Sa isang salita sinabi ng AMA “magliwanag ang buong sanlibutan” at lumiwanag. Sa isang salita sinabi ng AMA na “magkakaroon ng mga hayop” lumilipad, gumagapang, lumalangoy. Sa isang salita sinabi ng AMA “magkaroon ng mga puno” at nandyan na agad ang mga puno. So gaano kamakapangyarihan ang AMA? Makapangyarihan!
Kaya nga iyong mga sakit na sinasabi ng tao (doctor) na hindi na gagaling, pero sa Diyos gumaling basta manalig ka. Manalig ka sa puso at wag sa isip. Kasi kung sa isip ka manalig ay magdadalawang isip ka. Pero kung isapuso mo ang pananalig, ay hindi ka na magdadalawang isip pa at ito iyong sinasabi na bahala ng mamatay basta hindi ako iinom ng gamot.
Bakit? Kapag uminom ka ng gamot at gumaling ka, darating ang araw ay mamamatay ka pa rin. At pag dumating ang araw na kukunin na ang kaluluwa mo, kahit sa pinakadalubhasa pang doctor ka pa magpagamot ay hindi ka gagaling.
May sakit pinapainom ng gamot at hanggang sa dumating ang araw sya ay matanda na at pinapainom pa rin ng gamot. Kunting sikip lang ng paghinga ay takbo agad sa hospital at nilagyan agad ng oxygen or kung ano-anong mga aparatos para makahinga.
Tapos gumaling at umuwi sa bahay, hindi makakain, hindi makalakad at hindi makatayo. Pinapakain, dumudumi, pinapaligoan hanggang dumating ang araw dumating ang isang taon, dalawang taon, limang taon, sampung taon ay hindi mamatay-matay ang kanilang pasyente.
Ngayon iyong nag-aalaga ay napagod na, ngayon ano na ang kanilang dasal ng mapagod na iyong nag-aalaga? Di ba ganito ang dasal noong nagbabantay “sana po panginoon ay papahingahin mo na sya”. Ngayon iyong inaalagaan ay tumataba at hindi namamatay at iyong nag-alaga anong nangyari? mas nauna pang namatay. Bakit? Dahil nastress! dahil gabi-gabi sya ang ang nagpupuyat at ngayon sya ang nababagot dahil sya ang nililinisan mo.
Ngayon dahil sa bahay nya inaalagaan ang kapatid nya ay nagkaroon sya ng sama ng loob sa kanyang mga kapatid dahil sya na lang ang nag-aalaga sa kanyang magulang. Ngayon ano ang kinahinatnan? mas nauna pa syang mamatay kesa sa kanyang inaalagaan. bakit? dahil humaba pa iyong buhay noong inaalagaan. Ngayon gabi-gabi ay napapagod na sya at ano ang ipinagdasal nya? “sana po panginoon ay maawa na po kayo kay nanay, sana po ay papahingahin nyo na.”
Pero ang katotohanan ay iyong nag-aalaga ang napapagod sa kaka-alaga dahil iyong pasyente nya ay nakapikit lang na sinusuboan, pinapakain, pinapainom. At pagdumumi ay lilinisin at pagumaga ay paligoan nya sa kanyang higaan tapos dadamitan, pupulbohan, lagyan ng electric fan, kaya paano mamamatay?
Humaba ng humaba ang kanyang pag-aalaga, iyong nag-aalaga ang napagod, hanggang tinuboan na sya ng sama ng loob sa kanyang mga kapatid dahil sya lang iyong nag-aalaga araw-araw sa kanyang nanay. At sa gabi-gabi ano na ang kanyang dasal? “sana po panginoon, papahingahin nyo na si nanay kasi nakakaawa naman po sya” pero hindi! ang totoong nakakaawa ay ikaw na nag-aalaga at ibinunton mo lang doon sa nanay mo.
Kaya paanong nakakaawa eh nakahiga lang! oh di ba? Kaya ang Diyos na Ama kung ordinaryong tao lang yan ay matagal na yang nabaliw! Kasi dapat noong araw sana iyong nanay nila na sumikip ang paghinga at parang namumutla at nangingitim, sana ang ginawa nila ay inangat nila ang unan sa may ulo, paypayan, tapos himas-himas lang at kung gumaan ang kanyang pakiramdam na parang gumaling sandali ay pakainin or painomin at kausap-usapin lang.
Kausap-usapin lang tapos sabihin mo na “Nay, kung ito na ang takdang panahon na babawiin na ng AMA ang buhay mo ay wag ka ng mag-alala sa amin at wag ka na naming dalhin sa hospital. Kasi kapag dinala ka naming sa hospital ay baka kung ano pa ang gawin sayo doon at tusokin ka ng kung ano-ano.” Hindi ka ba naaawa sa nanay mo na nanghihina na at matanda na tapos tusok-tusokan ng kung ano-ano ng doctor?
Kung sinusunod sana ng tao ang prosiso, dapat ang tao talagang babawiin ng Diyos ay walang tao na makakapigil dahil ang Diyos ang nagbigay ng buhay, ay Diyos din ang babawi. Kaya kung ang nanay at tatay mo ay nahihirapan huminga, anong gagawin mo? Itaas mo ang unan sa ulo nya, paypayan mo at kapag nanumbalik ang kanyang kulay ay painomin mo ng tubig tapos kausap-usapin mo. At pagdumating ang gabi o araw na talagang nahihirapan na ay sabihin mo na “sige na nay,wag ka ng mag-alala sa amin” para ano? para makapag pahinga na.
