Kung ang lahat ng tao ay tinatanggap ang katotohanan na ang ating buhay ay hiram at kapag dumating ang araw tayo ay hinog na or tayo ay pipitasin na, ibig sabihin tayo ay mamamatay na.
Kung yan sana ang nasa puso at isipan ng tao, wala sanang mahohospital. At sana walang mga anak na mag-aaway away dahil minsan nag-aaway kung sino ang magbabayad sa hospital. At minsan ano pa? iyong utang ng magulang nila ay pinag-aawayan kung sino ang magbabayad. Kaya sa pagkamatay ng magulang ang naging dahilan pa para magkawatak-watak ng mga anak.
Dapat sana sa pagkamatay ng magulang, yung mga anak ay magkaisa. Tama po ba? Tama! Kasi yan ang kabilin-bilinan ng magulang bago sila mamatay. Di ba ganito ang sabi ng magulang “dapat kayong mga magkakapatid, hindi kayo magkakawatak-watak at kahit anong mangyari ay magkakapatid kayo, magkakasama kayo at kapag may problema ang kapatid nyo ay tulungan nyo” ganun ang sinasabi ng magulang.
Pero sa panahon ngayon ay wala na at baliktad na kasi sa kamatayan ng magulang ay dyan nagkaka watak-watak ang mga anak. Kaya wala na talagang spiritual sa buhay talaga ng tao, dahil ang naghahari na sa buhay ng tao ngayon ay material na. Bakit? may mga magkakapatid na gahaman sa naiwan na ari-arian ng magulang at namtay na lang iyong ibang kapatid ay hindi man lamang tinulungan or hindi man lang pumunta sa libing. Yan ang nakakatakot at nangyayari na iyan sa ngayon sa panahon natin.
Kaya ang Diyos ay galit na galit na dahil ang relasyon ay ipinagpapalit na lamang sa mga material na bagay. Dapat ang relasyon ay hindi talaga mawawala sa mga magkakapatid, kahit anong mangyari ay magkakapatid at magkakapatid pa rin.
Materyal lang yan na bagay at kahit marami ka pang kayamanan sa lupa at pagdumating ang araw na mamatay ka ay iiwanan at iiwanan mo pa rin lahat. Pero kung marami kang nagawang magaganda sa lupa, marami kang natulungan na tao, marami kang napayohan na tao, mamatay ka man ay buhay ka pa rin sa lupa. Bakit? maraming nagmamahal sayo. Tama?
Si Jesukristo, dahil marami syang ginawa sa lupa na magaganda at hindi sya mayaman, hindi sya matalinong tao, wala sa gobyerno, pero ilang taon na? ilang libong taon na ang lumipas ay naaalala pa rin sya. Bakit? dahil sa kanyang mga mabubuting gawa. Hindi sya inalala sa kanyang kayamanan.
Si Solomon na mayaman, inalala bas i Solomon? Hindi sya inalala. Naalala si Solomon ng mga taong mahihilig sa laman, dahil si Solomon maraming asawa at yung mga taong mahilig magpayaman. Yan ang patunay na gayang-gaya nyo si Solomon.
So sainyo na nagbabasa nito at gustong isabuhay na ang pagbabago at pagbalik loob sa Diyos , sana darating pa ang mga taon na hindi na kayo babalik sa mga dati nyong mga maling gawain para pagpalain kayo ng ating AMA sa langit. At sa pamamagitan nyo, sana ang mga anak nyo or mga apo nyo ay maakay nyo papunta sa Ama. At sa pamamagitan nyo, ang mga kapitbahay nyo, mga kamag-anak nyo, mga kakilala ay wag kayong mahiya na ipakilala ang AMA.
Kasi yan yung ginampanan ni Jesus noong araw, ipinarating nya ang Mensahe ng Ama at ginampanan ng mga propeta noong araw na iparating ang Mensahe ng Ama.
0 comments :
Post a Comment