Mensahe ng The Holy and Sacred Almighty God Our Father
Kung kinilala mo na dati ang Diyos at naglingkod ka na sa kanya pero umalis ka, baka sa isang pagkakataon lang ang maging kamatayan mo ay hindi maganda pag ipagkaloob Nya.
Kaya nga ang pag-asa ng Diyos na Ama ay ang mga maliliit na bata kasi ang mga may isip na (kabataan at matatanda) ay matitigas na ang ulo, may gawain, may pupuntahan, baliwala ang Diyos sa buhay.
At pagdumating sa punto na nasa kapahamakan na ay doon na tatawag sa Diyos. Kaya wag nyong antayin na darating Sya para iligtas kayo pagdumating sa punto ng kapahamakan.
Dahil kung sa pagtitipon Nya ay wala kayo! ay hindi Sya darating para sainyo. Kung sa mga mission Nya ay hindi nyo binibigyan ng halaga dahil meron kayong gawain at meron kayong pupuntahan, pagdumating sa punto na nasa bingit kayo ng kamatayan ay wag nyong hintayin ang tulong Nya dahil iyong kapahamakan sa araw na iyan ay yan na mismo iyong kaloob Nya sayo.
Kaya wag mong antayin na mahantong ka sa araw ng kapahamakan, dahil kahit isang anghel ay wala Syang ipapadala. Kaya babala ito sa mga taong kumilala na dati sa Diyos pero bumalik pa rin sa maling gawain.
0 comments :
Post a Comment