Pero noong dinala sa doctor, dinala sa hospital anong ginawa ng doctor? dinugtongan ang buhay! At noong madugtongan, sino ang naghihirap ng madugtongan? Iyong nanay or tatay mo nakaupo lang sa wheelchair tapos hindi makakain at kailangang suboan. Sino ang nahihirap or nagdurusa? Di ba iyong tatay or nanay mo mismo tapos ikaw na nag-aalaga ang nagdudusa. Pero ang ginagawa ng tao? dahil ang tao kuno ay mapagmahal kaya sabi nya ay ayaw nya mamatay ang nanay nya. Kaya kahit na buto’t balat na lang ay ayaw nya pang mamatay. Pero noong nabubuhay pa ang nanay nya ay hindi nya naman ginagalang.
Pero noong nanghihina na ay doon pa lang nya sasabihin na mahal nya ang kanyang magulang. At ang pagmamahal nya ay sa pamamagitan ng pagdugtong ng buhay ng kanyang nanay. Kung mahal mo ang magulang mo dapat ngayon pa lang na malakas pa ay mahalin mo, respetohin mo yan ang pagmamahal.Hindi iyong malakas pa ang magulang mo ay hindi mo nirerespeto, hindi mo ginagalang.
Pero kung kailan nanghina na magulang mo ay nag-aapura ka na at pinahospital mo at dahil mahal mo sya. Kabaliktaran at yan yung hindi nakikita ng tao na katotohanan. Kung mahal mo ang magulang mo ay ipadama mo ang pagmamahal sa kanya. At pagdumating ang araw na manghihina sya ay alagaan nyo lang, pakainin nyo, painomin nyo, bihisan nyo, hilotin nyo.
At pagdumating ang araw na mahihirapan ng huminga, kayong mga magkakapatid ay hawakan nyo sya at sabihin nyo “nay or tay umalis ka na, kami ng bahala na mga magkakapatid”. Para umalis iyong kaluluwa nya na bibiyahe sya na walang ng alalahanin pa. tama po ba? Di da dapat ganyan lang? ganyan lang dapat!
Oh kayong magkakapatid meron ba kayong pag-aawayan? Una, wala kayong utang sa hospital, walang ari-arian na masayang na ibenta nyo. Dahil kapag mahinang-mahina na ang magulang nyo, talagang hindi na yan gagaling kahit dalubhasa pang doctor gumamot dyan. Dahil ang katotohanan ang tao pagdumating sa punto na tumanda na ay manghihina na.
At ang sunod na mangyayari ay dalawa lang, kung hindi ka gagaling ay mamamatay ka. Kaya tatlo ang pwede na mangyayari, gagaling, mamatay or magdudusa. Kung ikaw ang tatanungin na matanda na, ano ang pipiliin mo? di ba mamatay na lang! Bakit? dahil matanda na at wala ka ng magagawa pa dahil tapos na ang iyong mission. Bakit hindi ka matakot mamatay? Kung makabalik ka sa langit matatakot ka?
Pero anong katotohanan kung bakit ang tao ay natatakot mamatay? Kasi hindi nya sigurado kung saan patungo ang kanyang kaluluwa. Pero kung alam mo ng malinis ang puso mo, kahit kailan ay hindi ka natatakot mamatay. Pero kung marami kang sama ng loob, marami kang hinanakit ay kunting paninikip ng dibdib lang ay takbo agad sa doctor at hospital. Bakit? kung bakit ka natatakot mamatay kasi marami kang kasalanan, marami pang dungis ang iyong kaluluwa (dungis ng kasalanan.
)Pero kung malinis ka na at wala ka ng sama ng loob sa kapwa mo, isa yan na hindi mo kinakatakotan ang kamatayan. Kasi bakit? gusto mong makabalik sa langit. Bakit? bakit babalik tayong lahat? Kasi doon tayong lahat galing. Sinong hindi gusto makabalik sa langit? Wala!
Pero bakit iyong ibang tao hindi gusto makabalik sa langit kahit doon sila nanggaling? Sino sainyo ang makapagsabi na hindi sila galing sa langit? Bakit nanggaling sa langit ang tao? sino ang nagbigay sa atin ng kaluluwa? Di ba ang DIYOS MA. Saan ba nakatira ang AMA? di ba sa langit? So saan tayo galing? Sa langit syempre. Pero bakit ang tao gusto pumunta sa impyerno? Siguro dahil gusto nyang maranasan kung ano ang impyerno.
Kung dito pa lang sa lupa subokin mo ng hindi kumain ay sasakit ang tiyan mo, hindi mo kaya at kakain at kakain ka. Pero sa impyerno ay hindi sasakit ang tiyan mo kundi susunogin ka doon. At pag nandoon ka na ay hindi ka na makaka-ahon doon. Kaya nga ang hindi paggawa ng kasalanan ay isang pagtitimpi habang tayo ay nabubuhay para makabalik tayo sa langit at dapat magmission tayo para ipakilala ang AMA sa mga tao at tulungan sila na magbago.
So kayo, kaya nyong hindi uminom ng gamot kapag nagkasakit kayo at dumating ang araw ay sumakit ang dibdib?
0 comments :
Post a Comment