakim.
Kaya pag dumating ang kalamadidad, lahat ng tao ay maging pantay-pantay kasi lahat sira na at wala ng makain. Kaya ang mahirap at mayaman ay pantay-pantay na.
Pami-pamilya ang burahin ng Ama dahil punong-puno na Sya ng galit sa mga kasalana ng tao.
Bakit pupuksain ng Ama ang tao? Kasi Sya ang lumikha. Pag magtanong ka kung bakit may sakit ka? Kasi Sya ang lumikha sa atin. Dahil mahal ng Diyos ang tao, kaya itutuwid Nya kaya lang sa masakit na paraan. Kaya hwag na nating antayin na ang Diyos ang magbago sa atin. Kusa na tayong magbago.
Ipinakita na ng Ama kung paano Nya puksain ang nilikha Nya noong panahon ni Noah at sa Sodom at Gomorrah.
Tayo ang may kailangan sa Diyos kaya tayo ang susuko sa Diyos. Hwag antayin na pakamabutihin o pagpalain tayo ng Diyos, kasi tayo rin ang hinihintay ng Diyos. Kung antayin ang Diyos, talo tayo kasi ang Diyos ay walang katapusan. Kaya isuko sa Diyos ang mga kasalanan mo kasi rebelde tayo sa tingin ng Diyos kung di tayo susuko sa Kanya. Pagpalain ka ng Diyos kung magpasakop ka sa Kanya. Magmisyon!
Kaya ng Ama na ibahin ang paningin ng ibang tao dahil makapangyarihan Sya. Puedeng ipakita ng Ama sa ibang tao na masamang tao ka; at puede rin Nya ipakita na mabait ka.
Tulungan ang sarili at tumawag ng paggabay at bendisyon ng Ama.
Sa mga ginagawang mga sakit: Walang TB kundi sipon lang; walang high blood kundi pikon lang. Magalitin ka kaya may HB ka!
Ang mga taong tinatawag ng Ama sa pamamagitan ng sakit, problema o kahirapan at kapahamakan ay mapalad kasi may pagkakataon pa silang mabago habang buhay pa sila.
Kung binibigyan mo ng karangalan ang Ama, kahit lampas 100 taong gulang ka na matuwid pa rin ang tayo mo, mabilis lumakad, maliwanag ang mata, nakakarinig pa dahil ang Ama ang nagbigay lahat nyan sa atin; at Sya rin ang puedeng magbawi.
Isuko ang lahat sa Diyos Ama na makapangyarihan sa lahat!
Cecilia P. Kwan
0 comments :
Post a Comment